Araw ng biyernes. Mabilis na lumipas ang mga araw at walang naging problema sa mga nagdaan. Sa mga araw kasi na nag-aaral ako, hindi naging sagabal si Jaslo. Hindi ko na iniisip kung paano ko siya iiwanan sa tuwing may pasok ako. Magbigay lang ako ng bilin ay kaagad naman niyang nasusunod. Doon ko napagtanto na kahit papano’y mabait pala siya, na nagagawa niyang sumunod sa mga bilin basta iiwanan ko lang ng pagkain at bagay na maaaring mapaglaruan. Wala pa kasi akong sapat na pera para bilhan siya ng kasuotan at laruan. Mas inuuna ko muna ang pagkain at ilang mga gastusin sa school. Dalawang araw na ring absent si Harlet. Kinamusta ko na siya kahapon at sinabi na sa lunes na raw siya papasok para hindi mabinat. Binibigyan ko naman siya ng pointers kung ano ang dapat niyang pag-aralan. In

