Pagkauwi namin ni Harlet, saka kami nakatanggap ng chat sa adviser na student council daw ang mag-oorganize ng orientation bukas para sa mga graduating students. Biglaan lang iyon kaya kahit mula sa marubdob na iyak, isa-isa kong tinawagan ang mga officers para sa mga assignment nila bukas. May mga gamit naman sa school para sa decoration kaya wala namang problema sa logistics. Ang problema lang namin ay ang mismong program dahil wala talaga kaming ideya na mangyayari ito. Kaya kinabukasan, alas sais pa lang ng umaga ay nasa campus na kami. Dumiretso kami sa faculty upang ipaalam sa mga teachers na pansamantala munang mapu-pull out ang pang-umagang klase. Hiningi na rin namin ang numero ng bawat class president para ma-notify nila ang kanilang mga kaklase. Saka lang namin ito natapos n

