NAGISING si Kassandra na masama ang pakiramdam. Now, she's really sick she even forgot to change her clothes.
Sinubukan niyang bumangon pero bumalik lang ulit siya sa pagkakahiga dahil sa pagguhit ng kirot sa ulo niya. Inabot niya na lang ang phone na nasa bedside table at tinawagan ang landline nila sa baba para tawagin ang mayordoma nila. Pagkatapos no'n ay ipinikit niya ulit ang mga mata.
Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog ulit siya at nang magising ay naramdaman niya agad ang pag-asim ng sikmura. Tumakbo siya patungo sa banyo at doon sumuka. Nang matapos ay nanghihina siyang napasandal sa wall.
God, what is happening to her?
Lumabas siya ng banyo na tulala at umupo sa edge ng kama. Hindi niya namalayan na napalitan na pala siya ni Manang ng damit kanina habang natutulog siya.
Napalingon si Kassandra nang bumukas ang pintuan ng silid niya at iluwa noon ang mommy niya. Sa likod nito ay ang maid na may dalang tray ng pagkain.
"How are you feeling now sweetie?" Umupo ito sa tabi niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri nito.
"I'm not feeling well, mom."
"You should eat sweetie then you can drink your meds." Inayos nito ang mga pagkain sa table na nasa veranda ng silid niya samantalang siya'y umupo sa rattan chair na naroon.
"Wala akong gana mom saka alam niyo naman hindi ako basta-basta umiinom ng kung anong gamot without consulting our PD." Matamlay niyang tugon.
"Sweetie this is just analgesic, this won't harm you."
Umiling pa rin siya at sinulyapan ang mga pagkain na nakahain. Bigla siyang nakaramdam ng gutom nang makita ang slices ng mangga. Agad niya 'yong dinampot at kinain nang hindi napapansin ang tingin ng ina. Uminom siya ng tubig pero hindi niya gusto ang lasa no'n kaya tumingin siya sa mommy niya.
"Mom can you make me some mango shake?"
Ilang minuto muna siyang tinitigan ng ina at may ibinulong ito na hindi niya naintindihan.
"Are you okay?"
Tumango siya. "I will go to our PD later."
HINDI nakapunta si Kassandra sa private doctor nila dahil sa biglaang tawag na natanggap niya mula sa sekretarya. Nagkaroon ng problema sa broker na kinausap niya para sa bagong hotel na gagawin nila.
Ngayon ay nasa loob siya ng conference room kasama ang mga board members. Nagpatawag siya ng emergency meeting para pag-usapan ang pagkaka-delay ng project. 'Yon ang pinakamalaking project na gagawin nila sa taong 'yon.
"What happened to your plan Miss Vice President?" One of the board members asked.
"I just talked to the broker and he set another meeting to fix the problem so I apologize for the delay of Monte Hotel."
"Make sure that the broker will be there.He might also leave you" Pasaring sa kanya ni Mr. David, ang isa sa pinakabatang board member.
Dati niya itong manliligaw na binasted niya dahil sa kayabangang taglay nito.
Inayos niya ang suot na corporate attire at ngumiti.
"I bet this has nothing to do with what happened a month ago gentleman. Meeting adjourned. Excuse me." At nauna na siyang lumabas sa mga ito.
Pasalamat ito at tinawag niya itong gentleman gayong kahit kailan ay hindi iyon babagay dito.
Tinawag niya si Haley, bago siya pumasok ng opisina niya. Nang umupo siya sa swivel chair niya ay nakatayo na ito sa harapan ng mesa niya.
"Buy me a mango shake and carbonara please... Thank you." Aniya at itinutok na ang atensyon sa screen ng laptop niya.
Habang kumakain ay ginagawa ni Kassandra ang pagpirma sa mga papeles at pagsagot ng ilang tawag.
Gusto niyang magpunta sa PD nila para malaman niya kung may problema siya sa kalusugan niya o kaya naman ay may eating disorder niya. She always want to eat a certain food and it's only mango and pasta.
"Did I disturb you Madam?" Tanong ni Damon na sumulpot mula sa kung saan.
"Nope." Tipid niyang sagot.
"You have---" Sabi nito at may inginuso.
"Ha?" Kunot-noo niyang tanong.
Nagulat siya nang lumapit ito at pinunasan ang gilid ng labi niya. Pakiramdam niya namula ang mga pisngi niya sa ginawa nito.
"Such a mess." Bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig niya.
"How dare you!" Tumawa lang ito at umupo sa couch.
Nang marinig niya itong tumawa ay parang nabawasan ang inis niya dahil biro lang naman ang sinabi nito.
Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa.Inaayos niya ang mga papeles na kakailanganin sa out of town business trip na pupuntahan niya kasama ang broker. Pupuntahan nila ang may-ari ng lupa para kunin ang titulo at nang masimulan na ang proyekto.
Nang matapos ang mga gawain sa opisina ay tumayo na siya at pinatay ang laptop. Nang sulyapan niya ang pwesto ng bodyguard niya ay wala na ito. Akala niya ay umalis na ito dahil simula noong nangyari sa kanila sa Italian restaurant ay naging civil na ang pakikitungo nito sa kanya though paminsan-minsan ay makulit pa rin ito. But at least he knows his place.
Nang maitabi ang laptop ay lumabas na siya nang opisina at muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makita si Damon na hinihintay siya sa nakabukas na elevator.
"Papatayin mo ba 'ko sa gulat?" Palatak niya nang sumara ang elevator.
"Hindi. Sa kilig pwede."
Inirapan niya lang ito bilang sagot sa sinabi nito. Hindi na niya ito inimik hanggang sa marating nila ang sasakyan at maihatid siya nito sa bahay nila.
KINABUKASAN ay nagising ulit si Kassandra na masama ang pakiramdam. May hinala na siya kung bakit pero hinihiling niya na sana nagkakamali lang siya. Na sana hindi totoo ang mga nabasa niyang dahilan ng nararamdaman niya.
Pilit siyang bumangon at inayos ang sarili saka nagpunta sa pinakamalapit na convenient store. Nang mabili ang kailangan imbes na umuwi ay dumiretso siya sa condo na regalo sa kanya ng mga magulang noong magtapos siya ng kolehiyo.
Hindi niya iyon madalas gamitin dahil mas gusto pa rin niyang kasama ang mga magulang. Gusto niya itong makasama hanggang pagtanda.
Dumiretso agad ang dalaga sa banyo at inilabas ang test kit. Ginawa niya ang nakasaad na instruction sa likod ng test kit at naghintay ng ilang minuto.
Pumikit siya at tahimik na nanalangin na sana mali ang hinala niya. Unti-unti niyang iniangat sa harapan ang PT hanggang sa makita ang resulta.
"No...this can't be!"
Nanginginig na inilabas niya ang mga test kit na binili at inulit ang ginawa noong una. Pero katulad nang una ay gano'n din ang lumabas na resulta. Dalawang linya na pula sa bawat isa.
Nanlulumo at hindi pa rin makapaniwala na hinawi niya ang mga test kit na nasa ibabaw ng sink saka nanghihinang napaupo sa sahig.
Hindi niya alam kung ano dapay ang maging reaksyon niya. Pero ang unang tanong na nabuo sa utak niya ay kung sino ang ama nang bata na nasa tiyan niya.
Lumabas siya ng banyo na wala sa sarili.
'Anong gagawin ko ngayon?' Nag-isip siya ng pwedeng pagsabihan ng problema niya. But then she realized none. Wala siyang kaibigan na pwedeng pagsabihan nito. The only friend she have is Kane and her mom. Pero hindi niya alam kung matatanggap ng mga ito ang sekreto niya. Kahit ang daddy niya ay siguradong magagalit.
Panibagong kahihiyan na naman 'to sa pamilya nila. Ni hindi nga niya alam kung paanong nalusutan ng mommy niya ang issue at ngayon ito na naman. Alam niyang nang iwan siya ni Drake sa simbahan ay na-dissappoint ang daddy niya. At paano naman kung tanggapin nito ang pagdadalantao niya? Anong sasabihin niya? Na hindi niya kilala ang lalaking nakasiping niya ng isang gabi?
Napaiyak siya sa mga naiisip. This is the result of her stupidity.