Sa araw na ito, may magaganap na volunteer work. Aktibidad ito at collaboration ng student council at STEM strand kaya parehas kong minamando. Sanay na sanay naman na ako para mag lead nito kaya hindi sa akin problema kung paano ito mairaraos. Kasama ko si Harlet at ang mga officers na under sa organisasyon na nabanggit. Ang venue ay dito lang sa Sitio Magsaysay dahil convenient ito para sa mga makakatanggap ng donation. Dinaos namin ang program na ito hindi lang para may mai-document o ‘di kaya’y maipagmalaki. Naroon ang puso ko upang tumulong lalo’t mga bata ang karamihan sa mga makakatanggap. Noong una, wala naman talaga ito sa plano. Wala ito sa listahan na ipinasa namin sa office kaya mabuti ay pinayagan. Sumang-ayon din naman ang mga miyembro kaya wala ng naging problema. Medyo sho

