Andrew's POV "WELCOME HOME EVERYONE!" Masaya at masiglang bati sa amin ni Samantha. Hindi agad kami nakagalaw dahil siguro sa gulat o 'di kaya naman sa sunod na ginawa niya. Bigla niya akong yinakap at hinalikan sa pisngi kaya napatulala ako. Okay, what's going on? Tumingin ako sa gilid ko which is si kuya Simon at ganun din ang gulat ko ng yinakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Naguguluhang tumingin sa akin si kuya at binigyan ako ng 'ano-ang-nangyayari' look. Nagkibit blaikat na lang ako. Tulad niya, hindi ko rin ang nangyayari! Lumipat naman si Sam sa tito niya pero bago pa niya ito yinakap, sinapo ni father 'yung isang kamay niya sa noo ni Sam at pinigilan niya ito sa pagyakap sa kanya. Nag-pout naman si Sam sa ginawa ni father. "Anong nakain mo, Samantha?" seryosong tanong ni fat

