Aimee Masaya siya na ang kaniyang kaibigan na si Sierra ay unti-unti nang nakakabangong muli. She deserve someone better. Bumabalik na rin ang sigla nito at bumabalik na rin ang mga ngiti nito sa labi. "Yan. Ganyan nga. Mas maganda ka 'pag nakangiti ka," nakangiting wika niya sa kaibigan habang nasa may hagdanan sila sa third floor ng building at nakaupo. Mamaya pa ang klase nila. "Thanks, gurl. Salamat dahil nandiyan ka lang palagi. Hindi mo alam kung gaano mo 'ko natulungan, Aimee. You save me," mangiyak-ngiyak na wika nito. Sierra's been there with his ex at his lowest. Hindi man lang naisip ng ex nito ang mga sacrifices ng kaibigan sa relasyon ng mga ito. She supports him all the way. Lalo na noong panahong na-depressed ang dating nobyo nito nang maghiwalay ang mga magulang nito.

