Chapter 1.

1280 Words
Chapter I. FIVE YEARS LATER INIANGAT NI Yuri ang tingin mula sa pagtipa sa laptop ng lumapit ang staff na ipinatawag niya. Kasalukuyan siyang nasa second floor ng Yuri's at ginagawa ang inventory ng shop. Kasama niya doon ang pinsan niyang si Laraine na nagdo-drawing sa sketch pad nito. "Kai, wala pa rin ba 'yong mga coffee beans na in-order natin from Benguet?" Tanong niya sa babaeng barista. "Anytime daw po ngayong araw, Miss Yu," tugon nito. "How about the flour and sugar? Hindi ba kakaunti na lang ang natitira sa supplies natin?" Dagdag na tanong niya. Binuksan niya ang ballpen at kinagat ang cap no'n saka nilagyan ng check ang coffee beans sa booklet niya. "Wala pa rin po kaming natatangap na tawag galing sa supplier. Pero marami pa naman po 'yong supplies." anito. "Gaano karami?" Stern na tanong niya. Alam naman ng mga ito na ayaw niya ng hindi sigurado at hindi konkretong sagot. "I-Ibig ko pong sabihin aabot pa po ang supplies natin hanggang next week." Nauutal na sagot nito. Marahan siyang tumango habang nilalaro ang ballpen na hawak niya. Nang balingan niya ulit ito ay napayuko ito. "Tawagan niyo ulit ang supplier. Kulitin niyo sila ng kulitin hanggang sa mapilitan silang i-deliver ang order natin. Sa susunod sabihin niyong agahan at bilisan ang delivery. Binayaran ko na sila kaya dapat lang na i-deliver na nila ang mga order ko. Kung hindi maghahanap na 'ko ng ibang supplier." Sermon niya. "Sige na, bumalik ka na sa loob." Utos niya. Agad naman itong tumalima. "Alam mo, ang sungit mo sa mga staff mo." Komento ni Laraine na nang tingnan niya ay nasa sketch pad pa rin ang atensyon. "Hindi ako masungit. Gusto ko lang na maging smooth ang takbo ng shop." Katuwiran niya. "Ayos naman ang takbo ng business mo a? So hindi ka dapat maging aligaga diyan. Wala ka naman kalaban na coffee shop or bakeshop dito. Take it easy, Yu," wika nito na hindi pa rin nag-aangat ng tingin. Hindi na siya sumagot at itinuon na ang atensyon niya sa laptop. Tama naman ito na wala siyang ka-kompetensya pagdating sa negosyo dahil karamihan sa mga establishment na kahanay niya ay restaurant. Meron ding salon at spa. Pero hindi naman 'yon ang punto niya. Gusto niya lang na matuto ang mga staff sa kung papaano niya gustong patakbuhin ang shop. Ayaw niya lang na palaging may aberya. Gusto niyang organize at nasusunod ang plano niya. "Sa wakas natapos din!" Masayang bulalas ni Laraine at itinaas pa sa ere ang sketch pad nito. "Patingin nga!" Hinablot niya ang hawak nito at binistahan 'yon. "In fairness ang ganda." Komento niya at ibinalik 'yon dito. "Maganda lang?" Dismayadong tanong nito. "Oo. Ano pa bang sasabihin ko? Wala naman akong alam pagdating sa paggawa ng gown. Paggawa lang ng pastries ang alam ko, okay? Expertise mo 'yan at hindi akin." Mataray na wika niya. "Fine! Whatever! Aalis na nga ako. Kailangan ko pang ipakita 'to sa kliyente 'to, para if ever na may gusto pa siyang ipalagay," anito at tumayo na. Isinilid nito sa sling bag ang sketch pad at inayos ang sarili. Tumalikod na ito para umalis nang pigilan niya. "Hep! Ang bayad mo?" Naka-poker faced niyang tanong at inilahad ang bukas na palad niya Nanlalaki naman ang matang hinarap siya nito. "Seriously?" Nanggigilalas na tanong nito. Nang hindi siya sumagot ay dumukot ito sa bag. "Kidding!" Natatawang bulalas niya. Napairap naman ito at pagkaraan ay tumawa na rin. Pero hindi lang 'yon dahil nakatanggap pa siya ng tampal sa braso galing dito. "Nakakainis ka! Akala ko talaga sisingilin mo na 'ko!" Palatak nito. "Napansin ko kasi nawiwili ka ng magpalipas ng oras dito sa shop kaya dapat lang siguro singilin na kita sa cake at coffee na inihahain ko sa'yo everytime na nandito ka." Naka-cross arms na wika niya. "Tse! E, 'di sa susunod hindi na 'ko dito pupunta. If ever na may magtayo na bagong coffee shop diyan sa tapat mo do'n na lang ako pupunta. Diyan ka na nga." At tuluyan na itong umalis. Aba't nagtampo agad? Binibiro lang naman e… Sa isip-isip niya. Mayamaya ay may napagtanto siya sa sinabi nito. Agad siyang dumungaw mula sa ikalawang palapag at nakita niya ang pinsan na pasakay na sa sasakyan nito. "Hoy, baka magdilang anghel ka sa sinabi mo! 'Wag naman sana!" Sigaw niya. Lumingon naman ito at binelatan lang siya saka tuluyan ng sumakay sa kotse. "BUTI NAMAN at nagkaroon kayo ng oras para sabayan kami sa hapunan," sabi ng daddy niya na si Kevin habang nasa hapag sila ng gabing 'yon. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanila ng Kuya Garret niya. Uminom siya ng tubig at pinunasan ang gilid ng labi niya saka nagsalita. "Pasensya na dad. Nagkaroon lang kasi ng konting aberya sa shop kaya madalas akong ginagabi ng uwi. Isa pa, may mga orders din kasi from Laraine na dinadala niya sa mga dinadaluhan niyang event kaya 'yon." Kibit ang balikat na hinging paumanhin niya. "Sana all," saad ng Kuya niya. "Bakit may problema na naman ba sa negosyo mo?" Tanong ni Clara, ang mommy nila. Noong nakaraan lang ay muntik ng maipasara ang bar ng Kuya niya na Play Boys Bar and Grill dahil sa nangyaring gulo na kagagawan ng isang customer. Merong nasaksak at dahil do'n nagreklamo ang mga 'yon na muntik ng maging dahilan ng pagtatanggal ng business permit nito. Mabuti na lang at nadaan 'yon ng daddy niya sa usapan. Pumayag na mag-areglo na lang ang bawat panig. "So far wala naman, Ma, at sana wala na talaga. Pero alam naman natin na hindi maiiwasan ang gano'ng pangyayari sa uri ng business na pinasok ko. Kaya nga parang naiisipan ko na'ng magbago ng negosyo," anito. "That's the best idea that I heard from you so far." Hindi napigilang komento ng daddy nila. Hindi naman sarcastic ang tono ng pagkakasabi nito. Pero pakiramdam niya gano'n ang gusto nitong iparating. Hindi naman nila ito masisisi kung gano'n ang pananaw nito dahil palaging ito ang sumasalo sa mga gulong nangyayari sa negosyo ng nakatatandang kapatid. "Baka naman may tinataguan ka lang na babae kaya kunwari gusto mo mag-iba ng negosyo." Pabirong sabi niya para alisin ang heavy atmosphere. "Sabihin mo nga sa'min, may nabuntis ka no?" Dagdag pa niya. "Tsk! Bakit ba lahat na lang ng sabihin ko nili-link mo sa mga babae? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na good boy ang Kuya mo?" "Tsk! Maniniwala lang ako kapag nag-asawa ka na." Nakaingos na turan niya. "Tama ang kapatid mo, Garret. Magti-thirty-eight ka na. Hindi ba oras na para maghanap ka na ng mapapangasawa para mabigyan mo na rin kami ng daddy mo ng apo?" Pakli naman ni Clara. "Ano ba 'to? Pinagtutulungan niyo ba 'ko? Kayo, Pa, baka may idadagdag pa kayo?" Untag nito sa ama. "Gusto mo bang dagdagan ko pa?" Tanong nito. Napahagikgik naman sila ng mommy niya. "Palagi kayong wala ng kapatid mo at kaming dalawa lang ng mommy niyo ang naiiwan. Hindi ba panahon na para bigyan niyo kami ng apo? Hindi na kayo bumabata at kami rin. Gusto naman namin na maalagaan ang mga apo namin bago man lang kami mawala sa mundo." Litanya nito. "Si daddy naman nagiging madrama na. Don't worry maghahanap na daw si Kuya bukas na bukas din," aniya. "Ikaw ang maghanap na dahil malapit ka ng mag-menopause!" Biro nito na sinabayan pa ng tawa. Sinaway naman ito ng mommy nila at sinabihan na hindi magandang biro 'yon. Siya naman ay hindi sineryoso ang sinabi ng kapatid bagkus ay binigyan niya ito ng maraming kurot sa tagiliran na nakapagpaigtad dito. Napuno tuloy ng halakhak nilang magkapatid ang buong dining room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD