One

1296 Words
INIANGAT NI Brenna ang tingin mula sa magazine na tinitingnan at hinarap ang maid na lumapit sa kanya. Nasa malawak na living room siya sa mansyon ng mga Montearevalo. "Pababa na daw po si Ma'am Katarina," pagbibigay-alam nito. Tumango lang siya sa sinabi nito at ibinalik ang tingin sa business magazine na binabasa. Totoo ngang namamayagpag na ang kalaban nila sa negosyo. Samantalang sila ay malapit ng bumagsak. Two years ago lang ay sila pa ang nasa front page ng business magazine na 'yon pero sa isang iglap lang ay nawala sila. Two years ago ay isa ang SilvestreLand sa nangunguna sa real estate business na pinamamahalaan ng daddy niya. Ibinalik niya sa coffee table ang magazine kasabay ng malalim na paghinga. Sakto naman nakita niya ang pagbaba ng tiyahin na kahit nasa katanghalian na ang edad ay napaka-sopistikada pa rin tingnan. Poise na poise ito habang bumababa ng hagdan. Tumayo siya at nakangiting sinalubong ang ginang sa dulo ng hagdanan. Halata na ang ilang puting buhok na nakalitaw sa ulo nito. Pero bukod do'n ay hindi pa rin maitatago ang kagandahan nito. "What brings you here, iha?" Tanong nito matapos makipag-beso sa kanya. Iginiya siya nito sa veranda at inutusan nito ang maid na dalhan sila ng meryenda. "Sayang at hindi kayo nag-abot nila Kass. They left earlier because of the twin, Xander and Xandra. They will enroll them to school." Pagbibigay-alam nito. "Sayang nga. Hindi ko nakita ang dalawa pa nilang kambal, Tita. Ang laki na siguro ni Erwann at Ether," nakangiting komento niya. Ang tinutukoy niya ay ang pangalawang kambal na anak ni Xavier at Kassandra na nabuo noong mga panahong nagsusuyuan ang mga ito. Nami-miss na nga niya ang pinsan niyang 'yon. May ilang taon na rin silang hindi nagkikita ng personal. Message and video calls lang ang nagagawa nila. Kapwa sila natahimik nang dumating ang meryenda nila. "Siya nga pa!a iha, hindi ba kababalik mo lang galing States?" Nang makaalis ang maid at tanong ng Tita Katarina niya. "Opo, Tita. I just came back yesterday from New Jersey," tugon niya. Five years ago nang magdesisyon silang pumunta sa New Jersey para ipagamot ang daddy niya na noon ay may bara ang ugat sa puso. Successful naman ang operasyon pero in-advice ng mga doktor na hindi na p'wedeng ma-stress ang daddy niya. Kaya ang isang solusyon para hindi ito ma-stress o mapagod ng sobrang ay ang iwan nito ang posisyon sa kompanya bilang CEO. Two years lang ang inilagi ng mga magulang sa States at nagdesisyon na rin ang mga ito na umuwi ng bansa. Para na rin ilipat ang pamamahala ng kompanya sa nakababatang kapatid nito. Iniwan o tamang sabihin na nagpaiwan siya sa mga magulang sa ibang bansa para makapag-isip. Para na rin siguro hilumin ang sugat na nilikha ng kahapon. "I'm glad you came here to see me." Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang sinabi ng ginang. Huminga siya ng malalim at alanganing ngumiti. "I'm sorry, Tita. But it's not the only reason why I came here..." Panandalian niyang iniiwas ang tingin dito at pasimpleng uminom sa baso ng orange juice na nasa harapan niya. Para na rin alisin ang kaba sa dibdib niya. Hindi siya sanay na humihingi ng tulong sa mga kamag-anak pero naroon siya at desperada na sa tulong na maaari niyang makuha. "I really, really need your help, Tita Katarina. I hope you can help me," nakayukong sabi niya. "Anything, iha. Just tell me what is it," malumanay na saad nito. Nang tingnan ni Brenna ang ginang ay nakangiti ito at nakalarawan doon ang sinseridad. Sinabi niya rito ang dahilan kung bakit siya umuwi ng Pinas pati na rin ang problema ng negosyo nila. She was so sure that her Tita Katarina will help her but upon mentioning her mom's name her face turned sour. Malungkot na ginagap ng Tiyahin ang mga kamay niya at tipid na ngumiti. "I can help you with your problem but...I can't help you when it involves your mom. I'm so sorry, Brenna," Gusto niya sanang itanong kung ano ang dahilan pero wala siyang nagawa kundi tumango sa sinabi nito. Bakit hindi gayong kapatid nito ang mommy niya? Hindi ba dapat nagtutulungan ang magkapatid? Nilisan ni Brenna ang mansyon ng mga Montearevalo na wala siyang nakuhang tulong. Bukod sa hindi successful ang pakay niya ay nagkaroon pa ng palaisipan kung bakit biglang tumanggi ang Tiyahin nang malaman na problema 'yon ng pamilya nila? Imbes pagtuunan pa ng pansin ang pagtanggi ng Tita Katarina niya ay nag-isip na lang siya ng ibang paraan para maisalba pa ang kompanya nila. Mahaba pa naman ang araw at nagsisimula pa lang siyang magpunta sa mga taong maaari niyang mahingan ng tulong. Sigurado naman siyang may mga tutulong sa kanya. Lulan ng sarili niyang sasakyan ay nagdesisyon muna siyang dumalaw sa bahay nila. Simula kasi ng bumalik siya ng bansa ay nagdesisyon na siyang umalis sa poder ng mga magulang. May sarili na siyang condo unit sa Pasay at doon na siya namamalagi. Ang bahay naman nila ay nasa Pampanga na may ilang oras din ang biyahe. Hindi pa siya nakakauwi doon simula nang umuwi siya. Tanging sa kompanya lang sila nagkakausap ng daddy niya. Kinukulit na nga siya ng mommy niya dahil gusto siya nitong makita kaya ngayong ay plano niya itong sorpresahin. Makalipas ang dalawang oras na pagmamaneho ay narating din ng dalaga ang bahay nila. Hindi siya bumusina para hindi makuha ang atensyon ng kung sino man ang nasa loob. Bitbit ang pasalubong na umibis siya ng sasakyan. Tamang-tama at natanawan niya ang katulong nila na nasa garden at kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman. "Cris!" Tawag niya sa pangalan ng kasambahay nila at sinitsitan ito. Agad naman siya nitong nakita at parang sabik na sabik na lumapit para pagbuksan siya ng gate. "Naku, Ma'am Brenna, nandito na pala kayo ulit. Welcome back po," magalang na bati nito. Tipid siyang ngumiti at tumuloy sa pagpasok sa loob ng kabahayan. "Si mommy at daddy nasaan?" Tanong niya at iniabot ang mga dala dito. Hindi pa man nakakasagot ang tinanong niya ay nakita na nila ang ina na pababa ng ikalawang palapag ng bahay. Hindi pa nito napapansin ang presensya niya. Mukhang okupado ang isip nito at ang atensyon ay nasa mga paa nito nakatuon. Abot-tenga ang ngiti niya at handa na siyang salubungin ito nang mapansin niyang may luha ito sa mata. Nawala ang ngiti niya at napalitan 'yon ng pag-aalala. "Mom," kuha niya sa atensyon nito. Agad itong lumingon sa gawi niya at gano'n na lang ang galak na lumarawan sa maganda nitong mukha nang makita siya. Hindi na niya hinintay na makalapit ang ina at sinalubong na niya ito ng yakap. "I missed you, my baby," sabi nito nang humiwalay sa pagkakayakap at iginiya siya sa living room. Hindi nito binitawan ang kamay niya kahit na nakaupo na sila sa couch. Tipid lang siyang ngumiti sa sinabi nito. Kahit siya ay na-miss ang mommy niya pero hindi 'yong ang concern niya ngayon. Gusto niyang malaman kung anong dahilan ng pag-iyak nito. Sinalat niya ang gilid ng mata ng ina at nakumpirma niyang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Awtomatiko itong nag-iwas ng tingin at naging malikot ang mata nito. "Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mo?" "'My, anong problema? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Sunod-sunod na tanong niya. Sunod-sunod din ang naging pag-iling nito at nginitian siya. "Alam mo naman ang problema natin. Nalulungkot lang ako na ganito kabigat na problema ang pinagdadaanan natin ngayon. Isa pa, naaawa ako sa daddy mo. Pero 'wag kang mag-alala alam kong kakayanin natin 'to," saad nito kasabay ng malalim na paghinga. "Malalampasan din natin 'to, Mom. Gagawa ako ng paraan para maisalba ang kompanya." Puno ng pag-asa ang ngiting ibinigay niya sa ina. Pinisil nito ang palad niya bilang sagot. Sa panahon na gaya ngayon ay kailangan niyang maging matatag para sa mga magulang. Siya lang ang inaasahan ng mga ito na magsasalba sa negosyong mag-isang itinayo ng daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD