bc

The Florist In Dangwa

book_age16+
18
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
kickass heroine
self-improved
drama
bxg
female lead
realistic earth
self discover
passionate
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Kinailangang tumigil ni Nathalie o Alie sa pag-aaral para alagaan ang kapatid na may espesyal na pangangailangan. Sa murang edad ay kinailangan niyang matutunan ang lahat dahil maagang nawala ang Tatay niya samantalang ang Nanay niya ay iniwan sila para sumama sa ibang lalaki. Halos lahat ng pwede niyang maranasang hirap ay naranasan na yata niya kaya pakiramdam niya kahit ano pang ibato sa kanya ng tadhana ay kakayanin niya.

Pero nagkamali siya nang magkasunod-sunod ang kamalasang na-engkuwentro niya at dahil 'yon sa binatang Vallejo na si Erwann. Hindi niya lubos maisip kung bakit sa tuwing magku-krus ang landas nila ay may nangyayaring hindi maganda sa kanya. Kaya ipinangako niyang hangga't kaya ay iiwasan niya ito. Pero hindi niya nagawa dahil pilit na lumalapit sa kanya ang binata.

chap-preview
Free preview
KABANATA I.
"WOW, ako ba talaga 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaharap sa malaking salamin na nakadikit sa dingding. Sinipat ko pang mabuti ang sarili ko partikular ang mukha para siguruhing ako 'yon. Pagkatapos ay ngiting-ngiti na hinarap ang aking baklang kaibigan. Bumagay ang manipis na makeup na inilagay sa 'kin at para bang inalis no'n ang mga sama ng loob sa buhay na kinikimkim ko. Ang alon-alon at hanggang balikat kong buhok ang isa sa laging napapansin. Pati na rin ang mapilantik kong pilikmata at mapulang mga labi na kahit walang lipstick ay mukha pa ring nag-aanyaya ng halik. Hindi naman sa pagyayabang pero may ipagmamalaki rin naman ako kung pagandahan lang ang usapan. Sa kutis kong morena at taas na 5'7 papasa na 'kong beauty queen. "Ang ganda mo talaga, girl. Pak na pak sa mga papables," palatak ni Mando na ngayon ay Mandy na. Paborito niya 'kong ayusan sa maliit niyang salon na malapit lang din sa Dangwa kung nasaan ang maliit na tindahan ko ng bulaklak. Dating OFW sa Japan si Mandy na ng makaipon ng sapat na pera ay nagtayo na lang ng negosyo dito sa Pinas dahil diumano mas masaya pa rin sa sariling bayan. May pitong taon na kaming magkakilala dahil siya ang tumulong sa 'kin na mapanatili ang pwesto namin ng bulaklakan sa Dangwa na noong mga panahon na 'yon ay muntik ng mawala. "Hindi ba masyadong OA itong makeup ko? Magde-deliver lang ako ng bulaklak, Mandy," alangan kong tanong at akmang hahawakan ang labi ko ng tapikin niya 'yon. "Tama lamang 'yan. Malay mo may makabangga kang isang Vallejo at magustuhan ka? Ay swerte mo, 'Day," kinikilig at nangangarap na wika ni Mandy. Galing sa VGC ang natanggap kong tawag at nagpapa-deliver ng isang bouquet ng Tulips. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinasadahan ng tingin ang suot kong sneakers at jumper pants. Simple lang naman akong manamit at walang gaanong arte sa katawan o mas tamang sabihin na hindi ko afford ang mamahaling mga damit at burloloy sa katawan. Tanging hikaw lang ang suot kong aksesorya na binili pa sa bangketa na tig-sampung piso. "Sa laki ng VGC malabong may makita akong isang Vallejo. Isa pa puro matatandang Vallejo na ang naroon no?" turan ko. Sa laki ng building na 'yon maliit pa sa isang porsiyento na makasalubong ako ng kahit isa sa mga bata at binatang Vallejo. Ang Vallejo Group of Companies ang isa sa leading construction company sa Pilipinas, at generation to generation ang pagpapasa ng legacy ng pamilya. Sa pagkakaalam ko hindi pa naipapasa ang pamamahala sa mga apo dahil buhay pa ang mismong nagtayo noon. "Malay mo, malay ko, Malaysia! Charot! O siya umalis ka na. Ingat ka." Taboy niya. Nag-beso ako kay Mandy at umalis na sakay ng e-bike ko. Habang nasa daan ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Mandy. Hindi naman ako nangangarap na makakilala ng isang Vallejo dahil alam ko kung anong lugar ko. Mayaman ang mga ito at ako? Isang hamak na tindera at ni wala pang tinapos. Sa murang edad ay namulat na 'ko sa hirap ng buhay dahil pagkamatay ng tatay ko ay sa akin na nalipat ang responsibilidad sa pag-aalaga sa kapatid kong may down's syndrome, si Tantan. Oo nga pala, kahit nga pala noong buhay pa si Tatay ay ako na ang nag-aalaga kay Tantan dahil iniwan kami ni Nanay. Ang kaibahan lang mas nadagdagan ang pasanin ko dahil pati ang pagtatrabaho ay responsibilidad ko na rin. Ako na ang naghahanap ng paraan para mabuhay kami. Kung hindi lang sana sumama sa ibang lalaki ang nanay sana ay naipagpatuloy ko ang pag-aaral ko at hindi ako natigil sa ikatlong taon sa highschool. Baka sakali pang natupad ko ang pangarap kong maging nars. Pero ano pa nga ba ang punto ng pagbalik sa nakaraan? Nangyari na ang lahat ng nangyari at ang dapat ko na lang gawin ngayon ay mag-move on. Huminga ako ng malalim para alisin ang paninikip ng dibdib ko. Pagdating sa destinasyon ay ipinarada ko ang e-bike sa lobby ng VGC at dahan-dahang binitbit ang bouquet ng bulaklak dahil doon nakasalalay ang kita ko ngayong araw. "Ang laki talaga ng building na 'to," usal ko sa sarili habang nakatingala sa matayog na gusaling pag-aari ng mga Vallejo. Ilang beses na 'kong nakalabas-pasok roon pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Halos lahat ng naglalabas pasok doon ay mukhang kagalang-galang at nabibilang sa pinakamataas na antas ng lipunan. Hindi ko maiwasang isipin kung paano ang pamumuhay nila. A, siguro'y napakaginhawa. Walang problema dahil nasa kanila na ang lahat. Masuwerte ang kabilang sa pamilya na ipinanganak na ika nga'y may silver spoon sa bibig. Hindi na nila kailangan dumanas ng hirap. Matapos pagsawain ang mga mata ay pumasok na ako sa gusali dala ang mga bulaklak at tinahak ang daan papuntang elevator. Nasa 23rd floor ang pagdadalhan ko ng bulaklak sa nagngangalang, 'Kassandra Vallejo'. Wala pa akong nakikilala ni isa sa mga Vallejo. Sa tuwing may order kasi sa 'kin ay sa sekretarya ko lang iniiwan ang bulaklak at pagkatapos kunin ang bayad ay umaalis na 'ko. Habang hinihintay na bumukas ang elevator ay napansin ko na nakalas ang sintas ng sapatos ko. Naghanap ako ng pwedeng paglagyan ng bulaklak pero wala akong makita kaya inilapag ko na lang 'yon sa sahig sa tabi ko saka dali-daling itinali ang sintas. "I'll call you back, babe..." Narinig ko ang boses ng lalaki na may kausap sa telepono pero abala ako sa sapatos ko at hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nang matapos ay tumayo na 'ko bitbit ang bulaklak. Sakto naman na bumukas na ang elevator kaya nagmamadali akong naglakad pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay nabangga na ako ng lalaking kasabay ko dahilan para mahulog at magkalasog-lasog ang dala kong bulaklak. Napanganga ako at animo slow motion ang pagtalsik ng mga petals sa madulas na sahig. "A-ang bulaklak ko," tanging nasabi ko habang puno ng panghihinayang na nakatingin sa sirang tulips. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Lumuhod ako para pulutin ang boquet na sana ay maghahatid ng pagkain sa hapagkainan namin mamayang hapunan. Pero wala na. Iilang stem na lang ang may bulaklak at hindi na 'yon presentableng tingnan. Tumayo ako at wala sa sariling napadako ang tingin sa lalaking nakabangga sa 'kin na ngayon ay nasa loob na ng lift at nakatingin sa 'kin. Pero ang napansin ko ay ang kakaibang ngiti sa labi niya. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Alam mo ba'ng halaga nito?" singhal ko sa kanya habang tumatahip ang dibdib dahil sa kabila ng kasalanan ay nagawa pa niyang ngumiti. Tila napagtanto naman niya ang naging reaksyon at nawala ang ngiti sa labi. "Look, Miss, babayaran ko na lang," sinubukan niyang lumapit sa 'kin pero sinamaan ko siya ng tingin. "Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Akala niyo lahat ay maa-areglo ng pera?" Mapakla akong natawa ng mapagtanto ko ang sinabi ko. "Oo nga pala. Marami nga pala kayo no'n. Para sa inyo barya lang ang halaga nitong bulaklak na 'to. P'wes sa 'kin hindi!" Pinalis ko ang luha na dumaloy sa pisngi ko dahil nagmu-mukha akong kawawa sa harapan ng poncio pilatong 'to. Hindi siya nakahuma at napatanga lang sa sinabi ko. Mayamaya ay may lumapit sa amin na babae partikular sa lalaking kaharap ko. "Are you okay, Sir?" humahangos na tanong nito habang hinahagod siya ng tingin samantalang hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng una. Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng oras? Baka empleyado pa ang lalaking ito sa VGC kaya gano'n na lang ang pag-aalala dito ng receptionist. Hindi na 'ko nagsayang ng oras at nilisan ang lugar na 'yon. Wala namang mangyayari kung magngangangawa ako ro'n.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook