EIGHT "WHERE are you going Xavier?" Tanong ng abuela kay Xavier habang pababa siya ng hagdan. Inaayos niya ang relong pambisig kaya hindi niya ito napansin na nasa likod niya. Nakangiti siyang humarap dito at hinalikan ito sa pisngi. Medyo may katandaan na ang abuela kaya kailangan na nitong gumamit ng walking stick. Inalalayan niya na lang ito hanggang makababa. "Pupunta siya sa pinakamamahal niya Granny!" Si Patty na biglang sumulpot sa kung saan at humalik din sa pisngi ng matanda. "Is it Amanda Cavallero?" Magsasalita na sana siya ng maunahan siya ng tili ng kapatid. "Yuck! That Amanda girl? No way Xav, will ever like her." Lumapit ito sa kanya at ipinulupot ang kamay sa braso niya. "Granny, I have to go. Take care here okay?" Aniya at isang beses pang humalik sa abuela nila at

