bc

To Love Again

book_age4+
11.9K
FOLLOW
80.2K
READ
family
escape while being pregnant
pregnant
independent
dare to love and hate
heir/heiress
drama
sweet
small town
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Iniwan ni Kassandra ang marangyang buhay matapos madiskubre ang pagdadalantao. Nais niyang bawasan ang kahihiyan na naranasan ng mga magulang niya matapos siyang iwan ng nobyo sa harap ng altar at ngayon naman ay ang pagdadalantao niya. Ang isa pang problema niya ay hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala niya dahil lasing siya noong gabi na nakalimot siya.

Umuwi siya sa probinsyang kinalakihan at doon nagtago. Doon ay muli niyang nakita ang childhood crush na si Xavier Vallejo. Tinugunan nito ang mga pangangailangan niya at pati ang pagiging ama sa anak niya ay gusto na rin nitong gawin. Gusto niya ang ideyang 'yon pero may tumututol sa isang bahagi ng utak niya.

Hanggang sa nalaman niya ang pinakatatagong lihim ng binata na labis niyang ikinagimbal. Umalis siya st iniwan ito. Sa maikling panahon ay natutunan na niya itong mahalin. Pero sa isang iglap ang pagmamahal ay nahalinhan ng galit at hindi niya alam kung matutunan niya pa bang magmahal muli.

chap-preview
Free preview
Feeling Betrayed
ONE "HINDI pa rin ba dumarating ang groom?" Natatarantang tanong ni Olivia, ang bading na wedding coordinator nila. "Oh my god, hindi na yata siya sisipot!" "Kawawa naman si Ma'am Kassandra." Ilan lang 'yan sa mga naulinigan ni Kassandra habang nananatili siyang nakayuko sa loob ng bridal car at nilulukot ang suot na traje de boda. "He can't make it anak." anang mommy niya na nasa tabi niya at hinawakan siya sa braso. Tiningnan niya ito ng may pilit na ngiti sa labi. "Dadating siya mom. Let's just wait for him please..." Her mom sighed and nodded. She saw her dad outside the church. Mukhang hindi nito alintana ang umuugong na bulungan ng mga bisita na pawang mula sa altasosyedad at ang iba ay sikat na tao. May mga ilang reporters rin na mula sa mga kilalang magazine na mommy niya mismo ang nag-imbita para lang I-cover ang kanyang kasal. Matagal niyang hinintay ang araw na ito. Ang araw na maisusuot niya ang traje de boda na gawa ng isang sikat na designer at ikakasal siya sa lalaking mahal niya. Kaya't hindi pa man sumisikat ang araw kanina ay nakahanda na siyang salubungin ang mga mag-aayos sa kanya. Ni hindi nga yata siya nakatulog sa excitement. She was stunningly gorgeous with her vintage wedding dress that showed only a little of her skin. Dahil ayaw ni Drake na masyadong revealing ang suot niya. Her hair was simply fixed into a messy bun and her make up just emphasized her facial features. She has a fair complexion kaya hindi masyadong halata ang make up at nag-mukha lang 'yong natural. Habang papunta sila sa simbahan na pagdarausan ng kasal ay hindi siya mapakali dahil sa kaba at pagkasabik na nararamdaman. Pero ngayon ay unti-unti siyang nilalamon ng pagtataka dahil sa hindi pagsipot ng nobyo. Nag-aalala na siya dahil baka may nangyari na rito. Hindi na rin ma-contact ni Olivia ang phone nito. Naghintay pa sila ng ilang sandali hanggang sa unti-unti ng nagsialisan ang mga dismayadong guests. Siguradong magiging laman ng balita at mga diyaryo ang nangyari ngayon--- na ang isa sa anak ng multi-billionaire na si Yvo Montearevalo ay hindi sinipot sa mismong kasal nito. Pero wala siyang pakialam doon. Ang gusto niya ay malaman ang dahilan ni Drake kung bakit hindi siya sinipot nito. "Let's go." Madilim ang anyo na saad ng daddy niya nang makalapit sa kanila. Hindi na nito hinintay ang sagot nila at nauna na ito sa sasakyan na gamit. Kasunod nito ang nakababata at nag-iisa niyang kapatid na si Kane na tiningnan lang siya ng may bakas na awa. Gano'n din ang mommy niya nang sulyapan niya at gagapin ang palad niya. Pinigil niya ang luhang nagbabadyang tumulo at dahan-dahang tinanggal ang kamay ng ina. "H-hahanapin ko po siya mommy..." Lumabas siya ng bridal car at tinungo ang isa sa service car nila na bakante. Inagaw niya ang susi sa driver at pinaharurot 'yon. Hindi niya inalintana ang sigaw ng mommy niya. Nang makalayo ay saka lang niya hinayaan na dumaloy ang masaganang luha mula sa mata niya. Kinuha ni Kassandra ang phone sa loob ng purse niya at tinawagan ang numero ni Drake. 'The number you have dialled is either unattended...' Makailang ulit pa niyang tinawagan ang numero ng nobyo pero sa huli ay dismayado siya kaya't ibinato niya ang cellphone sa kung saan at pinabilis ang pagharurot ng sasakyan. Nang makarating sa pupuntahan ay dali-dali siyang umibis sa sasakyan,inayos ang sarili at nag-doorbell sa magarang gate ng mga Sevilla. Pinagbuksan siya ng isang security guard. Kilala na siya dito kaya dire-diretso siya pagkabukas ng gate pero hindi pa man siya nakakatapak sa front porch ay bigla na siya nitong pinigilan. Nagtatakang napatingin ang dalaga sa gwardya na napapakamot na lang sa ulo habang nahihiya at hindi makatingin sa kanya. "K-kailangan ko pong makausap si Drake manong." "Pasensya na po Ma'am Kassandra, inabisuhan na po kaming huwag kayo papapasukin. Baka po masisante ako." "I just really need to talk to him!" Hindi na niya hinintay ang sagot ng lalaki at tuloy-tuloy na pumasok sa malawak na tanggapan ng mga Sevilla  para lang masorpresa sa mga makikita. Si Drake, mommy at daddy nito saka isang magandang babae na hindi niya kilala. "Drake..." Halos bulong na sabi ni Kassandra. They stared at each other for a moment. At first she saw admiration dancing in his eyes but in a snap his reaction changed. From admiration to sadness and he parted from her sight. That's when she heard his mom's furious voice. "I told you to not let her in! Drag her out." "D-drake can we talk? Please..." Hinawakan ng gwardya ang braso niya at akmang igigiya siya palabas pero nagpumiglas siya. "Drake, please!" May pagsusumamo siyang tiningnan ito. "Don't make a scene here. As you can see beside me is the right woman for my son." Tiningnan niya ang babaeng nasa tabi ng ina ni Drake. Maganda ito at mukhang nanggaling din sa mayamang pamilya. Pero sa paraan ng pagngisi nito nasisiguro niyang may itinatago itong ugali. "I know Drake, doesn't like her or worst love her." Taas noong saad niya. Alam niya nakikita niya ang pagtatalo ng kalooban ng nobyo base sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "How dare you say that!" Hindi napigilan ng babae na magtaas ng boses at animo'y napagtanto nito ang ikinilos kaya bumalik ito sa pagkakaupo. "Anong karapatan mong sabihin 'yan sa kalagayan ko. I'm pregnant and he didn't went on your wedding so he love me more than you." Humikbi ito na alam niyang peke. Samantalang siya ay hindi nakahuma sa narinig. "T-totoo ba a-ang... sinasabi niya, ha? Drake..." Parang gustong bumigay ng mga tuhod niya sa narinig. Kaya pala. Kaya pala nitong mga nakaraan ay nag-iba ang pakikitungo sa kanya ng nobyo. Lagi itong wala sa sarili at parati siyang iniiwasan. "Drake! Answer me!" "Yes!" Walang paligoy-ligoy na sagot nito at hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Yes what...?" Hindi niya alam kung bakit nagtatanong pa siya gayong ang dapat gawin ay lisanin na niya ang lugar na 'yon. Siguro nais lang niyang mabawasan ang awa na nararamdaman sa sarili. "Enough for the drama. Get out!" "No need to drag me out of your house.I can manage myself." Pinunasan niya ang luha at tinalikuran ang mga ito saka nagmamadaling umalis. Nang makalulan sa sasakyan ay saka siya humagulgol ng iyak. Ayaw niyang ipakita sa mga ito na sirang-sira siya. 'Yon ang huling bagay na gugustuhin niyang makita ng mga ito. Karma na ang bahalang gumanti para sa kanya. Nanatili pa siya ng ilang sandali sa sasakyan bago niya napagpasyahang lisanin ng tuluyan ang lugar na 'yon. NATAGPUAN ni Kassandra ang sarili na umiinom sa paboritong restobar nila ni Drake. Dati ay parati siyang may kasama pero ngayon ay mag-isa na lang siya. Hindi niya alam kung nakailang order na siya ng hard drinks basta ang alam niya gusto niyang lunurin ang sarili sa alak. 'Yon ang unang beses na uminom siya ng hard drinks dahil noong... sila pa hindi siya pinapayagang uminom ni Drake. Drake is a boyfriend material. He's a conservative kind of guy kaya hindi niya lubos maisip kung pa'nong nakabuntis ito. Pinigilan ng dalaga  na may makarinig ng hikbi niya kahit pa nararamdaman niya ang mga mapanuring titig ng mga taong kumakain at umiinom doon. Wala sa sariling natawa siya. Of course pagpipiyestahan nila ang isang babae na pumunta ng bar with this kind of get up. "Another glass of whiskey please..." Nakayukong utos niya nang biglang marinig ang isang baritonong tinig sa tabi niya. "Let's go." Sabi nito at bago pa siya makaangal ay higit-higit na nito ang kamay niya. "Drake?" Tanong ng dalaga habang pasuray-suray na sa paglakad dahil sa hilo na nararamdaman. Hindi niya masyadong makita kung si Drake nga ba ang humihigit sa kanya sa kung saan pero kaboses nito ang nobyo. Inalalayan siya ng inaakalang si Drake na pumasok sa passenger seat at ito naman ay umikot at lumulan sa driver side. Gusto man tingnan ni Kassandra ang itsura ng lalaking kasama ay hindi na niya kaya dahil sa hilong nararamdaman. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagbakasakaling mabawasan ang pagkahilo pero lalo lamang iyong lumala. Natagpuan niya na lang ang sarili na sumusuka sa dibdib ng estranghero. Narinig niyang may ibinubulong ang lalaki pero hindi niya 'yon maintindihan. Fuck! I swear this is gonna be the last time na iinom ako. Mapaklang natawa ang dalaga sa naisip. "I won't apologize for what I've done just think of it as my revenge. For leaving me... in front of those guests. But you know kulang pa yan sa kahihiyan na natanggap ko." Aniya nang bumalik sa pagkakasandal sa upuan. "I don't know what happened to us! Bakit mo nagawang iwan ako and worst ipagpalit sa ibang babae." A soft sob escape from her mouth. The bitterness came to her again. She thought the alcohol could lessen what she's feeling, that it can make her numb. But it only worsen the pain and it's overflowing. Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit magpahinga. Naramdaman niya ng I-start ng lalaki ang sasakyan at paandarin 'yon. Hindi niya alam kung saan sila papunta at wala na siyang pakialam. NAGISING si Kassandra sa sakit ng ulo. Inilibot niya ang tingin sa paligid nasa sariling silid siya. Napabalikwas ang dalaga nang  mag-sink in sa utak niya kung paano siya nakauwi. Pero bigla niyang nasapo ang ulo na parang mabibiyak. Bumangon siya ng kama nang may maramdaman siyang kirot sa ibabang parte ng katawan niya. Dumiretso siya sa banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Walang nagbago sa itsura niya maliban sa hapding nararamdaman sa ibabang 'yon. Naghilamos lang siya at bumalik sa kama. Hindi na niya suot ang traje de boda niya at ipinagpapasalamat  niya 'yon. Habang nakasandal sa headboard ay hindi niya maiwasang isipin kung paano siya nakauwi. Sinong naghatid sa kanya? Pero ang mas iniisip niya ay kung anong ibig sabihin ng hapding nararamdaman niya sa maselang bahagi ng katawan niya. "MISS Kassandra are you alright?" "H-ha? Oh, I'm sorry. What are my agenda's again?" Tanong niya sa sekretarya na nasa tabi niya sa loob ng opisina. "You have a lunch meeting tomorrow with Mr.Sevilla---" "Drop that!" Agap niya. Hindi na nagulat ang sekretarya niyang si Haley, dahil pang-ilang beses nang gano'n lagi ang sagot niya. Isang buwan na mula ng mangyari ang kahihiyan na ginawa ni Drake sa kanya at isang linggo nang pinipilit nito na magkausap sila na parati niyang tinatanggihan. Ipinagpatuloy pa ni Haley ang pagbabasa ng mga appointment at meetings niya sa araw na 'yon saka ito nagpaalam. Pero bago ito tuluyang makalabas ay pinigilan niya ito. "Don't ever accept Mr.Sevilla's, invitations. That's all. Thank you." Aniya at itinuon na ang atensyon sa harap ng laptop. Sinubukan niyang ituon ang atensyon sa trabaho ngunit parang walang pumapasok sa utak niya. Napagdesisyonan niyang magligpit na since malapit na ang oras ng tanghalian. Nagpaalam siya sa sekretarya at lumulan sa elevator. Habang lulan ng elevator ay naisip ni Kassandra ang nangyari sa kanya sa nakalipas na buwan. The sleepless nights and endless tears. She can't remember how long she stayed inside her room. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino, kahit pa sa mommy at daddy niya. Pero isang araw nagising siya at napagtanto niya na hindi dapat siya magmukmok. May trabaho siyang naghihintay. Hindi niya masasabing naka-move on na siya dahil hindi madaling itapon ang apat na taon nilang relasyon ng dating nobyo. The happy memories and the petty fights they had is not that easy to forget. Pero para dito ay madali lang siguro. 'C'mon, Kassandra, talagang madali lang! Nakabuntis na nga siya hindi ba?' Panunuya ng isang bahagi ng utak niya. The other part of her is still longing for his explanations. But in her heart there's nothing left but anger for him and his family. Hindi na niya hahayaang ipahiya pa ulit siya ng mga ito. Siya si Kassandra Montearevalo at siya ang tagapagmana ng Hotel Kassandra, lahat ng tao ay dapat na yumukod sa kanya. Taas noong naglakad ang dalaga sa entrance ng isa sa chains ng hotel nila matapos iabot sa valet ang susi ng sasakyan niya. Ito ang isa sa paborito niyang lugar dahil ito ang unang-unang chains na naitayo ng daddy niya noong nagsisimula pa lamang ito at dito niya napagdesisyonang mananghalian. The ambiance here is very good actually this is one of the in demand hotel of theirs. The other guests decided to held their family gatherings here like reunions, birthdays, christenings, wedding anniversary and honeymoon. The bitterness suddenly jerked on her. This is the place... Napaatras siya dahil ayaw niyang maalala kung paano sila unang nagkakilala. Sa kaaatras niya ay may hindi sinasadya siyang nabunggo. "Ops, I'm sorry. Are you okay?" Humarap siya at in-eksamin ang nakabunggo mula paa hanggang ulo. Biglang naumid ang dila niya at para siyang itinulos sa kinatatayuan ng mapagsino ang nabunggo niya. "Can we talk?" He look pale and skinny. Parang may nag-uudyok sa kanya na kamustahin ito o haplusin ang pisngi nito pero iwinaksi niya 'yon at akmang lalampasan ito nang pigilan siya nito sa braso. "Please..." Paos na pakiusap nito ngunit hindi niya 'yon pinakinggan at marahas na inagaw ang braso niya. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Mahina pero may diin sa pagkakasabi niya saka ito tuluyang inuwan. Nawalan na siya ng ganang gawin ang trabaho niya sa natitira pang oras kaya imbes na bumalik sa opisina ay nag-drive siya nang nag-drive ng hindi alam kung sa'n tutungo. Nang mapagod ay tumigil siya sa isang fastfood chain never minding the stares of the people around. Maybe they notice the daughter of famous model Katarina Ford Montearevalo which is her mom or maybe they notice the scandalous Kassandra Ford Montearevalo who was left in front of the altar on her wedding day. How pathetic! Umupo siya sa silyang nasa sulok matapos um-order at nagsimulang kumain ng tahimik. Napansin niya nitong nakaraan na parati niyang gustong kumain ng pasta at uminom ng soda. Napangiti siya nang mapagtantong 'yon ang unang beses na kumain siya ng sobra na hindi iniisip kung tataba siya. Stress eating siguro. Wala sa sariling napalingon si Kassandra sa isang bahagi ng fastfood pero wala siyang nakitang tao roon. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Ipinagkibit balikat niya 'yon at tinapos ang pagkain.  "WHERE have you been?" Natigil sa pag-akyat sa hagdan ang dalaga nang marinig ang boses ng ama. "I just stroll around." "Where?" "I ate at a fastfood chain..." "And?" Humarap siya sa ama na prenteng nakaupo sa single couch. "Dad I'm tired can I just go to my room." Noon lang niya napansin ang isang lalaki na prente ring nakaupo. Hindi niya ito binigyang pansin. Pagod siya at wala siyang pakialam kung magmukha siyang bastos sa harapan nito. "I'm asking you Kassandra..." "Do I really have to tell you my whereabouts or what I'm doing? Alright, I went to the restaurants down the hotel and I accidentally bumped into Drake Sevilla so instead of eating at the hotel I went to a fastfood. I ate spaghetti and drink soda then I came home. Did I gave all the things you want to know dad?" Sunod-sunod na sabi niya at tinitigan lamang ang ama. Nang masigurong naibigay na niya ang sagot na gusto nito ay ipinagpatuloy na niya ang  pag-akyat. Nasa kalagitnaan na siya nang marinig niya ulit itong nagsalita. "I have here Damon Vallejo to accompany you everywhere." "I don't need him." Aniya at inuwan na ang mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
117.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
46.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Sexytary |SPG|

read
566.6K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
793.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook