"Hindi mo na 'ko pwedeng tanggalin sa buhay mo ngayon dahil kailangang-kailangan mo ang pera at kapangyarihan ko."
"Hindi na ako ang magsasakang nakilala mo dati Brenna. Nasa alta sosyedad na rin ako gaya niyo. Kaya ko nang pantayan ang buhay na meron ka."
Ano nga ba ang meron sila five years ago? Pwede kaya nilang ituloy 'yon o may isa lang sa kanila ang masasaktan?
Iniwan ni Kassandra ang marangyang buhay matapos madiskubre ang pagdadalantao. Nais niyang bawasan ang kahihiyan na naranasan ng mga magulang niya matapos siyang iwan ng nobyo sa harap ng altar at ngayon naman ay ang pagdadalantao niya. Ang isa pang problema niya ay hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala niya dahil lasing siya noong gabi na nakalimot siya.
Umuwi siya sa probinsyang kinalakihan at doon nagtago. Doon ay muli niyang nakita ang childhood crush na si Xavier Vallejo. Tinugunan nito ang mga pangangailangan niya at pati ang pagiging ama sa anak niya ay gusto na rin nitong gawin. Gusto niya ang ideyang 'yon pero may tumututol sa isang bahagi ng utak niya.
Hanggang sa nalaman niya ang pinakatatagong lihim ng binata na labis niyang ikinagimbal. Umalis siya st iniwan ito. Sa maikling panahon ay natutunan na niya itong mahalin. Pero sa isang iglap ang pagmamahal ay nahalinhan ng galit at hindi niya alam kung matutunan niya pa bang magmahal muli.
All men are dogs… ‘Yon ang pananaw ni Stacy pagdating sa mga lalaki. Because why not?
Men are born to just exist, ‘yon lang. Mga walang kwenta, manloloko at duwag… Oops! Stacy didn’t mean to include all men. Pero sa lahat kasi ng naging past relationship niya it’s either niloloko or iniiwan siya without explanation. And now, she is thirty-five. Not too old but also not too young. Wherever she go palagi siyang tinatanong kung kailan siya mag-aasawa at bubuo ng pamilya like what the—
She wants to answer. Pero may maidudulot ba iyong mabuti sa kanya? The truth is wala na siyang balak mag-asawa dahil ayaw na niya ng disappointment and… heartbreak.
But then, Gerard came. He is her childhood frenemy. He’s looking very good, very handsome, and very yum—.
But Stacy needs to distance herself dahil on-going ang divorce nito sa US so technically ay kasal pa rin ito. Wala siyang balak maging kabit. Pero sa tuwing nagkakalapit sila ay ramdam nila ang tensyon sa isa’t isa.
Mahirap tanggihan ang gaya ni Gerard. He has all the qualities that she was looking for. Pero tama bang tawirin niya ang pagitan nilang dalawa gayong sa mata ng mga tao ay kasal pa rin ito?
Maagang naulila sa ama si Rita habang ang ina ay agad na nakahanap ng kapalit. Kaya sa murang edad ay natuto siyang magbanat ng buto. Kung ano-ano ang pinasok niyang trabaho pero hindi siya nagtatagal dahil tuwina ay hinahanapan siya ng ina ng malaking pera.Sinubukan niyang maghanap ng ibang trabaho pero hindi siya natatanggap dahil wala siyang pinag-aralan. Hanggang sa alukin siya ng kapitbahay na matandang dalaga ng trabaho na diumano ay malaki ang sahod. Hindi na siya nag-isip at agad na pumayag. Huli na nang mapag-alaman niyang sa bar siya magtatrabaho bilang isang prostituteHindi ginusto ni Rita ang buhay na kinasadlakan ngunit wala na siyang magagawa dahil sa bawat araw na lumilipas ay palubog siya ng palubog at parumi ng parumi.Then, a generous customer came sa katauhan ni Don Frederico. Wala sa hitsura nito ang pupunta sa lugar na 'yon para sa panandaliang aliw at hindi nga nagkamali si Rita. Naroon lang umano ito para magpalipas ng oras at kinuha nito ang serbisyo niya hindi bilang prostitute kundi bilang kaibigan.Magaan ang loob niya sa matanda at para bang nakahanap siya ng isang ama rito. Makalipas ang ilang pagkikita nila ay kinausap siya ni Don Fred at sinabing bibigyan siya ng trabaho at pag-aaralin. Noong una ay hindi siya makapaniwala pero nang marating niya ang mansyon ng matanda ay napaiyak siya. Sa wakas ay naalis siya sa lusak at kakalimutan na niya ang masalimuot na pinanggalingan. Ngunit nagkakamali siya nang makilala ang nag-iisang anak ni Don Fred na si Nicky. He's handsome but he always had that sharp look whenever he sees her.Pinagbintangan siya nito na gold digger. Nais niya sana itong itama ngunit pinigilan siya ng ama nito.Laging mainit ang ulo sa kanya ng binata kaya hindi niya ito malapitan. Lalong tumindi ang galit nito nang mamatay ang ama at mapag-alaman nila na makukuha lamang nito ang mana kapag pinakasalan siya nito at magkaroon sila ng anak.Hindi alam ni Margarita kung paanong aalisin ang galit ng binata na sa maikling panahon ay natutunan na niyang mahalin.
Si Yvone ang binansagang Playgirl ng grupo. But hell no! Hindi siya marunong maglaro ng puso ng mga lalaki. She was mistaken for a playgirl just because she's friendly.
Ang totoo ay mahilig lang siyang makipag-fling. Pero ng makita niyang isa-isa ng lumalagay sa tahimik ang mga pinsan ay naisip na rin niyang mag-settle down, lalaki na lang ang kulang. Araw-araw na ring pinapansin ng mga magulang ang pagiging single niya kaya naman isang araw ay nagulat na lang siya na gusto siyang ipakasal ng ama sa lalaking ni hindi niya kilala.
Inayos ng ama ang isang date para sa una nilang pagkikita ng lalaking pakakasalan niya at unang beses pa lang niya iyong nakita ay muntik na siyang pumayag sa kasal. Logan is the perfect definition of Mr. Nice Guy, dahil hindi lang ito good looking kundi mabait rin.
She's clearly attracted to him and so they talked about their marriage and he just agreed with it. But with one condition. May nobya ito at nais nitong ipagpatuloy ang lihim nitong pakikipag-relasyon kahit na maikasal sila. Sa pagdaan ng araw ay unti-unti ng natutunang mahalin ni Yvone ang binata. Pero ano ang kahihinatnan ng pagmamahal niya kung sa simula't simula pa lang ay plano na siyang i-divorce nito at iwan sa ere pagkatapos? Karma nga bang matatawag 'yon?
Kinailangang tumigil ni Nathalie o Alie sa pag-aaral para alagaan ang kapatid na may espesyal na pangangailangan. Sa murang edad ay kinailangan niyang matutunan ang lahat dahil maagang nawala ang Tatay niya samantalang ang Nanay niya ay iniwan sila para sumama sa ibang lalaki. Halos lahat ng pwede niyang maranasang hirap ay naranasan na yata niya kaya pakiramdam niya kahit ano pang ibato sa kanya ng tadhana ay kakayanin niya.
Pero nagkamali siya nang magkasunod-sunod ang kamalasang na-engkuwentro niya at dahil 'yon sa binatang Vallejo na si Erwann. Hindi niya lubos maisip kung bakit sa tuwing magku-krus ang landas nila ay may nangyayaring hindi maganda sa kanya. Kaya ipinangako niyang hangga't kaya ay iiwasan niya ito. Pero hindi niya nagawa dahil pilit na lumalapit sa kanya ang binata.
Matapos maiwan sa harap ng altar ay hindi na bumalik sa dating sigla si Laraine. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho kahit pa nga ang propesyon niya ay laging nagpapaala sa kanya na hindi siya naging bride.
Patuloy niyang hinaharap ang mga taong walang ginawa kundi usisain ang buhay niya. Pero laging naroon si Tor para sambutin siya. The coldness in his eyes always brings comfort to her. Hindi niya alam kung bakit ganoon ito at nang malaman niya ang dahilan ay napagtanto niyang hindi lang pala siya ang may pinagdadaanan.
She tried to avoid him after knowing that his grieving for his dead wife and child. But her parents came up with an idea of arranging them into a fix marriage. A marriage of convenience in order to save her from shame.
She can't go back now because she just gave them her words.
Meredith wants to be a news journalist someday. She wants to be seen on t.v and maybe she will get recognized by her dad whom she haven't met since she was born.
She dreamed of getting a big scoop that will give her the biggest break so she use her nosiness to get into other people's business. Then, one day while walking her way to the university she saw a gang fight. She hurriedly record it with her phone but she was taken aback when she saw one of them pulled out a knife and toossed it in their rival group. She was frightened and was about to run off when shw bumped into a trash can and made a noise. They saw her and worst her phone that's still recording. She was stunned and the last thing she knew is she's running with someone who's holding her hand.
He's Ozcan, the cold but undeniably gorgeous leader of the gang. They detained her because according to them she was on the hunt because of the video on her phone. She didn't believe them at first but the superiority on his face made her knees turn into jelly.
Yuri worked hard to build Yuri's Bakeshop and Cafe. It's the product of her blood and sweat. She poured her heart into it because she wants to be successful in her chosen career. Kaya makalipas lang ang limang taon ay nakilala na ang shop niya at kumikita siya ng malaki. Pero unti-unti 'yong nagbago ng may biglang nagtayo ng coffee shop sa tapat lang ng shop niya.
Basty's Taste was the name of the shop. Pangalan pa lang ang pangit na pakinggan at napatunayan niya kung gaano 'yon kapangit ng makilala niya ang mismong owner. Sebastian "Basty" Tamayo, was the most conceited guy she have ever met in her entire life. He was so full of himself. At 'yon ang mas lalo niyang ikinainis. Pero hindi niya maitatanggi na attracted siya dito. Maybe it's because of his killer smile and amber eyes.
But she shouldn't forget that he's a rival that needs to be eliminated. Pero in the process parang puso pa yata niya ang na-eliminate ng unti-unti siyang mahulog dito. Pero may malaking problema... at 'yon ay engaged na ito.
Ilang taon ang ginugol ni Yvette bago niya naabot ang inaasam na kasikatan. Lubos ang kasiyahan niya sa tinatamasa at pakiramdam niya ay wala na 'yong katapusan. Pero gaya nga ng mga palabas na ginanapan ay dumadating din sa punto na natatalo ang bida ng mga problema at para bang wala nang paraan para malusutan 'yon.
Ang dahilan ng problema niya ay nang umugong ang usap-usapan patungkol sa kanya at sa isang politiko. Sinasabi ng isang blind item na may relasyon sila. Well, she doesn't want to deny it nor agree with it. Dahil mahalaga ang bawat sasabihin niya kung sakali. Hihintayin na lang sana niyang mamatay ang bali-balita nang hindi kinukumpirma kung totoo 'yon o hindi. Pero hindi gano'n kadaling namatay ang ningas lalo na nang lumabas na ang katotohanan sa likod ng relasyon nila ng Gobernador na si Alfred Leviste. Pero kasabay no'n ay ang patong-patong na kasalanan na nagawa niya sa ngalan ng pag-ibig.
'Yon na ba ang katapusan ng career na matagal niyang binuo? Hanggang saan siya dadalhin ng pagmamahal niya? At bakit nga ba siya naging makasalanan?
SYNOPSIS
Bumalik sa Pilipinas si Railey para kalimutan ang masalimuot na nangyari sa kanila ng nobya na naging dahilan para mawala ito sa kanya.
Isa sa unang hakbang ay ang hindi niya pagbalik sa mga lugar na nagpapaalala sa kanya sa nobya. Pero natagpuan niya ang sarili sa lugar na paborito nito. 'Yon ay ang resort na itinayo nito na nalaman niyang pag-aari na ng iba.
Nakilala niya ang bagong may-ari na si Rasha. Masaya siya nitong tinanggap sa Villa pero pinakitaan niya ito ng magaspang na ugali. Habang lumilipas ang araw ay nakikilala niya ito at at unti-unti niyang nadidiskubre na gaya niya ay may madilim na nakaraan din itong pilit tinatakasan.
Will they mend each others heart or end up parting ways?