"Why do we have to separate with them? Ayos naman tayo doon sa SUV." "Safety protocol," sagot ni Creed habang nakatutok sa daan ang atensyon nito habang nagmamaneho. "Nakasunod sila sa likuran natin, gayun din si Pollux at Damirez." Tahimik lamang na nakatitig si Iran kay Creed. Kita niya sa mukha ng lalaki kung gaano ito kaseryoso at sa pagtatagis ng bagang nito, alam niyang kailangan niyang makipag-cooperate not only for her safety but also for the others. "You knew. About the stalker." Humigpit ang pagkakahwak ng lalaki sa manibela. Tumango ito ng tipid at hindi nagsalita. Napalunok si Miranda. She feels like saying something pero mukhang wala namang plano ang kaniyang katabi. She frustratedly groan before closing her eyes. "They say it's because of this pair of eyes. Noong una, na

