SEVEN
"IS THIS the place?" Tanong ni Xav kay Patty.
"I guess so? Here ko kasi sila nakita eh."
"I heard mayroon ngang dalawang dalaga ang dumating dito two weeks ago." Ani Damon.
Dalawang linggo na rin ang nakakaraan ng huling makita ni Patty si Kass. Bigla na lamang itong nawala nang tawagin siya ng kapatid. Patty is his younger sister.
"Teka, I think si Haley ba 'yon?" Turo ng kapatid sa babaeng naglalakad bitbit ang dalawang malaking grocery bags.
"Yeah, si Haley nga." Pagsagot nito sa sarili.
Nauna na siyang lumapit sa babaeng tinutukoy nilang Haley at tinulungan ito sa mga dala nito.
"Miss saan ka nakatira ihahatid ka na namin."
Hindi siya sinagot ng babae bagkus ay tinitigan lang siya nito na parang nangangarap.
"Excuse me, Haley? Kuya was asking you?" Singit ni Patty.
Para naman natauhan ang babae.
"Ma'am Patty!" Tili nito at hinigit ang kapatid niya sa isang liblib na daanan.
Tinanguan niya lang ang kapatid ng tumingin ito sa kanya, telling him to just follow the woman.
Ipinasa niya ang mga bitbit sa pinsan.
"What?! I'm not your maid man!" Palatak ni Damon.
Hindi na niya ito pinansin at sumunod lang sa dalawang babaeng nauuna. Lumabas sila sa liblib na daan at bumulaga sa kanila ang papalubog na araw sa silangan ng dalampasigan. Naging kulay kahel ang kulay ng dagat dahil sa araw.
"Naku buti dumating ka Ma'am Patty! Ayaw kasi kumain ng kahit ano ni Ms. Kass, dahil lagi niya lang daw isinusuka. Hindi ko na nga alam ang gagawin sa kanya eh." Litanya ni Haley habang papasok sila sa maliit na cabin.
"Don't worry I will talk to Ate Kass."
"No, I'll talk to her." Anang binata at nauna na sa kanilang pumasok sa cabin. Narinig niya pa ang sinabi ng babae sa kapatid niya.
"Ang gwapo! Kapatid mo?"
Tinungo niya ang nag-iisang pintuan doon at walang pagbababalang pumasok.
"Haley ikaw na ba 'yan?" Narinig niyang tanong ng dalaga galing sa restroom.
Narinig niya ang pagsusuka nito kaya napahangos siya sa loob ng banyo at nakita niya itong nakasalampak sa sahig at sumusuka sa toilet bowl.
Hinagod niya ang likod nito. Nag-aalala siya sa kalagayan nito lalo pa at nalaman niyang nagdadalang-tao ito.
"Haley, I'm sick. What if ipa-abort ko----"
"What...?!" Napalingon ito ng marinig ang galit at baritono niyang boses.
Putlang-putla at hinang-hina itong napatitig sa kanya. Mayamaya ay bigla itong humikbi at nagsimulang umiyak.
"Sshh... I'm sorry." Niyakap ni Xav si Kassandra at hinagod ang likod nito.
Binuhat niya ang dalaga at inilapag sa kama. Humihikbi pa rin ito.
"I'm sorry... I didn't mean to shout at you but aborting your child is not the solution to your problem." Sinuklay niya ang buhok ng dalaga.
Mataman lamang itong nakatitig sa kanya.
May kumatok sa pintuan ng silid na kinaroroonan nila at mayamaya'y iniluwa no'n ang kasama ni Kass na may dalang isang tray ng pagkain.
"Ms. Kass, kumain na po kayo."
"I will feed her. Thank you." Aniya.
Tumango lamang ito at lumabas na.
Inayos niya ang mga pagkain. "You should eat. You and the baby needs to be healthy."
"Ayokong kumain." Humiga ito sa kama at tinalikuran siya.
"Don't be stubborn, Kassandra. Eat or you'll get skinny?"
Umupo ito sa kama at galit na hinarap siya. "The hell I care. Bakit ka ba nandito? Para pagtawanan ako sa nangyari sa'kin?"
"Look? Do I look like I'm laughing?" Pamimilosopo niya na siyang ikinatahimik nito.
"Now eat... Pagkatapos mo iiwanan na kita at babalik na lang ako bukas." I
Inilapit niya ang kutsara na may lamang kanin at sabaw pero hindi nito 'yon isinubo bagkus ay nakatingin ito sa slice ng mangga na nasa platito.
"Kumain ka muna nito bago ang mangga." Nauubusan na siya ng pasensya pero kailangan niyang suyuin ang dalaga.
"Mabilis ka pa rin mairita kagaya ng dati." Tipid itong ngumiti at tinanggap ang ibinibigay niya.
"You still know me huh?" Sarkastikong turan niya.
"Ang pangit mo pa rin kasi."
"What? Hanggang ngayon pangit pa rin ako sa paningin mo...! You've got to be kidding me, Kassandra!" Tuluyan nang natawa ang dalaga sa sinabi niya.
NAKATITIG lang si Xavier sa dalaga na masayang nagtatampisaw sa tabing dagat. Napilit niya itong lumabas ng bahay at maglakad-lakad. Medyo bumuti na rin ang pakiramdam nito.
Halata na ang umbok sa tiyan ni Kassandra. Masaya ang binata na malapit at abot-kamay na niya ang dalaga pero may isang sikreto siyang ayaw niyang malaman nito. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng babaeng minamahal.
Baka kamuhian siya nito at hindi niya kakayanin 'yon.
"Pangit...!" Sigaw ng dalaga sa kanya.
"Pangit ka daw!" Humahagalpak ng tawa si Damon.
Nakalimutan niyang kasama nga pala nila ang kapatid at pinsan niya pati na rin si Haley na dating sekretarya ni Kass. Napagdesisyonan nilang mag-picnic sa tabing dagat.
"Stop calling me 'Pangit' in front of Dame." Aniya nang makalapit sa dalaga.
"At bakit?" Nakapameywang na tanong nito.
Nagkibit-balikat lang siya. Sinundan niya ang dalaga ng talikuran siya nito at nagsimulang maglakad-lakad. Tahimik lamang silang dalawa. Tinititigan niya lang ang mahabang buhok nito na mabining hinihipan ng hangin.
"I don't know who's the father of this child..." She whispered but enough for him to hear.
Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ito.
"Nahihiya ako sa pamilya ko at pati na rin sa mga taong nakapaligid sa'kin kaya ako nandito--- at nagtatago."
"I'm also ashamed of myself. Pakiramdam ko ang malas kong tao dahil iniwan ako ng lalaking akala ko magiging kasama ko habang buhay tapos ngayon ito pa?" Saad nito at hinimas ang baby bump.
"... but I realized this past few day I shouldn't feel unlucky because I got impregnated with this child without knowing it's father." Pinunasan niya ang tumulong luha sa pisngi nito.
"Isn't it unbelievable that I don't know who the hell I f**k with? I don't know I'm so drunk that day."
Niyakap niya ang dalaga ng magsimula itong humikbi. He caressed her back and hush her. "Don't worry we will take care of the child together. I'm here."