bc

My Evil Boss Is Coming to Town

book_age16+
2.3K
FOLLOW
32.2K
READ
HE
opposites attract
friends to lovers
arrogant
badboy
boss
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
small town
love at the first sight
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Hindi akalain ni Hunter Mondragon na ang sinisante niyang sekretarya na kanyang pinahirapan at walang pusong niyang tinanggal sa trabaho kahit malapit na ang Pasko ay ubod pala ng yaman at anak pa pala ng numero unong kliyente na nagbibigay ng proyekto sa kumpanya nila. Sa takot na malagay sa alanganin ay sinundan niya ang dalagang si Jean Grey Salvadore sa Bayan ng San Nicholas para pabalikin sa trabaho bago pa man makapagsumbong sa ama.

chap-preview
Free preview
1. Got Fired
Jean Grey Salvadore POV This is the worst day ever. Simula ng magtrabaho ako sa Mondragon Marketing ay ngayon lang ata ko male-late. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari dahil hindi nag-alarm ang cellphone ko kaninang umaga. Supposed to be ay 7:30 AM eh nasa loob na ko ng opisina dahil around 7:45 AM sharp dumadating ang boss ko na si Mr. Hunter Mondragon. Nakapila na ako ngayon sa isang kilalang coffee shop dahil heto lang ang tanging kape na iniinom niya at inabutan na ko ng mahabang pila, at ang masasabi ko iba 'yong haba ng pila ng tao ngayon palibhasa kasi December na, malamang ang daming pera ng mga tao ngayon. Kinabahan naman ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, at ng makita ko kung sino ang natawag ay mas dumoble pa ang kaba ko because my boss- My Evil Boss is calling me. . . . . . Hunter Mondragon POV Ano ba naman klaseng mga empleyado ang meron sa henerasyon na 'to? Halos lahat mga tamad at incompetent. Saan ka makakakita na nauuna pang dumating sa opisina ang boss kaysa sa kanyang sekretarya?! Talaga naman nakakainit ng ulo kung ganito ang dadatnan ko sa umaga kaya agad ko siyang tinawagan. "Where the hell are you, and where the hell is my coffee?" Ang agad na sabi ko sa kanya pagkasagot pa lang niya ng tawag. "Ah, eh on my na po Sir. Sorry po talaga sobrang haba po kasi ng pila ngayon dito sa coffee shop kaya po medyo natagalan ako." Halata pa sa boses niya na parang nanginginig siya sa takot but I don't fùcking care. Pinapasweldo siya ng maayos dito sa opisina kaya dapat maayos din ang trabaho niya. Malinaw ko na pinaliwanag sa lahat ng nagiging sekretarya ko na oras na dumating ako ay dapat nasa lamesa na ang kape ko, and I need to drink my coffee now! At mukhang kailangan ko na naman ata magpalit ng sekretarya. "On my way na pero sinasabi mo na nasa pila ka pa? Are you fùcking messing with me? Kapag hindi ka dumating dito after 15 minutes ng hindi mo bitbit ang kape ko ay i-clear mo na ang desk mo!" Sabay tinapos ko na ang tawag. So, fùcking incompetent. I need my fùcking coffee now pero dahil sa kapabayaan ng sekretarya ko ay heto ako ngayon umagang umaga ay mainit ang ulo. "Sino na naman ang sinisigawan mo? Ang aga aga pa. Putak ka ng putak!" Isa pa 'tong stupid na kapatid kong si Zander. Ke aga aga ay nandito. Wala naman kaming meeting. "What the fùck are you doing here? Huwag mong sabihin may nilustay ka na namang pera ng kumpanya para ipa-approved sa akin.?" Humawak siya sa kanyang dibdib at nagkunwari na tila ba siya ay maha-heart attack sa mga narinig niyang sinabi ko sa kanya pero hindi naman ako natinag sa ginagawa niya at tinignan ko lang ang aking stupid brother sa kanyang kalokohan hanggang sa muli na siyang tumayo ng tuwid at muli ako'ng kinausap. "Grabe ka. Hindi mo ba talaga makakalimutan 'yon oh siya sige para matahimik ka na eh ibawas mo na lang sweldo ko 'yung bente mill na ginamit ko para sa photoshoot ng PAMANGKIN mo!" Bahagya naman ako'ng natawa ng peke sa mga pinagsasabi niya. Ayoko nga ibawas para lagi ako'ng may maisusumbat sa kanya. "Kung makasalita ka ng lustay kala mo milyon ang nawala sa kumpanya!" Dagdag wika pa niya pero wala ako'ng pakielam. Malaki o maliit na halaga man ay ginamit niya pa rin ang resources ng kumpanya para sa pansarili niyang interest. "Pwede ba huwag mo muna ako kausapin. Hindi pa ko nakakainom ng kape!" Naalala ko pala 'yong sinabi ko sa kausap ko kaya dinampot ko muli ang cellphone ko at nag-set ako ng alarm at kapag hindi talaga siya dumating ay sisante talaga ang abot niya sa akin. "Ano'ng ginagawa mo?" Ang tanong pa sa akin ng stupid kong younger brother kahit naman lumapit na siya sa tabi ko at kasalukuyan ng nakatingin sa cellphone. "Para saan naman yang timer na yan?" At ilang saglit pa ay na-gets na din niya. "Not again?! May tatanggalin ka na naman. Maawa ka naman malapit na ang pasko." Ang sabi pa niya pero wala ulit ako'ng pakielam. . . . . . . Jean Grey Salvadore POV "Kapag hindi ka dumating dito after 15 minutes ng hindi mo bitbit ang kape ko ay i-clear mo na ang desk mo!" At nawala na ang tawag halos magpanic naman ako kaya kinapalan ko na ang mukha ko at agad ako'ng pumunta sa unahan ng pilahan at nakiusap ako sa lalaki na baka pwedeng paunahin na niya ko. I think kaya ko naman habulin ang 15 minutes dahil katapat lang ng coffee shop na 'to ang building kung saan ako nagwo-work 'yon nga lang ay dapat mauna ako sa pila. "I'm sorry but it's a matter of life and death, kailan kong mauna sa'yo. My boss is going to fire me kapag hindi ko agad nadala sa kanya ang kape niya!" "Hu, palusot mo lang yan!" Ang rinig kong sabi ng ibang nakapila habang ang lalaking kausap ko naman ay nanatili lang nakatingin sa akin. "Please, please sige na naman pasingitin mo naman ako!" Ang muling pakiusap ko sa lalaki. "Naku kuya huwag mong pasingitin yan, style lang yan!" "Kunwari lang yan!" Ang mga komentong naririnig ko sa ibang mga taong nakapila pero hindi ko na sila tinitignan. "Okay." Ang sabi naman ng lalaking kausap ko at halos ang daming violent reaction ng mga taong nasa likod. Nakakahiya man ang pagsingit na ginawa ko pero wala ako'ng choice. Panay ang tingin ko sa wrist watch ko habang nasa tapat ng elevator at natataranta na ko dahil may natitira na lamang ako'ng five minutes para i-abot sa boss ko ang kapeng nasa kamay ko. At sa wakas bumukas na ang elevator at nakasakay na ako, medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil sure ako na aabot ako. Pagkabukas ng elevator ay agad ako'ng naglakad patungo sa opisina ni Mr. Hunter Mondragon, ang boss kong ubod ng sungit ng bigla naman ako'ng mapatigil sa paglakad dahil may tumawag ng pangalan ko. Naku ano ba naman yan kung kailan nagmamadali ako! Muli ako'ng tumingin sa relo na suot ko may 3 minutes pa naman, magma-manong na lang muna ako saglit kay Mr. Dizon, hindi naman siguro ako aabutin ng one minute sa pakikipag-usap sa kanya. "Good morning po, Ninong." "Dito ka pala nagwo-work?" Ang tanong pa niya. "Opo, ah wait lang po Ninong ah, may kailangan lang ako gawin." Ang paalam ko pa pero bigla naman may ibang empleyado na dumaan sa may gilid ko na walang pakundangan at nasagi ako. Sa kamalas malasan ay natapon lang naman ang kape ng aking boss sa damit ni Mr. Dizon. "Jean!" Agad naman ako'ng napalingon sa taong pasigaw na tumawag ng pangalan ko at matalim niya kong tinignan. Bukod sa hindi ko na naibigay ang kape niya ay naitapon ko pa sa damit ni Mr. Dizon na sa isa sa mga kliyente niya. So, I guess I got fired.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook