Beginning
PROLOGUE
SA HULING pagkakataon ay kinintalan ng halik sa labi ni Brenna ang lalaking naging kaulayaw niya magdamag. Umungol ito ngunit nanatiling nakapikit. May maliit na ngiti na sumungaw sa labi nito makaraan.
Tumayo siya at isang beses pang inilibot ang tingin sa maliit na kubo na 'yon. Saksi ang lugar na 'yon sa pinakamasayang bagay na nangyari sa buhay niya. She gave herself to the man she love at hindi niya pinagsisisihan 'yon.
Nilisan niya ang lugar na 'yon at ang lalaking mahal niya nang may ngiti at luha. Sa pag-alis niya babaunin niya ang alaalang pinagsaluhan nila.
"I'M GLAD you chose me over that bastard," saad ng ama nang makita siyang pumasok sa loob ng kabahayan. Nasa veranda ang ama at kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo habang may tsaa sa harapan nito.
"Stop calling him a name. Nandito na 'ko. Sasama ako sa pagpapagamot niyo sa States," saad niya na hindi ito tinitingnan. May sakit sa puso ang Daddy niya at kailangan nitong maoperahan. She can't afford to lose her dad kaya siya pumayag na sumama dito.
"We are leaving the day after tomorrow so better prepare yourself." Ibinaba nito ang diyaryo at sinulyapan siya.
"C'mon, you're crying over that man? You have no future with him." Akala niya ay natakpan na ng concealer ang pamumugto ng mata niya pero hindi pala.
"I want to leave as soon as possible, dad. Excuse me." Hindi na niya hinintay ang sagot ng ama at iniwan na niya ito.
Nag-unahan sa pagpatak ang luha niya nang makapasok siya sa kwarto niya.
She's not ready to leave Isagani but she have to. Dahil kung hindi siya aalis agad ay maaari pa siya nitong masundan. At kapag nangyari 'yon hindi na niya alam ang gagawin.
Tutol ang lahat sa relasyon nilang dalawa lalo na ang daddy niya at kilala niya ito. Gagawin nito ang lahat masira lang si Isagani.
"ARE YOU ready?" Tanong ng mommy niya nang puntahan siya sa kwarto niya kinabukasan.
Mapait ang ngiting ipinakita niya rito mula sa salamin. Tumayo siya at inayos ang suitcase niya. "Even if I'm not I know I should, 'My," tugon niya.
Nilapitan siya nito at niyakap. "Be strong sweetie. In time you'll get through this," tinapik nito ang pisngi niya at tipid na ngumiti. "Let's go," aya nito at nauna nang lumabas sa kanya.
Pababa na siya sa grand staircase nang makasalubong niya ang mayordoma nilang si Nana Pinang.
Siniguro niya munang nakaalis na ang ina bago niya hinablot ang apron ng mayordoma.
"Nana Pinang, pwede niyo po ba 'tong ibigay kay Isagani kung sakaling magpunta siya dito?" Aniya at iniabot dito ang isang liham.
"Opo, Ma'am," agad naman itong tumango at itinago sa bulsa ng suot na apron ang sulat.
Magsasalita pa sana siya nang marinig nila ang sigaw ng daddy niya.
"Let's go Brenna!" Dumadagundong ang boses nito sa loob ng kabahayan kaya naman agad siyang tumalima.
Habang tinatahak nila ang daan patungong airport ay hindi maiwasan ni Brenna ang lumingon sa likod. It's like she's waiting for someone. Pero alam naman niyang walang darating para kunin siya. Wala siya sa fairytale at mas lalong wala siyang Prince Charming dahil hindi naman 'yon totoo.
Ang totoo ay ang pag-alis niya. Aalis siya pero iiwan niya ang puso niya. Aalis siya pero ipinapangako niyang babalik siya. Babalikan niya ang lalaking mahal niya. At kapag dumating na ang oras na 'yon sisiguraduhin niyang kaya na niyang salungatin ang sinasabi ng ama.
Sa huling pagkakataon ay muling sinulyapan ni Brenna ang pinanggalingan nila. Para pang nakikita niya sa karamihan ng tao ang mukha ni Isagani. Pero alam niyang guni-guni niya lang 'yon.