Aimee "Handa ka na bang makita si Ryle sa reunion? Malapit na 'yon. Hmm...Paniguradong magsisisi ang lalaking iyon kapag nakita ka. Isang diyosa lang naman ang sinayang niya," biro sa kaniya ni Zeke. Heto na naman ang kaniyang kaibigan. "Ano ba, bestie. Move on na tayo. Huwag na natin siyang pag-usapan," saway niya sa kaniyang kaibigan. He just brought that topic again. Napailing siya. Ayaw niya na munang balikan ang kanilang nakaraan ni Ryle at ang posibilidad na magtatagpong muli ang kanilang landas sa nalalapit na reunion sa kanilang eskuwelahan. Wala naman siyang magagawa kung makikita niyang muli ang dating nobyo. Dahil hindi naman imposibleng mangyari iyon kung dadalo man ito sa high school reunion ng apat na batch. At hindi naman niya hawak ang buhay nito. Hindi na tamang pag

