"Hindi ko alam kung ano ang problema, Amber. Gusto kong malaman," sabi nito. "Wala. Ihatid mo na ako." "I'm not your driver." "Binayaran naman kita," katwiran niya. "Anong petsa na?" Pinandilatan siya ni Angelo sa rearview mirror. "Tapos na ang kasunduan natin. Good for one week lang ang ibinayad mo." "Anong oras na?" She pointed at the dashboard clock. "May isang oras pa bago matapos ang one week." Lumingon na si Angelo. "May utang ka sa 'kin." Natameme saglit si Amber. "Di ibabalik ko na. 'Yon ang ATM, o!" Turo niya sa kaliwa ng kalsada. "Okay." Sumignal si Angelo sa masa likuran at tumabi. "Mag-withraw na." Padabog siyang bumaba ng kotse, padabog ding isinuksok ang ATM card sa machine. Withdraw Cash. AMOUNT. Savings. PIN.. Unable to process. Transact with your own ba

