Hindi ko maipagkakaila kung gaano ako kapraning nitong nakaraan. Walang wala ako sa sarili. Wala ako sa katinuan. Hindi biro mag-alaga ng isang bata. Walang madali sa pagpapalaki nito lalo na sa mga gaya kong dapat mas nagko-concentrate sa pag-aaral. Ang dami-dami kong natutunan mula nang mabuksan ang kabanatang ito ng buhay ko. Abot-abot man ang naging hirap at sakrispisyo, sa huli ay natanto kong masarap din pala sa pakiramdam maging isang ama. Alam ko na ang hirap kaya lubos kong dine-discourage ang maagang pagbubuntis, lalong lalo na kung hindi naman handa. Dahil sa totoo lang, aminin man natin o hindi, sa mga magulang nakasalalay ang kinabukasan ng mga anak. Sila ang magdidikta ng kahahantungan nito— ang magsisilbing gabay. Hindi ko masisisi si Larina kung bakit sa akin niya dinala

