They have arrived in Saranggani with a gloomy weather. Madilim pa rin ang mukha ni Iran at konti na lang, talagang ilalampaso niya na sa sahig ng eroplano ang babaeng iyon. Napahilot sa kaniyang sentido si Iran namg mapagtanto kung gaani siya kaapektado sa nalaman. Gosh, Miranda. Talagang affected ka basta alam mong may ibang babaeng nauugnay sa kaniya. Mabuti na lang talaga at mismong si Creed na ang gumawa ng paraan para tumigil ang Imarie na iyon sa pagdikit-dikit sa lalaki. Dismayado pa rin siya sa sarili niya gayung napagtanto niyang nasasaktan pa rin siya 'pagdating dito. Oo, aminado siyang walang kasalanan si Creed nang araw na iyon. Sigurado din siyang walang nangyari sa kanila ng lalaking nagisnan niyamg katabi ng araw na iyon. Gustong-gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang nar

