Ang Walanghiyang Bodyguard

1088 Words
TWO "DO YOU really have to follow me everywhere?" Iritadong tanong ni Kassandra sa estrangherong pinadala ng ama para bantayan siya. Kapapasok lang nila noon sa opisina niya dahil katatapos lang niyang daluhan ang mga appoinments niya. Gusto niyang mag-unwind pero parating nakasunod ang lalaki sa kanya at hindi siya hinahayaang mawala sa paningin nito. "I think it's my duty Madam." He smirk. Umupo siya sa swivel chair at hindi ito pinansin dahil lalo lang iinit ang ulo niya. Itinuon niya na lang ang atensyon sa mga papeles na hindi pa nalalagdaan. Pasimple niya itong sinundan ng tingin nang umupo ito sa long couch at prenteng ipinatong ang paa nito sa coffee table. Napairap siya at iniiwas ang tingin dito nang marinig na tumunog ang phone niya. "Haley?" "Ma'am, Mr. Sevilla's here." Naulinigan niya ang pagkataranta sa boses ng sekretarya. "Huwag mo siyang papasukin. I'll call the security..." Aniya at pinatay ang tawag saka tinawagan ang security para paalisin ang dating nobyo. Wala na ang bodyguard na ibinigay ng daddy ni Kassandra nang sulyapan niya ang inuupuan nito. Imbes na pagtuunan ng pansin ay ipinagkibit-balikat niya na lang 'yon. Biglang may kapilyahan na pumasok sa utak ng dalaga at lihim siyang napangiti. Dali-dali niyang tiningnan ang sarili sa salamin at nang masigurong ayos ang itsura niya ay tumayo siya at sumilip sa labas ng opisina. Tatakasan niya ang antipatikong bodyguard niya. Nang makitang walang katao-tao sa labas mg opisina ay dumiretso siya sa elevator at pinindot ang basement kung nasaan ang parking area. Pilya siyang napangiti dahil nagtagumpay siya na takasan ang mahigpit niyang bantay. Tatlong araw na siya nitong sinusundan at sa tuwing tatangkain niyang tumakas ay palagi siya nitong nahuhuli. Nagmamadali niyang tinungo ang sasakyan ng makababa siya ng elevator. Pero bago pa man niya marating ang sasakyan ay may humarang na sa dinadaanan niya. Si Alissa... Nakasuot ito ng kulay dilaw na matermity dress at halata na rin ang baby bump nito. Sinubukan niyang lampasan ito nang marahas nitong hatakin siya sa braso. "What?" Mahinahon niyang tanong. Hangga't maaari ayaw niyang magtalo sila dahil iniisip niya ang dinadala nito. Pero ito mismo ang lumapit sa kanya. "Stay away from Drake!" Galit na galit na sabi nito sa kanya at naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa braso niya. Tiniis niya ang hapdi nang maramdaman ang pagbaon ng mahahaba nitong kuko at pilit pinakalma ang sarili. "Let go of me..." Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito at huminga siya ng malalim "FYI, Miss wala na 'kong pakialam sa boyfriend o asawa mo. I'm starting my own life now. Kung maaari lang siya ang palayuin mo sa'kin." "How dare you b***h! Ang kapal ng mukha mong sabihin na siya ang naghahabol sa'yo!" Akmang sasampalin siya ng babae nang biglang may pumigil sa kamay nito. Paglingon niya ay ang BG niya 'yon. "Lay a finger on her and you'll regret it." Seryosong saad nito at marahas na binitawan ang kamay ng babae. Hindi siya nakapagprotesta ng hawakan siya sa kamay ng lalaki at igiya siya sa sasakyan. Nang makalulan sa passenger seat ay saka ito umikot sa driver side. Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nila habang palabas ang sasakyan sa parking area. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya mula sa Alissa na 'yon. Siguradong nag-landing sa pisngi niya ang palad nito kung hindi dumating ang BG niya. "Thanks." Bukal sa loob niyang wika at tipid na ngumiti. "You should be. Because if I weren't there I'm sure hindi lang 'yon ang aabutin mo." Hindi niya alam pero sa tono at paraan ng pagsasalita nito ay umiinit ang ulo niya. Kung kay Alissa ay kailangan niyang huminahon pwes hindi dito. "Excuse me, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya kong alagaan ang sarili. 'Wag ka ngang mayabang diyan!" Aniya at humalukipkip. Itinuon niya na lang ang tingin sa labas ng bintana. Sasabihin niya talaga sa ama na ayaw niya ng bodyguard lalo pa kung katulad ng ugali ng kasama niya ngayon. "Just accept that you can't live without me." Mayabang na saad nito at kinindatan siya ng sulyapan niya ito. "Ang layo ng narating ng imahinasyon mo! Antipatiko, mayabang, at walang modo" Napatapik siya sa noo at nanahimik na lang. Nagtaka siya nang tumigil sila sa harapan ng isang Italian restaurant. Maang siyang napatingin sa lalaki na pinagkibitan lamabg siya ng balikat at pinagbuksan siya ng pintuan. Tahimik lang siyang sumunod nang pumasok ito sa loob ng restautant at ipaghila siya ng upuan. Noon lang niya nasulyapan ang relong pambisig. It's two in the afternoon and wala pang laman ang sikmura niya. "Let's order our food." "No. Ayokong kumain kasama ka.Lumipat ka ng ibang table." Saad ng dalaga habang nasa menu ang tingin. "Do you think I want to eat with you? No... but because of courtesy I will." Anang lalaki. "Are you going to find another table or I will find another resto because I don't want to lose my appetite?" Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa bumuntong hininga ang bodyguard niya at lumipat ng ibang mesa. Um-order na siya ng pasta at beef risotto saka tahimik na kumain. Hindi niya alam kung saan ito nakapwesto at wala siyang planong alamin. Nang biglang may sumulpot na waiter sa harapan niya at binigyan siya ng isang bowl ng ube ice cream. Hindi niya alam pero bigla na lang niya naramdaman na parang babaligtad ng sikmura niya dahil sa itsura ng ice cream. "I don't like that. Please, take that away from me." Inalis niya ang tingin sa dessert nang biglang may sumulpot pa sa harapan niya na isa pang bowl ng vanilla ice cream. Doon na tuluyang sumama ang tiyan niya kaya tumakbo siya sa restroom at doon nagsuka. Pagkatapos niyang isuka lahat ng kinain ay nasulyapan niya ang sarili na namumutla. Mukha siyang may sakit. 'Yon ang unang beses na nagsuka siya dahil lang sa isang pagkain though hindi talaga niya gusto ang klase ng dessert na 'yon. Nakarinig si Kassandra ng mga katok mula sa pintuan ng comfort room at maya-maya ay ang boses na ng BG niya. "Are you okay there? Hey, Kassandra!" Imbes na sagutin ito ay ipinagpatuloy niya na lang ang pagre-retouch ng make up. Kinapalan niya ang paglalagay ng lipstick para hindi mahalata ang pamumutla niya. Pagkatapos no'n ay lumabas na siya. Nakasandal ang lalaki sa wall nang lumabas siya at nang makita siya nito ay agad siya nitong nilapitan. "I wanna go home." Saad niya at nilampasan na ito. Hindi na niya ito pinansin hanggang sa maihatid siya nito sa bahay. Nanlalata niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Kailangan niya lang siguro ng pahinga at bukas ay magiging okay na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD