Simon's POV "Ako na ho ang bahala dito, tito..."magalang na sabi ng kapatid ni Sam na si Harry sabay tago nung video na kinuha ni Sam kanina. Tumango lang si father sa kanya. "Ah nga pala po, nasaan si Sam?" tanong niya. Napalingon ako sa kanila. Nasa simabahan kasi kami. Si father, nakikipag-usap kay Harry, ako, nagpupunas sa altar at si Andrew, busy sa pagbabasa nung librong binili niya kanina. Kailangan niya daw kasing i-refresh ang knowledge niya sa medical world! Napailing na lang ako! Minsan talaga 'tong si Andrew, nagiisip ng kung anu-ano para lang makaiwas sa mga gawain! "Nasa kwarto niya, nagkukulong! Ewan ko dun, pagkatapos i-confront si Carla, umuwing bad trip!" sagot ni father. Napatango na lang ako sa sinabi ni father. Kung ganun, badtrip nga si Sam! Kasi akala ko kanina, g

