"I won't marry her if I know nothing about her." Sumeryoso ang mukha ni Cathy. "Oh, well, Mr. Rebollado, your wife is my husband's other woman and I want you to tell her to stop messing with Angelo o hindi ko siya titigilan." Tumiim ang mga bagang niya. "Childhood sweethearts sina Angelo at Chastity , Mr. Rebollado. Alam ko ang tungkol sa matagal na nilang relasyon sa likod ko. Lagi silang nagkikita kahit noong ikinasal na si Angelo sa akin. That Chastity is immoral and a goddamn gold digger. Ginamit ni Chastity ang sarili niyang katawan para makapag-loan sa kumpanya ng asawa k---" "You've insulted my wife more than enough, Mrs. Berrico. Please leave," putol ni Denver sa boses na may halong warning. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay niyang nakasuksok sa bulsa ng slacks. Hindi niya a

