Xavier Vallejo

930 Words
FOUR "Xav, kumusta ang farm?" Tanong ni Damon ng makaibis sa sasakyan. "It still the same. Nagbantay kami kagabi ng mga bagong anak na kabayo." Dumiretso sila sa veranda at doon hinatiran sila ng meryenda. "I miss being here." Aniya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng Villa. "How's Manila? How is she?" Matamang tinitigan ni Xav ang pinsan na si Damon. "Nothing's new. Ang taray pa rin niya." Anito at tumawa. Napangiti si Xavier at napailing. Hindi pa rin nagbabago ang kababata niyang si Kassandra. Siguro'y hindi na siya natatandaan nito but him, he remember every detail of her face and her attitude. "Then she's back with her old self." Saad niya. Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga nangyayari dito. Simula pa lamang ng umalis ito at ang pamilya nito sa San Carlos ay hindi siya nawawalan ng taong susubaybay sa galaw nito. Swerte si Damon dahil sa loob ng ilang taon niyang pagmamanman sa dalaga ay tuluyan na siyang nakalapit dito at personal nang nababantayan. Nakabalik si Damon pansamantala sa San Carlos dahil nasa out of town business trip ang dalaga pero kung siya ang magdedesisyon ayaw niyang mawala ito sa paningin ng pinsan ngunit sadyang matigas ang ulo ni Kass. Maybe 'obsessed' is the right term to describe him dahil napanatili niyang may koneksyon sa dalaga nang hindi nito nalalaman. Sa nakalipas na taon ay hindi niya nagawang maghanap ng babaeng magpapatibok ng puso niya dahil si Kassandra lang ang may kayang gumawa no'n. Pero hindi niya maikakailang maraming lumalapit sa kanya at aaminin niyang marami siyang naka-flings. What can you expect from Xavier Vallejo? Hindi siya bato para hindi makaramdam ng pangangailangan. Plano niyang bisitahin ang dalaga one of these days. Hinayaan na ng binata na magliwaliw ang pinsan sa kanilang lugar tutal minsan lamang talaga ito magawi doon. Malamang ay nandoon na naman 'yon sa mga kababata nila. Kilalang mapagkumbaba ang pamilya nila dahil nakikisalamuha sila sa kanilang mga tauhan. Sila ang pinakamayaman sa kanilang bayan. Naputol ang pag-iisip ng binata ng matanawan niya ang humahangos na tauhan ng farm. "Bakit Baste?" Salubong niya dito. Naghabol muna ito ng hininga bago nagsalita. "Si Amanda nasa kwadra ng mga kabayo at nagwawala." Nagmamadali silang nagtungo sa kwadra. Ano na naman kaya ang problema ni Amanda at nagwawala na naman ito? Amanda is the only daughter of their mayor at kilala itong spoiled brat. Kung anong gusto nito'y hindi pwedeng hindi nito makukuha. "What's happening here Amanda?" Tanong niya ng maabutan na nilalatigo nito ang mga kabayo. Nasa tabi ang ilan sa mga bantay ng kabayo at sinusubukang pigilan ang dalaga. "Why didn't you came yesterday?!" Galit na sigaw nito ng harapin siya. Napakamot siya sa batok ng maalala ang paanyaya ng dalaga sa isang hapunan. Pero hindi siya nagbigay ng siguradong sagot dito kundi sabi niya'y titingnan niya. "Look, Amanda, I'm sorry I forgot." "You forgot? Is it because of this stupid horses!" Hinagupit nito ulit ang mga hayop. "Enough...!" Nagpipigil ng galit na sigaw ng binata na siyang kinatigil ng babae. Waring natauhan naman ang babae at nagmamaktol na binitawan ang latigo at umalis. Nag-iwas ng tingin ang mga tauhang naiwan kabilang na si Baste dahil ayaw nilang mapagbuntunan ng galit ng binata. Mabait ito ngunit iba kung magalit. "CONGRATULATIONS, Ms. Montearevalo. The land is officially yours." Anang broker matapos nila na tuluyang makuha ang land title. "Thank you." Nakangiting tugon niya. "It's my pleasure, Ms. Montearevalo. So I guess our partnership ends here. I will go now." Tumango lang ang dalaga at naiwan siya sa loob ng mamahaling hotel na 'yon na nakatitig lamang sa papeles. She can't feel the happiness and success completely because of what's happening to her. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para itago 'yon. Natigil siya sa pag-iisip nang mag-vibrate ang phone niya na nasa mesa. Kane calling... "Kane..." ["I need the papers now Kass."] "Alright. It's with me now. Just wait for a few hours I will send it to you." Ipapasa na niya ang project kay Kane dahil isa ito sa magsu-supervise ng contruction ng Monte Hotel. ["How 'bout you?"] "I plan to have a vacation leave this month." Nabanggit na niya 'yon sa daddy niya at hindi naman ito um-oo o hindi kaya hinulaan na niyang oo ang sagot nito. ["What?! You'll left me to him?"] He shouted on the other line. Kane doesn't want to be left alone with their dad, it's because of his strictness. And he knew her brother very well. Ayaw nitong inuutusan. May sarili itong diskarte sa lahat ng ginagawa nito. "Isang buwan lang akong mawawala my dear brother so don't worry about dad." ["Saan ka ba magba-bakasyon para mapuntahan kita in case na magka-problema?"] He's calm now. "Hmm.That's a secret Kane. But if there's a problem you can always reach me thru phone. Okay? Bye. Take care." Itinago niya sa shoulder bag ang phone niya matapos kausapin ang kapatid at inayos ang mga papeles. Ang totoo hindi niya pa alam kung saan siya pwede magbakasyon. Kung bakasyon nga ba ang mangyayari? She can go to Spain, Italy, or L.A? Hindi niya alam. Napabuntong-hininga siya. Maybe she should get some rest first to clear her mind. Dumiretso ang dalaga sa inuokupang suite. Nag-shower siya at nagbihis saka dumiretso sa kama. Habang nakaupo sa edge ng kama at nakaharap sa full length mirror ay napatingin siya sa hindi pa lumalaking baby bump. A few months from now lalaki na 'yon at hindi maglalaon maraming makakaalam na buntis siya. Hindi niya kayang harapin ang kahihiyan na maaaring likhain ng batang ito. 'S-siguro kung anak namin ito ni Drake I would have been more than happy kasi kahit iniwan niya 'ko may ala-ala siyang maiiwan...' Isinubsob niya ang mukha sa unan at doon umiyak. Nababaliw na yata siya? Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD