Napasinghap si Miranda nang bigla siyang haklitin ni Priam. Walang pang isang minuto nang nakalabas si Creed na ayaw pa sanang gawin ng huli kung hindi niya lang ito nasigawan. "Leave us alone, Evander. Please!" Natigilan ang lalaki at napatingin sa kaniya na tila nagugulat but she didn't back down. Magkahalong inis at pagkagulat ang nararamdaman niya kanina at hindi nakatulong ang biglang pagdating ni Priam. Oo at alam niyang susunod ito sa kaniya pero hindi niya inaasahan ang ginawa nitong pagpo-provoke kay Creed. Meron din siyang nakita kakaiba sa paraan ng paninitig nito kanina kay Creed bt she just chose to ignore it. He is her friend at alam naman nitong si Creed and lalaking nanakit sa kaniya noon. Iyon nga lang, hindi nito alam na dati silang mag-asawa. Bago lumabas si Creed a

