Escape Plan

1311 Words
FIVE KASSANDRA felt so restless this past few days because of morning sickness. Hindi niya alam na gano'n pala kahirap ang magdalantao. Nag-research na rin siya tungkol sa pregnancy at nalaman niyang in the first trimester she'll experience morning sickness and so on. Parang gusto niya na tuloy umuwi sa bahay nila. Dahil kapag nalaman ng mommy niya na masama ang pakiramdam niya ay siguradong aalagaan siya nito. She fix her hair into a messy bun at inayos ang sling bag na nakasukbit sa balikat niya. Pupunta siya ng supermarket para bumili ng mga kailangan niya. Kasalukuyan siyang nasa Venice. Doon niya napagdesisyonang magbakasyon. Pero hindi pa rin siya sigurado kung doon nga ba niya gustong gugulin ang isang buwan niya. Nag-iisip pa siya ng plano. Inilabas niya mula sa dalang sling bag ang phone nang tumunog 'yon. Unregistered Number ang tumatawag. Hindi na siya nagdalawang-isip at sinagot ang tawag. Pero parang gusto niya magsisi nang marinig mula sa kabilang linya ang boses ng makulit niyang bodyguard. "Madam!" "Where did you get my number?" "From Sir Yvo. Hindi mo man lang ba kukumustahin ang gwapo mong bodyguard Madam?" "Why would I?" Napapalatak na sabi niya. "Sus! Kunwari pa si Madam. Ayos lang ako Madam. Salamat!" Pagkatapos no'n ay tumawa ito na lalo niya pang ikinainis. "Stop pestering me will you!" Bulyaw niya. "Pasensya na Madam napag-utusan lang." Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. "Si dad ba ha? Don't worry I'll talk to him and I'll tell him how annoying you are!" Hindi niya na hinintay ang sagot nito at pinatay  ang tawag saka sunod na tinawagan ang daddy niya. Sekretarya nito ang sumagot. "Miss Kass nasa board meeting po si Mr. Presid---" "I don't care! Give the phone to him or I will fire you?" Pagbabanta niya kahit na hindi niya naman gagawin but still she have the authority to do whatever she want. As soon as she heard her dad's voice she started talking nonstop. Telling him why he gave her that kind of BG and how he annoyed her everyday. "Just be patient to him Kassandra. I just want to get rid of your ex." He said calmly. "But Drake won't follow me here dad. And one more, bakasyon ko 'to! I want at least be free from stress but your BG..." Napabuntong-hininga na lang siya. "Okay, I will talk to him." Pagtatapos nito. Matapos ang pag-uusap nila ng ama ay ipinagpatuloy na niya ang pamimili. Pagkatapos no'n ay naglibot-libot siya. She rode on a gondola and got the chance to experience the amazing views down the canal. When she go down it's already lunch time so she went to the nearest restaurant and ordered carbonara with mushrooms. Kassandra seemed satisfied with what she did that the smile on her lips stayed. Kalahating araw pa lang pero ramdam niya na agad ang pagod kaya kahit na gusto pa niyang mamasyal ay umuwi na siya sa hotel na tinutuluyan. Inayos niya lang ang mga supplies at dumiretso na siya sa banyo para maligo. Plano niyang magpahinga sandali at lalabas ulit siya para mamasyal. Pagkatapos maligo ay agad siyang humiga sa kama at hindi naglipat oras ay nakatulog na siya. Nang magising ang dalaga ay masama ang pakiramdam niya kaya imbes na lumabas ng hotel room niya ay nanatili lang siya sa kama at nag-log in sa social media accounts niya. She was searching for an alternative way to control her morning sickness when a certain post caught her attention. Isang cabin 'yon na ibinebenta at... sa lugar 'yon kung saan siya lumaki. Natigil siya sa ginagawa at inilapag ang laptop sa kandungan niya. Isang desisyon ang pumasok sa isip niya TULOY-TULOY na pumasok si Kassandra sa loob ng bahay nila habang tinatawag ang ina. Hawak niya ang luggage na pula sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay ang mga paper bags na laman ang mga signature shoes and clothes na pasalubong niya sa mga magulang at kapatid. Mas maaga kaysa sa inaasahan ang pagbalik niya ng Pinas dahil may iba siyang plano. Kailangan niya lang ayusin ang trabaho at ilan pang bagay para maisakatuparan niya 'yon. Dumiretso siya sa pag-akyat sa grand staircase ng walang makuhang sagot. Nakita niya ang ina na nasa labas ng nakasarang pintuan ng study room at parang nakikinig. "What's happening here mom?" Nakita niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya pero agad din 'yong nawala at dali-dali siyang hinigit pababa. "Kane and your dad is talking. He's being strict again." Tumango lang siya at hinayaan ang ina na higitin siya at dalhin sa living room. Siguradong tungkol 'yon sa Monte Hotel. "Anyway, I thought you are in Venice? Bakit umuwi ka agad?" "I missed you all already so I came home. And look... I bought you all a present." Aniya at ipinakita rito ang mga dala niya. Tuwang-tuwa ang mommy niya sa mga pasalubong habang ikinukwento niya ang ginawa niya sa Italy, at naabutan sila ni Manang Josie kaya sumali na rin ito sa masayang kwentuhan nila. "Why Manang?" Maya-maya ay tanong niya nang mapansin ang mapanuri nitong tingin. "Parang tumataba ka anak?" Nawala ang ngiti sa labi niya  at sandaling kinabahan. "H-ha, talaga po? N-napansin ko nga din lately na ang lakas ko kumain eh." She tried to act normal kahit na abot-abot ang kaba sa dibdib niya. She heard na matalas ang instinct ng mga kagaya ni Manang Josie na medyo may edad na. Madali nilang nalalaman kung buntis ang isang babae. Saglit pa siya nitong tinitigan or rather ang katawan niya bago ito ngumiti. "Mabuti 'yan anak mas lalo kang gumanda." Napangiti na rin siya at nakahinga ng maluwag. Itinuloy nila ang kwentuhan sa dining area at sa pagkakataong 'yon ay kasama na ang dalawang lalaki which is her dad and Kane na hindi nag-iimikan. "Kane how's the construction of Monte?" Pagdaka'y tanong niya na dapat ay hindi niya na itinanong pa because the awkward silence surrounded the four corners of the dining room. Tumikhim siya bago nagsalita. "By the way dad I decided to cut my vacation short because I have thought of a better plan." Her dad wipe the side of his mouth and drink some water before answering her. "What plan?" He rested his chin on his hands. "Since I already did my part in Monte I will just settle down all my small projects and then I will continue my long vacation. So I will be gone for let's say... a year." Nakita niya mula sa peripheral vision ang pagkagulat sa mukha ng kapatid na nasa tabi niya. Pero binalewala niya lang 'yon. Napatango-tango ang daddy niya at pagkaraan ay natawa ito. Napansin niya ang pagpapalitan ng tingin ni Kane at ng mommy niya pero siya'y nanatiling nakatingin sa ama. "Anak nga talaga kita." Natatawa pa rin nitong wika. "HALEY, I'm going to leave for a year so wala kang magiging trabaho sa loob ng isang taon." Ani Kassandra sa sekretarya habang inaayos sa maliit na box ang mga gamit niya. "P-po, Ma'am? Hindi po pwede 'yon Ms. Kassandra may pinag-aaral po akong mga kapatid." Naluluha nitong turan. Napatitig siya rito at may awa na humaplos sa puso niya. "Okay, I will think where I can place you." Aniya at isinarado na ang box saka 'yon binitbit palabas ng opisina. Nagpapasalamat itong nakasunod sa kanya habang sinalubong naman siya ng bwisit niyang BG at kinuha ang dala niya. "Mukhang ayaw mo na talagang makita ang gwapo kong mukha Madam." Hindi niya ito pinansin hanggang sa magsara ang elevator. "Madam pansinin mo naman ako." "Kung ayaw mong madismaya sa sagot ko mas mabuti pang huwag ka na magtanong. Be professional Mr. Vallejo or just be civil." Madiin niyang sagot ng hindi ito tinitingnan. "Madam naman oh... Hindi mo ba 'ko kilala o natatandaan?" Saglit niya itong sinulyapan bago ulit tumingin sa sariling repleksyon sa salamin ng elevator. "You're a BG that my dad hired..." Nauna na siyang lumabas ng lift at dumiretso sa sasakyan niya. Ito naman ay inilagay ang mga gamit niya sa trunk. Nagpasalamat lang siya dito at nagmaneho na papalayo. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin and she doesn't mean to be rude to him. Hindi niya lang maintindihan ang sarili. Dala siguro ng pagbubuntis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD