*Joanna's POV* "James!!!" Naisigaw ko na lang matapos kong makita siyang unti-unting tumutumba. "Sh*t! Black!!!" Sigaw ko at agad namang lumapit si Black samin para protektahan kami. "James! James! Wake up! D*mn it!" Sigaw ko. "Joanna go already!" Sigaw ni Jason habang patuloy na nakikipaglaban sa mga nilalang na kulay asul. Hindi ko alam kung ano sila at kung ano ang mga kasama nilang mga hayop. Mga nilalang na kulay asul at puti at may mga buntot rin sila. Ang mga hayop na kasama nila ay ang ginawa nilang parang kabayo na mas malaki pa sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila o kung anong uri sila ng nilalang. "Joanna, go!!!" Sigaw ulit ni Jason kaya agad ko nang nilagay ang kaliwang braso ni James sa mga balikat ko at kinarga siya pero sobrang bigat niya at hindi ko s

