Ryle Nakatingin siya sa malayo habang pinagmamasdang maigi ang dalawang tao na naglalakad sa kabilang direksyon mula sa kaniyang kinatatayuan. Nakatutok ang mga mata niya sa isang babaeng naka-ponytail ng pagkataas-taas. Nakasuot ang babae ng P.E. uniform. Is that Aimee? Tanong niya sa kaniyang isipan. "Hey, dude. Ano ba'ng tinitingnan mo riyan?" tanong sa kaniya ni Lucas. Isa sa mga teammate niya. Napalingon siya sa lalaki. "Ha? Ah, wala," balewalang sagot niya. "Akala ko naman kung ano'ng tinitingnan mo riyan. Siya nga pala, birthday ni Sam mamaya. Huwag kang mawawala, ha." "Sige. Ihahatid ko lang mamaya ang girlfriend ko. Sasama ako sa inyo," tugon niya. Kaarawan ng kaniyang teammate na si Sam ngayong araw. Kaya naman ang buong team ay a-attend ng birthday party mamayang gabi.

