San Carlos

1234 Words
SIX "KASS, do you really have to be gone for a year?" Kunot-noong tanong ni Kane habang pinapanood siya mag-impake ng gamit. Tapos niya nang ayusin ang mga dapat niyang i-settle sa kompanya. Ngayon ay ang sarili niya naman ang aayusin niya. "Yes, I'm sorry if I didn't tell you about this but I really need to escape... from everything." Pabulong niyang sambit sa huling salitang binitawan. "Hindi ka pa rin ba nilulubayan ng Sevilla na 'yon ha? I will file a restraining order against him if you want?" Umupo siya katabi ang luggage at itinuloy ang pagtutupi ng damit saka bumuntong-hininga. "Sana nga gano'n lang kadali, Kane. But it's not only about him. I hope you can understand me." Malungkot siyang tumingin sa kapatid. Lumapit ito sa kanya at medyo ginulo ang buhok niya. "If you have problems you can always count on me... ate." Anito na ikinangiti niya. For the first time he called her ate. Kane stopped calling her ate since he aged 15 and she doesn't know why. Yumakap siya at isinubsob ang mukha sa tiyan ng kapatid dahil nakatayo ito at nakaupo siya. "I'll tell you when I'm ready." Nagpaalam na siya sa mommy niya at kay Manang Josie while her dad? He doesn't wanna see her leaving. Her dad is sometimes a  softy. Isinakay na ni Kane ang mga luggage niya sa trunk saka siya nito pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Ihahatid siya ng kapatid hanggang airport. Ang alam ng mga ito ay sa Italy siya magbabakasyon pero kasinungalingan 'yon. Kumaway siya sa ina habang palabas ang sasakyan sa malawak na garahe at nakita niya ang daddy niya na nakadungaw sa bintana ng office nito. Kinawayan niya ito at nag-flying kiss siya. She saw when he smiled and raise his hand in mid-air. She hate lying but if this is the only way to  save her family from shame then she'll do it without regrets. SUMAGAP agad ng sariwang hangin si Kassandra nang makaibis sa sasakyan na inarkila niya mula airport. It's good to be back... Home sweet home Kassandra. "Ma'am ang ganda dito." Nakangiti niyang sinulyapan si Haley na nasa tabi niya bitbit ang mga gamit nila. She decided to bring her here since wala siyang makakasama sa isang taon niyang pagtatago at para na rin may mag-aalaga sa kanya in case na magkasakit siya. Nagpaalam siya kay Haley at pinauna na ito sa cabin na magsisilbi nilang tahanan. Dumiretso siya sa dalampasigan at naglakad-lakad. Hinayaan niya lang na mabasa ng alon ang suot niyang maxi dress. Dinama niya ang pinong puting buhangin ng islang ito dito sa SAN CARLOS. It's really good to be back here. Naaalala niyang sa tuwing babalik sila dito at magbabakasyon ay parang ayaw na niyang lisanin ang lugar na ito. Kaya nga laking panghihinayang niya nang umalis ang pamilya nila dito at ibinenta ang lahat ng property nila. Pero nangako siya sa sarili na babalik siya dito. Well I'm here but not for good. Nagdesisyon na siyang bumalik sa cabin para magpahinga muna. Bukas plano niyang pumunta sa OB sa bayan para malaman niya ang kalagayan ng bata sa sinapupunan niya. Kinabukasan ay nahihirapan silang humanap ng sasakyan ni Haley dahil nasa liblib na parte ng San Carlos ang bakasyunan na binili niya. "Maglakad-lakad na lang muna tayo baka sakaling may makasalubong tayo." Aniya. Hindi pa sila masyadong nakakalayo nang may tumigil na isang pulang Toyota WIGO sa harapan nila. Hinintay lamang nila na makaibis ang sinumang lulan no'n. Bumaba mula ro'n ang isang petite na babae. Siguro'y bata lang ito sa kanya ng mga ilang taon. "Hi, I saw you looking back and forth. So I think you need help?" Nakangiting tanong nito. "Oo sana. Hindi namin alam na mahirap palang sumakay dito plano sana naming pumunta sa bayan." Nahihiyang wika niya. Tumango-tango ito. "Is that so? If you want I can accompany you there?" "Tamang-tama Ma---" Pinutol ni Kassandra ang sasabihin ni Haley at nakangiting bumaling sa dalaga. "Is it okay with you?" Aniya. "Of course, let's go!" Ipinagbukas pa siya nito ng pinto sa passenger seat pati ma rin si Haley at umalis na sila. "By the way, I'm Patricia Vallejo." Anito at inilahad sa kanya ang isang kamay habang ang atensyon ay nakatutok sa kalsada. "Haley Camero nga pala." Si Haley. "Kassandra Montearevalo." Tinanggap niya ang nakalahad nitong palad. Napatango-tango ito at may ibinulong na hindi niya naintindihan. Mayamaya'y bigla itong nagpreno na muntik na nilang ikinasubsob kung hindi lang sila naka-seatbelt. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng babaeng kakikilala pa lamang. ""Oh my god, Ate Kass...!" Nagkatinginan sila ni Haley sa ginawa ng dalaga. "Ate Kass, you don't remember me na? It's me Patty!" Aniya nang humiwalay sa kanya. Mataman niya itong tinitigan at inalala. "Patty pig!" Bulalas niya at napanguso naman ito. Patty used to be fat when she was a child that's why they call her Patty pig. Nang bumalik ito sa pagmamaneho ay hindi na nawala ang ngiti sa labi nito. Samantalang siya ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Tumigil sila sa isang maliit na kainan para doon ituloy ang kwentuhan nila at para na rin kumain ng early lunch. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sibilisado ang San Carlos. Wala pa roong mga matataas na establisyemento na kagaya ng sa Manila. Habang inililibot niya ang tingin ay wala siyang makita ni isang restaurant o fastfood man lang. Pero mas gusto niya ang gano'n. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao. "You look like a super model now, Ate Kass." Pagkaraan ay sabi ni Patty. Tipid lang siyang ngumiti dahil hindi niya alam ang sasabihin. "Let's go to our house after. I'm sure Lola will be surprise to see you." "Sure but first I really need to go to the OB." Nakita niya ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng dalaga. "You pregnant?" Tumango lang siya. "OMG! I'm already Tita na!" Parang bata itong napanguso. "Does that mean hindi na si Xav ang magiging hubby mo kasi may hubby ka ng ib----" Bigla siyang nasamid sa pagkain na kinakain at inubo siya. "Ma'am tubig po." Ani Haley sabay abot ng isang basong tubig na dali-dali niyang ininom. "I'm sorry Ate Kass." "It's okay. Can we go to the OB now?" "Sure. Let's go." Malapit lang sila sa clinic kaya't nakarating agad sila doon. Walang masyadong pasyente kaya mabilis siyang na-eksamin at niresetahan ng mga vitamins. Hindi alam ng dalaga kung matutuwa siya o maiinis sa iniaasta ng dalawang kasama na kung alalayan siya ay para siyang may sakit. "Stop helping me Patty. I can manage." "Kukuha na ba ako ng wheelchair Ms.Patty?" Ani Haley. "That's a better idea." "What...? I'm pregnant not disabled!" Tumawa lang ang dalawa sa reaksyon niya. Dumiretso sila sa pinakamalapit na drugstore para bilhin ang mga kailangan niya. "10,450 pesos, Ma'am" Anang cashier "Here's my card." Aniya sabay abot ng card. "Sorry, Ma'am pero cash lang ang tinatanggap namin." "What? Wala akong dalang cash." "Ahm, Miss here's 11,000 keep the change. Thank you." Si Patty  'yon at hinigit na siya palabas. "Babayaran na lang kita Patty. Pasensya na nakalimutan kong nasa probinsya nga pala ako." "No need Ate." "No, babayaran kita kapag nakakuha na 'ko." Waring hindi siya narinig ni Patty dahil may inaaninaw ito sa 'di kalayuan. "Wait! It's Xav!" Tumitiling sigaw nito pagkaraan nang matanawan ang isang lalaki sa isang fruit stand. Tumawid ito nang walang paalam at iniwan sila ni Haley. Siya naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig at hindi niya malaman ang gagawin. Nagpalinga-linga siya at nang matanawan ang mga nakaparadang tricycle ay hinigit niya si Haley at tumakbo patungo do'n. Sandali niyang kinausap ang driver at agad naman 'yong umalis. Takang-taka si Haley sa kilos niya pero hindi na nito isinatinig. Kahit siya sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit siya tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD