Red dress, black dress, blue dress? Ano ba ang dapat at bagay sa akin? Ito lang kasi ang meron ako eh! Hindi naman kasi ako prepared na may ganito palang mangyayari sa akin dito! Kung alam ko lang, edi sana hinakot ko na lang 'yung dress ko sa boutique ng kaibigan ko! Mukha tuloy akong engot ngayon! Oo ako na ang excited! This is my first date kaya dapat perfect! Well, napaisip ako. Simula pa lang pala, hindi na perfect ang date na 'to dahil hindi naman o hindi ko pwedeng maging jowa si Simon! Like duh! Magpapari siya! Sabi kasi ng mga kaibigan ko, pagkatapos ng first date, magiging text mate mo 'yung ka-date mo, 'tapos manliligaw siya 'yo at viola, mag-jowa na kayo pero kami ni Simon pagkatapos ng date namin, uuwi na kami 'tapos parang wala lang! And that's so boring! Well, kung napap

