Kanina pa nag-aalala si Miranda. Malakas ang ulan at dahil biglang tumirik ang sinasakyan, napilitan si Creed na lumabas para tingnan ang makina. May kalahating oras na silang nakahinto sa gitna ng kalsada pero wala pa rin ang sasakyan nina Pollux na dapt ay nakasunod sa kanila. Hindi naman magawang bumalik nina Ismael at Tiffany dahil katatawag lamang ng huli at sinabing nagkaroon ng landslide sa dinaanang highway. Hindi na magawang makabalik pa ng dalawa dahil sa kapal ng putik. Ayon sa loca NDRRMC, it will take not less than 24 hours to access the road again. Sinabihan sila ni Creed na huwag nang mag-alala at magkikita na lang sila sa pier papuntang isla. "Evander, can you just get inside?" Hindi na naiwasan ni Miranda ang mag-alala lalo pa't alam niyang hindi maganda ang pakiramdam

