Demerol

1588 Words

Si Tita Kelly, despite all the love and care na ibinibigay nito sa kanya, would never, ever tolerate silly. Kaya sa pagkabata pa lang, natutuhan na, ni Amber na itago ang totoong personalidad. Noong six years old si Amber at matingkad na matingkad pa sa isip ang hitsura ng kanyang mama sa loob ng ataul, naisipan niyang gayahin. Dala na rin siguro ng kuryosidad niya noon. Bakit namamatay? Ano ang pakiramdam ng taong patay? Isinuot niya ang puting bestida na ipinasuot sa kanya noong ilibing ang kanyang mama at humiga nang tuwid na tuwid sa sofa. She also closed her eyes. Maid nila noon ang unang nakakita sa kanya. Napa-"Hesus Mahabagin." Pinigil niya ang bungisngis. Pinigil rin na gumalaw o dumilat man lang kahit inaalog na siya ng maid, sinisigawan, sinusundot sa tagiliran... Wel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD