"Hi, Ambs" Si Conrad, kapitbahay niya sa condominium building. Isang pinto lang ang pagitan ng mga unit nila. Mukhang kararating lang din ng lalaki. He was unlocking his door when she exited the elevator. "Hi." Kinuha ni Amber sa bag ang sariling susi. "Kumusta ang workout?" Fresh from the gym si Conrad. Sando at shorts ang suot. Namumutok at nangingintab sa pawis ang mga braso at balikat. Nasa five-seven lang ang height, pero may hitsurang lalaki. Palangiti. Palabiro. Friendly. "Ayun, hinihintay ka pa rin." "Ah." Natawa si Amber. "Pass pa rin ako diyan." Wala siyang kabalak-balak mag-gym. Hindi naman siya mataba. "Okay. Sige." Itinulak na nito ang pinto. "Uh, Conrad---" "Yes?" Nasa loob na ng unit ang isa nitong paa. "Uh, w-wala. Wala. Sige." Mas nauna pa siyang pumasok sa kany

