NANG MAGISING si Brenna kinabukasan ay wala na si Saga sa tabi niya. Pero nag-iwan ito ng note saying… "Good morning, gorgeous. I wanted to say goodbye but then I don't want to disturb your beauty rest co'z I know you're tired. I have an early appointment today that's why I left early. See you later, honey…" sabi nito sa sticky note na iniwan sa salamin ng dresser niya at may wink emoji pa 'yon. Napangiti siya at dumiretso na sa shower. Natutuwa siya sa sulat kamay nito na animo'y nagle-lettering. Mas sweet iyon kaysa text. Maganda ang gising niya ngayong araw at hindi lang 'yon dahil sa note, hindi rin dahil sa katabi niyang matulog ang binata kundi dahil sa sinabi nito bago sila matulog. "Hinding-hindi mangyayari 'yon. Iwanan ka man ng lahat ng tao pero ako, hinding-hindi kita iiwan.

