Luma na ang building. Nasa twenty years old na siguro base sa design nito. May petshop at tindahan ng mga musical instrument sa ground floor. Karamihan, mga estudyante ang naglalabas-masok doon. Hindi kataka-taka dahil nasa España ang lugar, malapit sa Welcome Rotonda. Gaya ng nakaraang gabi, dumating sa oras si Angelo. It was a job. And just like any other job, he wanted it to be over and done with, professionally of course. Maayos. Iyong walang masasabing negatibo ang kliyente. Ibinigay niya ang pangalan at pakay sa guwardiya. Tinawagan nito ang unit ni Amber. Sumagot naman ito at nagbilin na hintayin na lang daw niya sa ibaba, huwag na raw siyang umakyat. Fine with him. Nakipagkuwentuhan na lang si Angelo sa guwardiya. It was ten minutes later when a woman approached them. Nakapu

