“NAKAHANDA ka na ba, hijo?” Hindi nilingon ni Patrick ang inang si Benita Valmadrid. Ibig niyang maramdaman nito ang hinanakit sa puso niya. Gusto niyang ipakita rito ang matindi niyang pagtutol sa ibig nitong ipagawa sa kaniya. Naramdaman niya ang paglapit ng ina at ang pagyakap sa kanyang likuran. “Anak, para sa’yo rin naman ang lahat ng ginagawa namin ng iyong papa. Mahal ka namin anak, kaya wala kaming iniisip na hindi maganda para sa’yo. Paano kung totoo ang mga pananakot ni Salviejo? Paano ka na? Wala kaming magagawa ng iyong ama...” Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa pagkarinig pa lamang sa taong laman ng kanyang isip. Nagpupuyos ang kanyang dibdib dala ng labis na pagkasuklam rito. Bakit kailangang siya ang magbayad ng atraso ng ama? Ano ang kinalaman niya sa malaking perang nad

