Chapter 1.
"OKAY, PACK up na! We will go to our next location!" Sigaw ng baklang direktor at sumakay na ito sa van.
Naiwan ang mga staff at crew na abala pa rin sa pagliligpit ng mga ginamit sa set.
"How about you, Yvette? 'Di ba hindi ka na kasama sa next location? Where's your next destination?" Usisa ng make up artist sa dalaga na nakaupo sa nakausling ugat ng puno. Nasa kandungan pa rin nito ang script na katatapos lang nitong i-arte kani-kanina lang at ngayon ay tahimik itong nakatanaw sa malayo.
"Uy, Yvette!" Napapitlag si Yvette nang may tumapik sa balikat niya.
Agad siyang ngumiti nang makita ang make up artist niya na si Babeth. Maliit na babae lang ito at medyo may katabaan. Nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay make up artist na niya ito.
"You're spacing out, girl. What's the problem?" Pa-slang na tanong nito at kinuha ang script sa kanya.
"Pagod lang ako," tugon niya at tumayo na saka pinagpag ang sarili. Dumiretso na siya sa service van na dala nila.
"Saan mo gustong magpahatid?" Tanong ng manager at handler niya na si Momshy Vodka.
Sumandal siya sa headrest ng shotgun seat at ipinikit ang mata niya. "Sa condo na lang, Momsh. Na-drain ang braincells ko sa eksena kanina," sagot niya.
Pagkatapos kasi ng madramang iyakan ay napasalang naman siya sa love scene na hindi lang yata naka-sampung take dahil masyadong bagito ang kapareha niya. O talaga lang hindi ma-resist ng leading man ang charm niya dahil ito ang hot topic ng staff at crew dahil kitang-kita ang pagbukol sa pagitan ng mga hita nito habang ginagawa nila ang love scene.
"O, nandito na ba ang lahat? Aalis na tayo," sabi ng baklang manager. Ilang minuto lang ay ramdam ni Yvette na umaandar na ang sinasakyan nila.
Seven years na siya sa industriya pero hindi pa rin siya sanay sa bilis ng takbo ng taping. Akala niya ay nakakapagod na ang pagiging supporting role pero wala palang pagkakaiba 'yon sa lead role. At ngayon niya pa lang 'yon nararanasan dahil unang beses pa lang niya bilang leading lady. Thankful siya na ang unang lead role niya ay sa isang teleserye and at the same time ay mataas ang rating na nakukuha nila kahit pa nga binigyan sila ng MTRCB ng rated SPG.
Isa pa sa ipinagpapasalamat niya ay nagbubunga na ang paghihirap niya sa napili niyang karera. Natatandaan pa nga niya na ang una niyang role ay isang bystander na nag-uusisa sa bida at kontrabida na nagsasabunutan. Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng ilang taon ay makakamit na rin niya ang pinapangarap na kasikatan.
Minsan nga ay hindi pa rin siya makapaniwala at ini-expect niyang pagkagising niya ay panaginip lang ang lahat. Pero ilang beses na siyang natulog at nagising na siya pa rin si Yvette Verdadero, ang bidang kontrabida. Gano'n siya binansagan sa showbiz industry at nagustuhan niya ang bansag na 'yon.
"Yvette, nandito na tayo," untag sa kanya ni Babeth kasabay ng pagyugyog nito sa balikat niya.
Iminulat niya ang mga mata at nakita niyang nasa harapan na nga sila ng condominium building na tinutuluyan niya. Bumaba ang driver nila na si Kuya Lando para pagbuksan siya ng pinto at nang makababa siya ay inilabas naman ni Momshy Vodka ang ulo nito sa passenger seat.
"Kaya mo na ba mag-isa? O gusto mong ipahatid kita kay Babeth sa unit mo?" Tanong nito.
"I can manage, Momsh. Thanks." Nag-beso siya dito ng hindi idinidikit ang pisngi niya sa pisngi nito at pagkatapos no'n ay pinapasok na siya ng mga ito. Noong una ay pinapaalis na niya ang mga ito pero tumanggi ang manager dahil gusto daw muna nitong makasiguro na nakapasok na siya sa building bago ito umalis.
Pagpasok ng elevator ay saka humikab ang dalaga. Sa totoo lang ay napagod talaga siya dahil alas tres ng madaling araw ang call time niya. Pero ala una pa lang ay nasa location na siya dahil ayaw niyang nale-late at ayaw din niyang magkaroon ng bad impression ang dikrektor na unang beses niya pa lang makakatrabaho. Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala siyang suot na relo. Pero sa tingin niya ay pasado alas dose na ng tanghali at ngayon lang siya makakapagpahinga. Pasalamat na lang siya at ni-reschedule ni Momshy Vodka ang dapat ay guesting niya sa isang game show sa TV.
Nang makarating sa unit ay basta na lang niya itinapon ang mga gamit sa couch at pagpasok sa silid ay walang kaabog-abog niyang hinubad ang lahat ng saplot sa katawan. Tanging undies lang ang itinira niya at pumailalim na siya sa blanket.
Hindi naman siya nag-aalala na baka may makakita sa ginagawa niya dahil mag-isa lang siya. Regalo niya sa sarili ang condo unit na ito dahil naabot na niya ang pinapangarap na maabot sa karerang napili niyang tahakin. May isang taon na rin siyang namamalagi dito dahil bukod sa mas malapit sa TV network na pinagtatrabahuan ay mas prefer niya ang mag-isa.
Hindi naman sa ayaw niyang kasama ang mga magulang pero sa edad niyang bente singko ay dapat lang siguro talaga siyang bumukod at buhayin ang sarili niya. Isa pa gusto niya ang buhay niya dito sa siyudad na palaging nagpa-party. Hindi nga yata lumilipas ang isang gabi na hindi siya sumasayaw sa dance floor ng mga bar.
She love the night life. Free, adventurous, and exciting. Kahit sandali nakakalimutan niya ang pagod na alam niyang ginusto din naman niya. Hindi niya gusto ang pagod na dala ng trabaho niya pero gusto niya ang ginagawa at nag-eenjoy din naman siya.
May ilang minuto nang nakahiga si Yvette pero hindi na niya maramdaman ang antok na nararamdaman niya kanina. Sinusumpong na naman yata siya ng insomnia.
Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Inilibot niya ang tingin sa buong silid na para bang may hinahanap kahit na wala naman. Mayamaya ay tumitig siya sa kisame at nagbabakasakali na bumalik ang antok niya. Pero kung saang lupalop na yata 'yon napadpad.
Tumagilid siya para abutin ang cell phone na nasa ibabaw ng bedside table. Binuksan niya ang mobile data at nagdesisyon siyang mag-browse muna sa f*******:. Hindi ang stage name niya na Yvette ang gamit niya sa f*******: kundi ang real name niya na Ivy Gwenneth, pati ang profile picture ay hindi mukha niya ang nakalagay kundi ang picture ng pusa niyang si Minnie.
Gusto niya lang maging anonymous ang identity ni Ivy Gwenneth kaya niya ginawa 'yon. Isa pa ay para na rin kahit papaano ay may privacy siya.
Habang nagi-scroll ay napatigil ang dalaga sa isang news article patungkol sa isang politiko.
The article says... Pinangunahan ni Governor Alfred Leviste ang People's Day na ginaganap tuwing araw ng lunes. Ang People's Day ay ang programang ginawa ng Gobernador para magbigay tulong pinansyal, burial, at health assistance sa mga kalalawigan.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa ng artikulo nang biglang may mag-pop up na notification sa messenger niya.
MyF sent a voicemail...
Awtomatiko siyang napangiti nang mabasa ang notification at excited 'yong binuksan. MyF or My Future, 'yon ang endearment niya sa nobyo. Para sa kanya si Alfred na ang the one o ang nakalaan sa kanya. Hindi niya alam o hindi niya maipaliwanag kung bakit gano'n. Pero gano'n nga yata kapag mahal mo ang isang tao. Hindi mo maipaliwanag kung bakit mo sila gusto.
Tanging 'good morning', at 'I love you', ang nasa voicemail. Pero hindi niya mapigilang mapangiti. He never failed to make her smile even in the smallest and simplest thing he did.
Matapos mapakinggan ang voicemail ay nahiga na ulit siya. Pakiramdam niya ay makakatulog na siya dahil narinig niya ang boses ng nobyo.