Prologue
PAUWI NA si Yuri galing sa dinaluhang farewell party ng isang college friend niya. Magma-migrate na ito sa Canada kasama ang partner nito na Canadian at inimbitahan siya nito para daw magkakuhaan sila ng contact number. Nagpaunlak naman siya. Nagsayawan, nag-inuman at nagtawanan sila hanggang sa mapagod sila. Kaya ngayon ay medyo nakainom na siya. Pero kaya pa rin naman niyang mag-drive pauwi.
Kasalukuyan siyang lulan ng elevator pababa sa lobby ng hotel kung saan naghihintay ang sasakyan niya na dala ng valet.
"Kaya mo ba talagang mag-drive? You know if you want you can spend the night in my pad?" Anang lalaki na inutusan ng friend niya para ihatid siya sa lobby.
"Excuse me? I'm drunk but I still can go home… all by myself. I don't even need your help. But because of courtesy I agreed. So don't even try to flirt with me because I am not an easy girl, okay?" Mataray na wika niya. Ginamitan niya pa ito ng French accent niya.
Nakita niya ang pagkapahiya nito. Nang bumukas ang elevator ay nauna na siyang lumabas. Pakiramdam niya zigzag ang dinadaanan niya dahil paliko-liko 'yon at minsan ay tumatagilid pa. A, siguro ay dahil 'yon sa alak na nainom niya. Tama, nahihilo lang siya.
Napapitlag siya nang may kumapit sa braso niya. Nang lumingon siya ay ang lalaki 'yon na kasama niya.
"Delikado sa daan. Doon ka na lang magpalipas ng gabi sa pad ko," anito. He sounds kind to her. But she won't get fooled by it. She knew his type. He only want s*x, a one night stand. If not, why would he even let her spend the night in his pad when they barely knew each other?
"Let go of me. You jerk!" Naiiritang wika niya at sinubukang bawiin ang braso dito. Pero hindi nito 'yon binitawan. Isang beses pa niyang sinubukang bawiin ang braso at ibinuhos na niya doon ang lakas niya. Nagtagumpay naman siya. Pero wrong move dahil na-out balance siya.
Before she could reach the floor a strong arm catches her. She looked at his savior's face and she was drawn in his mesmerizing obsidian black eyes. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig sa mga mata nito. Napagtanto na lang niya ng itayo siya nito at iritado siyang hinarap.
"Iinom-inom hindi naman kayang dalhin ang sarili. Lalampa-lampa. Sa susunod magtira ka ng pang-uwi…" Supladong saad nito habang pinapagpag ang sleeve ng suot na polo. Pagkasabi no'n ay umalis na ito.
Napairap siya at naglakad na palabas ng hotel. Pasakay na siya ng sasakyan nang lumingon ulit siya. "Akala mo kung sinong gwapo! Hoy, mata lang ang maganda sa'yo! Tse!" Sigaw niya at lumulan na sa kotse saka nagmaneho palayo roon.
"CONGRATULATIONS!" Masayang bati ng pinsan niyang si Yvette at niyakap siya. Kasama nito ang iba pa nilang pinsan.
"You finally fulfilled your dreams, Yu," saad ni Laraine habang nakatingin sa mga bisita na pumapasok sa shop niya.
Ngumiti lang siya sa sinabi nito. Kahit siya ay hindi makapaniwala na bukas na ang Yuri's Bakeshop and Cafe. Katatapos lang ng ribbon cutting at sinisimulan na nilang mag-serve sa mga bisita.
Just a year ago when she came back from Paris. She finished her practicum in Le Cordon Bleu Institute. She wants to own a bakeshop since she was a child and now here it is. She fulfilled her childhood dream at the age of 25.
"O, natupad mo na ang pangarap mo. Mag-asawa ka na." Kantiyaw ng Kuya Garret niya na kararating lang.
Inirapan niya ito. Pero hindi naman siya na-offend sa sinabi nito.
"Hindi ba sa'yo ko dapat sabihin 'yon? You are thirty-three for Pete's sake! Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa pagiging binata? Or hindi ka pa sawa na tumikhim ng iba't ibang babae?" Palatak niya. Nag-iisang kapatid niya ito na hanggang ngayon ay wala pa ring asawa. Hindi nga niya alam kung bakit single pa rin ito gayong marami naman umaaligid dito. Palay na nga mismo ang lumalapit dito. Pero parang wala man lang itong kainte-interes.
Mabait naman ang Kuya Garret niya. 'Yon nga lang maloko minsan. Pero hindi na lugi ang babaeng magugustuhan nito dahil may stable na itong income galing sa negosyo nitong bar. Bukod pa ro'n ay may investment ito sa kompanya ng pinsan nilang si Brenna.
"Sshh! 'Wag ka maingay. Siyempre sawa na 'ko. Kaya nga naghahanap na 'ko ng mapapangasawa… at may nakita na 'ko." Pagkasabi no'n ay naglakad na ito palayo. Nakita niya nang lapitan nito ang isa nilang guest.
Napa-roll eyes na lang siya at nagsimulang estimahin ang iba nilang bisita.