Jean Grey's POV Ngiting ngiti ako'ng pumasok sa kwarto ko, at agad akong sumampa sa may kama padapa, kinuha ang isang unan, at sinubsub ko ang aking mukha para hindi marinig ang ginagawa kong pagtili dahil kilig na kilig talaga ako. Crush ko na siya ulit, talaga naman crush ko siya noon medyo nag lie low lang talaga nung nakasama ko na siya sa office dahil super sungit niya pero ngayon ay hindi ko na talaga kaya pang i-deny sa sarili ko na talagang crush ko na siya ulit. Bigla naman tumunog ang cellphone ko para i-check kung sino ba ang istorbo, at hindi pa nga nauubos ang kilig ko. "Hello." "Sunduin mo ko sa airport!" Agad na bungad ng pinsan kong si Nealyn sa kabilang linya. "Ngayon na?!" Patanong kong sagot habang nakakunot ang aking noo. "Ay hindi bukas pa!" Sarcastic na sagot n

