Carla's POV "CARLA, may bibisita sa 'yo..." napatigil ako sa pag-iisip kong paano ako makakatakas sa pesteng mental hospital na 'to ng biglang pumunta ang nurse ko. Tumingin ako sa kanya. Bisita? Ayoko munang magbaliwbaliwan ngayon! "Umalis ka dito!" sigaw ko sa kanya. Tsk! Kahit naman kasi magmaldita ako dito, isa lang ang iisipin nila, umaandar na naman ang pagkabaliw ko! Kaya okay lang na ipakita ko ang totoong ugali ko dito! "Hindi pwede, kailangan kitang ihanda sa kanila, baka sabihin pa nila, hindi ka namin inaalagaan..." nagrereklamong sabi niya. Inikot ko na lang ang mata ko! Bakit hindi ba 'totoo? Bwisit! Nakakainis talaga ang mga nurse dito, para magmukha silang busy at may ginagawa, pinapaliguan nila kaming mga 'baliw' kapag may bisita kami pero 'pag ordinaryong araw lang, hi

