Aimee "Em, totoo ba 'yung issue na may something sa inyo ni Ryle?" tanong ng kaniyang kaibigan na si Lyle habang nasa klase sila. Wala silang teacher sa oras na ito dahil may importanteng pinuntahan daw ngayon. Kaya naman binigyan lang sila ng seatwork na natapos na rin naman nila agad. Ang mga kaklase niya ay abala sa kani-kanilang mga trip sa buhay. Ang iba ay nagkukwentuhan. May iba namang kumakanta habang naggigitara. "Naku, Lyle. Huwag kang magpapaniwala sa mga tsismis. Hangga't hindi ako ang nagsasabi sa 'yo, eh, walang katotohanan 'yung tsismis na naririnig mo," tugon niya sa kaniyang kaibigan. Mariin niyang itinanggi ang rumors na kumakalat sa eskuwelahan. Wala bang magawa ang mga estudyanteng nagpapakalat ng maling impormasyon na ito? Ba't kaya mas gusto pa ng mga ito na pagtu

