“Mamaya na ‘yan! Saka niyo na lang gawin ‘pag nakapasok na kayo sa kwarto!” natatawang kantyaw sa amin ng tricycle driver. Para kaming tangang natauhan kaya mabilis kaming umahon. Paulit-ulit akong nagmura sa isip ko habang pinapagpag ang uniporme at pinupulot ang dalawang bag. This is incredibly insane! Bakit para akong gagong may abnormal na puso? Dahil sa mga segundong iyon na hawak ko ang kaniyang bewang at nakikipaglaban ng titigan sa kaniya, hindi naiwasan ng puso kong tumibok sa sobrang abnormal na paraan. Dagdag pa roon ang mga palad niyang nakasapo sa aking mukha kaya sinong hindi kakabahan? Gusto kong tumawa upang maibsan ang pagkailang na namumutawi. Anak naman kasi ng tipaklong, bakit ba namali siya ng hakbang? Pagka-alis ng tricycle driver at kami na lang ang naiwan, muli k

