Jean Grey's POV Napatingin ako sa may pinto ng coffee shop ng makita ko na may pumasok at medyo nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makita siya dito. Ang buong akala ko ba ay pagod at inaantok siya tapos nandito siya ngayon, pero wait pano niya nalaman na nandito ako? Tumingin siya sa aming saglit ni Jo Anne ng seryoso, and what the heck bakit parang nakakatakot bigla ang aura ng mukha niya. Parang ganyan siya sa akin tumingin nu'n nasa office pa kami tuwing may nagawa ako na mali sa pinag-uutos niya at mas lalo pang bumilis ang kaba sa dibdib ko ng lapitan niya kami dahil ang lalaki ng hakbang ang ginawa niya hanggang sa makalapit siya sa amin at basta na lamang niya kinuha ang kamay ko at hinila ako. "Ano ba Hunter, hindi pa kami tapos mag-usap." Sabi ko sa kanya habang hila niy

