Aimee "Ano'ng problema, Em? Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?" nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Lyle habang nakaupo sila sa sala ng bahay nina Sara. Napansin siya ng kaniyang kaibigan na nakatulala lamang. "Ha? Wala. May iniisip lang ako," matamlay niyang sagot. Kagabi lang kasi ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kaniyang nobyo. Ewan niya ba sa lalaking 'yon, masyadong mainitin ang ulo. Palagi na lang naghahanap ng dahilan para may pag-awayan sila. Parang 'yun ang paborito nitong gawin. Ang maghanap ng dahilan para may pag-awayan sila nito. "Nag-away kayo ng boyfriend mo 'noh?" Para bang nabasa ng kaniyang kaibigan ang kaniyang iniisip. Ilang buwan pa lamang silang magkasintahan ni Bradley. Pero sa loob ng ilang buwan na iyon ay

