Sumilip uli siya. Wala na sina Amber. Tumuloy na siya sa parking area at doon naghintay. Wala pa, siyang beinte minutos doon, nakita niya ang matandang Intsik, lumabas ng elevator. May kasamang malaking lalaki, bodyguard siguro. Nawala ang mga ito sa paningin ni Angelo, pero mayamaya ay may umilaw na sasakyan. Naiwan pa si Amber sa hotel. Titig na titig lang si Amber kay Mang Estoy habang nakahalukipkip siya sa sofa. Nasa dining table ito, nagbabasa ng tabloid at naninigarilyo. Wala siyang maibigay na ashtray, kumuha na lang ito ng rock glass, iyon ang ginamit. "Ayan na ang selpon, tawagan mo-na," sabi nito, itinaktak ang abo ng sigarilyo, sa mesa iyon nalaglag. Amber winced. Pero hindi siya tuminag sa pagkakaupo sa sofa kahit mahigit isang oras na yata siya roon. Pagdating nila galin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


