Ryle Malaking pasasalamat niya sa Panginoon na gumaling na ang kaniyang kapatid na si Maddie mula sa pagkakaospital nito dahil sa dengue. Bumabalik na rin ang dating sigla nito dahil unti-unti ng naka-recover ang kaniyang kapatid. Hindi siya nawalan ng pag-asa na gagaling ang kaniyang kapatid kahit na ang sabi ng doktor ay mas lumala pa ang kondisyon nito makalipas ng ilang araw sa ospital. Dahil sa kakaibang takot na naramdaman niya nang ma-ospital si Maddie ay mas maraming oras na ang ginugugol niya sa kapatid. Kapag gusto nitong maggala sa mall ay pumapayag siya at sinasamahan niya ito. Pinagbibigyan niya ito sa kung ano mang gustong gawin ng kaniyang kapatid. "Kuya, manood tayo ng Harry Potter mamaya," wika ng kapatid sa kaniya. Wala pa ring kasawa-sawa ang kapatid sa movie na iyo

