Aimee
Four years ago...
"Mommy, magkakaroon po ng try out sa cheerleading team sa Friday. Sasali po ako. Kaya baka gabihin po ako ng uwi sa Friday," sambit ni Aimee sa kaniyang ina habang abala ito sa pagluluto ng kanilang hapunan. Bakas sa kaniyang tinig ang excitement dahil gustong-gusto niya talagang mapasali sa cheerleading team. Dancing is her passion since she was a child.
"Okay. Do your best, sweetheart," tugon ng kaniyang ina at ngumiti ito.
"Thanks, Mom," nakangiting tugon niya.
She has the best parents on earth. Napakabait at napaka-supportive ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Masaya sila ng kaniyang pamilya kahit simple lamang ang kanilang pamumuhay.
"Mommy, patulong po ako mamaya sa assignment ko," singit naman ni Evan.
Si Evan Joseph ang kaniyang nakababatang kapatid. Matanda siya ng tatlong taon rito. Dalawa silang anak ng kanilang mga magulang.
"Okay, bunso. Pagkatapos nating maghapunan."
Dahil science teacher ang kanilang ina, ito ang takbuhan ni Evan kapag nahihirapan itong sagutan ang takdang-aralin nito sa eskuwelahan. Partikular na sa subject na science.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kaniyang ama mula sa opisina nito.
"I'm home," masayang wika ng kaniyang daddy.
Napalingon siya sa bagong dating na lalaki. Napakamasiyahin talaga ng daddy niya. Kahit pagod na ito'y nakukuha pa ring maging masigla pagdating ng bahay.
"Hey, dad. I miss you," paglalambing niya sa kaniyang ama na napakagwapo sa suot nitong business suit na kulay abo.
Lumapit siya sa daddy niya at yumakap. Humalik naman sa kaniyang pisngi ang kaniyang ama.
"I miss you too my beautiful baby girl."
Matapos niyang yakapin ang kaniyang ama ay agad namang yumakap ang kapatid niyang si Evan sa daddy nila.
Her dad is pure American. Ngunit matagal na itong naninirahan sa Pilipinas. Dito na rin nagkakilala ang kaniyang mga magulang sa Maynila.
"Dinner is ready," masiglang sambit ng kaniyang ina.
Nagtungo na siya sa hapagkainan. Sumunod na rin si Evan at ang kaniyang ama.
"The best ka talaga, honey," komento ng kaniyang ama sa luto ng kaniyang ina nang matikman nito ang masarap na chicken adobo na may itlog.
Ngumiti naman ang kaniyang ina.
"Dagdagan mo ang kanin mo, honey. Mapapalaban ka ngayon sa kain."
Masarap kasing magluto ang kaniyang ina kaya naman laging napapa-extra rice ang kaniyang ama. Her mom is a great cook. Namana ng kaniyang ina ang pagiging magaling sa pagluluto sa kaniyang lola.
Habang pinagmamasdan niya ang kaniyang pamilya na masayang kumakain ay napapangiti siya. Wala na siyang hihilingin pa sa Panginoon. Dahil pinagkalooban siya ng isang masaya at kumpletong pamilya.
"Sweetheart, kumain ka pa," pukaw ng kaniyang ina.
"Sige po, Mommy. Busog na po ako," aniya at ngumiti siya rito.
Nagda-diet kasi siya para mabawasan ang kaniyang timbang. Pinaghahandaan niya kasi ang try out ng cheerleading team. Gustong-gusto niyang mapasama roon. Noong bata pa siya ay hilig na talaga niya ang pagsasayaw. She did well in gymnastics. Nag-ballet class din siya noon. Sumasali rin siya sa mga school program ng kanilang paaralan. Kilalang-kilala siya sa dati niyang school dahil sa talento niya sa pagsasayaw. Kaya naman ngayong nasa high school na siya ay gusto niya iyong ipagpatuloy. Because that's one of her passion.
"Diet na naman ang baby girl?" tanong ng kaniyang daddy.
"Opo, Daddy," nakangiting tugon niya.
Malapit na ang araw ng try out sa cheerleading team. Kaya naman hindi niya na maitago ang kaniyang excitement. Namamangha siya kapag pinapanuod ang mga cheerleaders ng kanilang paaralan. Gustong-gusto niya talagang makuha bilang isa sa mga cheerleaders ng kanilang eskuwelahan. Kaya naman kahit nasa bahay siya ay pinag-aaralan niya na ang mga moves ng isang cheerleader. Gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para lamang mapabilang sa cheerleading team. Hindi niya bibiguin ang kaniyang pamilya na naniniwala sa kaniyang kakayahan.
Matapos ang kanilang hapunan ay pumasok na siya sa kaniyang silid upang mag-aral. Masipag siyang mag-aral kaya naman magaganda ang grades niya sa school. Consistent honor student siya. Noong nasa elementarya pa siya ay nasa top 10 din siya.
Naghanda na sa pagpasok sa eskuwelahan si Aimee. Kasabay niya rin sa pagpasok ang kaniyang kapatid na si Evan na nag-aaral pa lamang sa elementary school kung saan nagtuturo ang kaniyang ina.
Nang maihatid siya ng kaniyang ama sa gate ng eskuwelahang pinapasukan niya ay humalik muna siya rito bago bumaba ng kotse.
"Bye, Dad. Mag-iingat ka,"
"Bye, sweetheart."
Ngumiti siya rito. Kumaway pa siya rito ng mapatingin ang kaniyang ama sa rearview mirror habang papalayo ang kotse nito.
Nang makapagpaalam na siya sa kaniyang ama ay dumiretso na siya sa loob ng paaralan.
Tumunog na ang bell para sa recess time. Kagulo na ang kaniyang mga kaklase. Nilapitan niya ang upuan ng isa sa mga best friend niyang si Lyle.
"Lyle, magta-try out ako sa cheerleading team sa Friday. Ikaw ba?" aniya sa kaniyang kaibigan na isa ring freshman student sa eskuwelahan na pinapasukan nila dito sa Maynila.
"Ah, baka next year na 'ko sumali."
"Ganu'n ba? Sige. Wish me luck na lang," nakangiting tugon niya sa kaniyang kaibigan.
Lyle and her were childhood friends. They were best friends. Nagkakilala sila noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. At si Lyle naman ay limang taong gulang noon. Sa iisang lugar lang din sila nakatira. Hindi na sila mapaghiwalay simula noon. Simula kindergarten ay magkakaklase na sila. Hanggang ngayong high school ay hindi pa rin sila naghihiwalay.
"You can do it, Em. Ikaw pa ba?" wika nito habang naglalakad sila sa gymnasium ng kanilang eskuwelahan. Tiwala ang kaniyang kaibigan na matatanggap siya sa cheerleading team.
"Sana. Gagalingan ko talaga," punong-puno ng determinasyon ang kaniyang tinig.
"Siya nga pala, may football game mamaya. Nuod tayo," anyaya ng kaniyang kaibigan.
"Sige," excited na tugon niya. "After class naman 'yon kaya okay lang. Teka, nasaan nga pala si bestie?" aniya.
Ang tinutukoy niya ay ang kaniyang maharot na bestie na si Nathan. Tulad nila, mahilig ding manood ng football game si Nathan. Pa'no kasi, maraming hot na footballer sa kanilang school. Kaya naman hindi pinapalampas ni Nathan 'pag may football games.
"Ewan ko ba do'n. Hindi raw pumasok sabi ng classmate niya."
Aimee loves football games. Ang kaniyang American daddy ay isang football player din noong kabataan pa niya. Ngunit iba ang American football sa football dito sa Pilipinas. Kumbaga soccer iyon sa America. Pero kahit magkaiba iyon ay parehas niya pa ring pinapanood ang magkaibang version ng football. She's actually into sports. She loves outdoor sports. 'Yun din ang bonding nila ng kaniyang mga kaibigan.
Her dad was a star football player in high school and college. Ngunit nang magkaroon ito ng injury ay hindi ito pinalad na makapasok sa NFL. Nang dahil doon ay biglang gumuho ang mga pangarap ng kaniyang ama noon. He gave up the sports that he truly loves. Matagal din ito bago naka-move on. Hanggang sa itinuon na lang nito ang atensiyon sa ibang bagay para makalimutan ang nangyari sa career nito sa sports na iyon.
Ang nakababatang kapatid niya naman na si Evan, ay kinakitaan na rin ng pagkahilig sa naturang sports. Gusto ng kaniyang kapatid ang American football. Kahit na masyadong pisikalan iyon kumpara sa football dito sa Pilipinas. Pero dahil naglalaro ang mga kaibigan nito ng football na iba sa nilalaro noon ng kanilang ama, ay naengganyo itong subukan ang laro. Hanggang sa napamahal na siya sa larong iyon.
Nagsimula na nga ang football game. Ang mga estudyante ay masayang nanunuod ng laro. Malalakas na tilian at sigawan ang bumabalot sa football field.
"Go wildcats!" narinig niyang cheer ng mga babaeng estudyante. "Wooh..."
Nakasuot ang mga football player ng unipormeng may kombinasyon ng itim at pula.
Nakatuon ang mga mata ni Aimee sa laro. Panay din ang cheer niya sa kanilang sariling manlalaro.
"Em, uwi na tayo," nabaling ang atensyon niya sa kaniyang kaibigan na nagyayaya ng umuwi. Mukhang nababagot na itong manuod ng laro.
"P-pero...hindi pa tapos ang game."
Kung kailan naman nag-e-enjoy na siya sa panunuod ng laro ay saka naman nagmamadaling umuwi ang kaniyang kaibigan.
"Okay lang 'yan. Magsasawa ka ring panoorin ang mga 'yan kasi madalas naman silang maglalaro sa school."
Napilitan na siyang umalis kahit gusto niya pa sanang tapusin ang laro.
"Okay sige. Kukunin ko lang 'yung bag ko sa room," aniya.
"Mommy! Successful ang try out ko!" bungad niya sa kaniyang ina matapos niyang makapasa at maging ganap na cheerleader ng kanilang paaralan, ang team wild cats.
"Talaga, sweetheart? Ang galing-galing talaga ng baby girl," yumakap siya sa kaniyang ina.
Mangiyak-ngiyak siya sa labis na tuwang nadarama. Pangarap niya kasing mapasali sa cheerleading team.
She wants to be a cheerleader. She loves leading people. She just love to be a part of crowd appeal. This is her personality. She's never a shy type. She loves being with people.
Binati rin siya ng kaniyang daddy at ni Evan. Natutuwa ang mga ito sa nakuha niyang achievement. Siya lang naman ang nag-iisang freshman na nakapasok sa cheerleading team ng kanilang eskuwelahan.
"Welcome to the squad, Aimee," nakangiting usal ng kapwa niya cheerleader na si Rebecca. Fourth-year student na ito sa paaralan. Yumakap ito sa kaniya.
"Thank you," mangiyak-ngiyak niyang tugon. Napayakap siya rito dahil sa sobrang tuwa.
Nakilala niya na lahat ang kapwa niya cheerleaders. Mababait naman ang mga ito sa kaniya. Likas naman siyang palakaibigan kaya hindi mahirap sa kaniya ang makisama sa ibang tao.
Nagsimula na ang kanilang cheerleading practice. Bukas naman ay magkakaroon ng football game. Excited na siyang mapasama sa squad para i-cheer ang home team nila na wildcats.
Kinabukasan ay sumabak na siya sa cheer squad.
Siya ay nakapuwesto sa harapan ng mga football players. Those players sitting on the sidelines were watching them cheer for them, their home team.
"Go wildcats," chant niya habang sumasayaw.
Napatingin siya sa kaniyang harapan at napansin niyang sa kaniya nakatutok ang mga mata ng isang football player na nakasuot ng number eight jersey. He was sitting on the sidelines. Kasama nito ang kanilang coach at ang iba pang football player. Napangiti siya. Ngumiti rin ito sa kaniya.
Gosh. He's super cute.
Nagwagi ang kanilang team. Kaya naman labis ang tuwa ng team wildcats.
Tinawag siya ni Penelope. Ang captain ng cheerleading team. Ipapakilala raw siya nito sa mga football players. Kinakabahang sumunod naman siya rito papunta sa malawak na football field.
Nakipagkamay siya sa mga football players.
"Nice to meet you, Aimee," ani ng isang football player na nagngangalang Spencer. Kinindatan pa siya nito.
"Nice to meet you too," aniya at ngumiti.
Nang magtungo si Penelope kay number eight para ipakilala siya ay napahinto siya sa paglalakad. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Nahihiya siyang lapitan ito. Pilit niyang itinatago ang pamumula ng kaniyang mukha.
Ngunit siya ang unang bumati rito.
"H-hi," mahina at kabado ang kaniyang boses. Ngumiti siya sa lalaki.
Ngumiti naman ang lalaki sa kaniya.
"Hello. I'm Ryle," anito at inilahad ang kaniyang kamay.
"Aimee Jane," tugon niya at tinanggap ang kamay nito.
"Nice name," sambit pa nito.
"Thank you," ngumiti siya kay Ryle.
Nang maipakilala siya ni Penelope sa lahat ng player ay bumalik na siya sa loob ng kanilang classroom para hanapin si Lyle.
"Lyle, ang guwapo niya," kinikilig niyang wika sa kaniyang kaibigan.
"Sino? 'Yung sinasabi mong football player na nakasuot ng number eight jersey?"
"Oo siya nga. He's super cute, Lyle. Gosh!"
"Sabi ng mga fourth-year, magaling daw 'yon. Kaso lang may injury kaya hindi makapaglaro. Isa 'yon sa Midfielder ng kanilang team."
"Ah, ganu'n ba? Kaya pala nakaupo lang siya kanina."
"Oo. Pero hindi ako sure, ah. Feeling ko may girlfriend na 'yon. Nakita ko kasing may kaakbay na babae 'yon nu'ng isang araw."
Bigla namang lumungkot ang kaniyang mukha sa sinabi ng kaibigan.
Napansin naman ng kaniyang kaibigan ang reaskyon ng kaniyang mukha.
"Okay lang 'yan, Em. Girlfriend pa lang naman. Hindi pa naman asawa kaya may pag-asa ka pa," biro ng kaniyang kaibigan.
"Baliw ka talaga," natatawang tugon niya.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Aimee," ani ng kapwa niya rin cheerleader na si Lauren. Senior na ito sa kanilang eskuwelahan.
"Hala, mas maganda ka," tugon niya.
"Hindi. Mas maganda ka," makulit na sambit ni Lauren. Natatawa na lang siya.
Marami nga'ng nagagandahan sa kaniya sa eskuwelahan. Pero kibit-balikat lamang siya.
"Ang ganda talaga ng buhok mo, Aimee. Ang kapal-kapal tapos blonde na blonde. Iba talaga kapag may lahi," komento ng kaniyang kapwa cheerleader na si Kelsey.
Trip na trip nito ang kaniyang buhok na mala-Rapunzel dahil maiksi lang ang buhok nito.
Naglalakad silang tatlo patungo sa football field nang mapansin niyang nagwa-warm up ang mga football players. Kasama na roon si Ryle.
"Ang guwapo niya talaga," wala sa sariling naisatinig niya ang laman ng kaniyang isipan.
"Ha? Sino?" usisa ni Lauren.
"Ah, w-wala."
"Weh? Uy, may crush siya kay Spencer," kantyaw ni Kelsey.
"Ha?" gulat niyang tanong. "Wala, ah," mariing tanggi niya dahil wala naman talaga siyang crush sa lalaking iyon na kilalang playboy ng campus.
"Eh, sinong crush mo d'yan sa mga 'yan?" ngumuso si Kelsey sa direksyon ng mga football players na nasa harapan ng coach ng mga ito. They're doing lap exercises.
"Secret," napahagikgik siya.
"Ay, ang daya. Sabihin mo na kasi," ani Lauren.
Pinipilit siya ng mga ito na sabihin kung sino ang kaniyang crush.
Napilit naman siya ng mga ito na sabihin kung sino.
"Si Ryle," mahina niyang sagot.
"Ha? Sino?" sabay na tanong ng dalawa.
"Sssh...Huwag kayong maingay," saway niya sa mga ito. "Si Ryle. 'Yung number eight."
"Ah, si Ryle. Naku, may girlfriend na 'yan, 'day," ani Lauren.
"Okay lang 'yan. Crush lang naman. Hindi naman aagawin ni Aimee sa girlfriend niya 'yang si Ryle. 'Di ba, Aimee?"
Tumango siya at ngumiti rito. Wala naman siyang planong mang-agaw ng boyfriend ng iba. Hanggang crush lang naman niya ang lalaki.
Narinig niyang tumunog ang cellphone ni Lauren. Agad naman nitong sinagot ang tawag.
"Wait lang, babe. May practice kami mamaya. Mamaya mo na ako sunduin. Tatawagan na lang kita. Sige, bye. Love you," malambing na wika ni Lauren sa kausap sa cellphone.
Nakaramdam naman siya ng inggit dahil may mga boyfriend ang mga ito. Samantalang siya ay wala. Nagkaroon na siya ng boyfriend noong nasa elementarya pa lamang siya. Pero dahil bata pa lamang siya noon, hindi naman nagtagal ang kaniyang relasyon sa kaniyang first boyfriend. Kumbaga puppy love lang. Saka dahil nga bata pa siya, may guidance pa rin ng kaniyang mga magulang iyon. Hindi naman siya pinagbabawalang magkaroon ng boyfriend, pero may rules ang kaniyang mga magulang pagdating sa pakikipagrelasyon. Her parents kept a close eye with the relationship.
Sumusunod naman siya sa kaniyang mga magulang. Dahil naiintindihan niya na para rin naman sa kapakanan niya iyon. Nagpapasalamat nga siya sa mga ito dahil hindi siya pinagbabawalan na magkaroon ng karelasyon kahit bata pa siya. Ang karamihan kasi sa mga classmates niya ay never pang nagkaroon ng boyfriend.
Naupo siya kasama sina Kelsey at Lauren sa bakanteng bench. Mamaya ay may practice sila ng cheerleading.
"Girls, punta lang akong canteen. Nauuhaw ako. May ipapabili ba kayo?" tanong niya sa kaniyang mga kasama.
"Buko shake sa'ken," sambit ni Lauren.
"Ako rin. Ganu'n din." Tumango siya at nagtungo na sa direksyon patungong canteen para bumili ng maiinom. Mamaya niya na lang sisingilin ang mga kaibigan.
Ang init talaga sa earth. Napapaypay siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad.
Habang nakapila siya sa canteen ay dumaan sa kaniyang harapan ang mga football player.
"Uy, si Miss pretty cheerleader," sambit ng babaerong si Spencer sa kaniya. "Hi beautiful," napalingon siya kay Spencer na tipid niyang nginitian.
Napansin niyang nakatingin sa kaniya si Ryle. Nagtama ang kanilang mga mata. Napakaganda ng mata nito. Kulay tsokolate ang mapupungay na mata nito at napakahaba rin ng pilik-mata. Nginitian niya rin ang lalaki at agad siyang nagbawi ng tingin.
Kapansin-pansin na si Ryle ang pinakatahimik sa grupo nito. Ngunit para sa kaniya si Ryle ang pinakamalakas ang dating. Gwapo rin naman ang ibang ka-teammate nito. Pero mas nagugwapuhan siya kay Ryle. He was incredibly attractive. And hot as hell.
Nang makabili siya ng mga inumin ay bumalik na siya sa kaniyang mga bagong kaibigan na sina Lauren at Kelsey.
"O, kala namin umuwi ka na. Tagal mo, eh," biro ni Lauren.
"Marami kasing estudyanteng bumibili," paliwanag niya.
Napapitlag siya ng marinig ang halakhakan ng mga kalalakihan 'di kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Narinig niya na naman ang boses ng mga football players.
Bumati ang mga ito sa kanilang tatlo.
"Hi girls," bati ni Spencer sa kanila.
Ito ang utility player ng football team. Ito rin ang team captain ng team nito. He is known for being one of the best players both on and off the field, never sticking to the same girl ever. He's funny too. But he's lacking in the intelligence area. Ka-close ito ng mga kasamahan niyang cheerleaders.
Pakanta-kanta siya habang nagwawalis ng bahay nila ng kanta ni Shawn Mendes na "Mercy".
Sabado ngayon at wala siyang pasok sa eskuwelahan.
"Ev, lakasan mo nga 'yung speaker," utos niya kay Evan.
Mahilig kasi siyang mag-sound trip sa bahay tuwing wala silang pasok sa eskuwelahan.
Nang matapos siyang maglinis ng bahay ay nagbukas siya ng kaniyang social media.
"Shawn has the prettiest voice." Ito ang latest tweet niya sa Twitter.
Marami namang nag-like ng kaniyang Twitter post. Excited na siyang makita si Shawn sa personal. Ayon daw sa balita ay magkakaroon ito ng concert this year. Sana nga ay matuloy. Pag-iipunan niya ang naturang concert makita lang si Shawn. At ng marinig ang napakaganda nitong boses ng live.