Chapter 5

2245 Words
And so, she is back. Napailing si Miranda nang mapagtantong kung ilang taon din niyang iniwasang tumapak ng Pilipinas dahil lamang sa isang tao. She let him manipulated her feelings to the point na isinantabi niya ng ilang beses ang pakiusap ng ina na sumama siya dito tuwing uuwi sa mga kamag-anak nito sa Luzon. Madaming bagay siyang pinalampas because she chose to be weak and vain of the love she has offered pero hindi na siya papayag ngayon. Dapat ay matagal na niyang ginawan ng paraan ang makalimutan ang nakaraan. O mas tamang sabihing dapat sana ay hindi na lang siya nagpaloko at nahulog sa bitag nito. At ngayon nga'y nandito na naman siya sa bansang una niyang inibig at unang naranasang masaktan ng labis. She promised herself not to think of him again and with that, bumakas sa kaniyang mukha ang tigas at determinasyong huwag itong isipin habang nandoon siya. Kailangan niyang alalahanin at gawing klaro sa kaniyang sistema na tapos na ang lahat at hindi na hahayaang masira pa ang kaniyang depensa. Besides, imposible naman yatang sa loob ng tatlong linggo niyang ilalagi sa bansa, magku-krus ang kanilang landas? Not that she wanted to be updated pero hindi niya naiwasang minsan ay mapakinggan ang pag-uusap ni Tiffany at ng pamilya nito. Nagbi-video call ang mga ito isang beses sa kuwarto ng kaibigan nang pumasok siya doon para sana may tanungin sa dalaga. Tiyempong ang nanay ng dalaga ang nagsasalita at naka loud speaker pa kaya naman hindi na nakaligtas sa kaniyang pandinig. "Bagay na bagay nga. Kaya sobrang proud si kumare, kasi may engineer na siyang anak iyon nga lang, hindi na naman nakauwi ang Ninong Anotnio mo sa graduation." And so she has concluded na isa nang engineer ang lalaki. Kaya tama. Sobrang destined naman kung sa three weeks stay niya ng Pilipinas ay magkakaroon pa ng chance na magkasalubong ang landas nila nito. Sa pagkakaalala niya'y pina-scan naman ng kaniyang ama ang mga taong haharapin niya doon just like what Don Manuel is always doing kaya nga before hand ay may listahan na ng mga taong haharapin si Miranda. At siyempre, wala doon ang pangalang Creed Evander Morales. Engineer nga di ba. Pero nang muli siyang napatingin sa mga naka-unipormeng lalaki na nasa paligid, parang gusto niyang iuntog ang ulo para magising. Pare-pareho ang suot nitong mga fatigue na pang-ibaba ngunit nakasuot ng itim na shirts ang pang-itaas. Nainis sa sarili si Iran nang muli na namang lumanding kay Creed ang mga mata. He is so damn gorgeous na parang wala lang dito at naka-focus sa ginagawang pagbabantay sa kaniyang tabi ang lalaki. And yes, it was destiny indeed (with sarcasm) dahil lo and behold, nagmumurang karisma pa rin ni Creed ang pilit na gumagambala sa kaniyang isipan. Pinilit na lamang niya ang mag-iwas ng tingin. These men came under the SAF or Special Action Force command. Naka-hilera ang nasa apat na kalalakihan maliban lamang sa isang lalaking namumukod tangi dahil sa angking tangkad nito. He’s wearing a fatigue pants and a black shirt too but why is he in a hair bun style na kanina pa niya ikinaangat ng kilay? Hindi ba dapat ay clean cut ang gupit nito? Alagad ba ng batas ang isang 'to o nagmo-model lang ng fatigue uniform? Gustong irapan ni Iran ang sarili. Kitang-kita niya ang malalagkit na tanaw ng mga babaeng crew sa airport at ng ilang binabae. Lahat halos ay na kay Creed ang atensyon pero manhid na yata ang lalaki doon. Hindi naman kasi makatarungang isa na itong alagad ng batas at hindi engineer katulad ng nalaman niya noon. Tapos parang destiny ba? Parang scripted destiny naman. Kung pwede nga lang sana siyang bumalik ng eroplano at lumipad palabas ng PAR. But of course, hindi niya iyon gagawin. Tapos na ang mga araw na siya ang nagtatago para iwasan ang history niya sa "asawa". Yes, they are estranged couple. Parang istorya sa isang libro o pelikula ang nangyari sila ni Creed. Ikinasal ng hapon, nagsama ng buong gabi at nagkahiwalay sa umaga the next day. Base sa pagmamando ni Creed, mukhang ito ang lider ng kaniyang security team. Nakikita niya kung paano sinusunod ng mga kasamahan nito ang mga utos ng lalaki kahit na ang isang morenong singkit ang mata na matalim kung makatitig dito. She heard the name was Brix Frialente at hindi niya rin nagustuhan ang paraan ng paninitig nito sa kaniya. Para siyang hinuhubaran nito. Mabuti na lamang at nahalata nitong matiim na palang nakatitig si Creed kung kaya't nag-iwas agad ito ng tingin. Simula noo'y hindi na siya nilubayan ng lalaki. Ayaw man niyang aminin, Iran felt safe nang binakuran na siya ni Creed at hindi nilayuan maski ng tingin sa tuwing kailangan nitong dumistansiya sa kaniya paminsan-minsan. "Magandang umaga po, Lady Miranda Gonzalez Morales. Welcome to the Philippines." Bahagya nang naiirita si Creed sa unti-unting pagdami ng tao sa paligid kung saan karamihan ay miyembro ng mga media. Iritable ito dahil sa napag-usapan na walang nakakaalam ng pagdating ni Lady Camila Miranda. Pero wala na silang magagawa lalo pa't ayon sa kaibigan na si Tiffany na PA pala ni Iran (inisip niyang kukutusan mamaya) parte na daw iyon ng pagsalubong sa babae saan mang bansa tumungo. "Kumusta naman ang puso natin, kuys? Mukhang semplang tayo a." "Ulol. Tumahimik ka diyan at baka may makarinig pa sa'yo." Siniko ni Creed and tiyan ni Pollux. Mahina lamang ang pagkakasabi niya noon. Ayaw niyang mabahiran ng intriga si Iran. Pero mas lalo pang nag-ingay si Pollux nang makitang dinidikitan ni Brix si Miranda. Nakalingat lamang siya sandali, pumalit na sa kaniyang puwesto si Brix. He needed to do something kung kaya't pansamantala siyang naiwan sa paglalakad habang papasok sila sa maliit na meeting room ng airport. Anak ng...si Ismael ang katabi ni Iran kanina pero nagawa pa ring sumingit ni Brix sa tabi ng asawa. Naalarma si Creed pero hindi nagpahalata. Wala talaga siyang tiwala sa kasamahan. Kailangan niyang manmanan ang kilos nito lalo pa't alam na alam niya ang paraan ng paninitig nito kay Iran. Hangga't hindi nito hinahawakan ang babae, tahimik lamang siyang magmamasid at magbabantay. "Kuys, wala ka ba talagang gagawin sa mayabang na 'yon? Tingnan mo o-" "Shut your mouth, Pollux. Nandito tayo para magtrabaho. Priority natin ang safety ng subject. Huwag mo na munang pansinin si Frialente. Napipigilan ko pa naman basta ba't wala lang siyang gagawing kabalastugan sa organisasyon, palalampasin ko iyon." lalo na kay Iran. Sa isip niya na lamang iyon sinabi. Pumalatak ang kaniyang kausap. Alam niyang nauunawaan nito ang ibig niyang sabihin. Ang mahalaga sa ngayon ay si Miranda. Sa nalaman niyang may history ng stalking ang babae, mas lalong kailangan niyang pagtuunan ito ng full attention at all cost. Mas lalong hindi niya dapat iwala sa kaniyang pakiramdam si Brix Frialente. Kumuyom ang kaniyang mga kamay nang maalala ang mga sinabi ni Brix Frialente. Ayon pa dito, pantasya nito ang babae. Nang mga sandaling iyon kasi ay wala pa siyang kaalam-alam na si Iran na pala ang tinutukoy nito. Kung bakit kasi malapit ang babae sa mga ganitong tao. Kung inaakala niyang susunod kaagad sa kaniya si Pollux, nagkakamali siya. Dahil humarap pa nga ito sa kaniya at nagawa pang mang-inis. "Asus...excited ka na, ano? Siguro sobrang lakas na ng pagkabog ng puso mo dahil nagkita na kayo ulit." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Creed. Nakita niya pang naiiling na si Damires sa kadaldalan nito at natawa. Si Brix naman sa di kalayuan ay nakahalukipkip lamang at masama na ang tingin sa kaniya. Nagawang bumalik ni Creed sa tabi ni Iran. Inutusan niyang lumipat sa unahan si Brix na wala na ring nagawa dahil subordinate niya nga naman ang kumag. "Naku, sama-sama talaga ng tingin ni Brix sa'yo o." "Kapag hindi ka pa talaga nanahimik, ako na mismo ang pupulupot ng dila mo sa bituka mo, Castroverde." Napalabi si Pollux at tumango-tango bago mabilis na nag-iwas ng tingin. Alam nitong hindi siya nagbibiro. Lalo pa nang mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam na niya ang paghuhurumentado ng kaniyang puso. It's been seven long years simula nang huli niyang makita ng personal ang babae. Nakuntento na lamang siya sa mga alaalang iniwan nito mula sa unang beses silang nagkita hanggang sa kung paano nito ginawa ang lahat upang mapalapit sa kaniya. Hindi niya maiwasang mangiti sa tuwing naaalala niya kung paano ito mamula at bumaluktot ang dila sa tuwing nasusukol. Ramdam pa rin niya ang init at tamis ng labi nito noong una niya itong mahalikan. Higit sa lahat, he treasured the most the first time he had acknowledged his feelings for her is no ordinary want or like. Iyon din ang unang pagkakataong may nangyari sa kanila ni Miranda. That night when he claimed her as his wife after their secret marriage. Kanina'y unang hinanap ng mga mata niya si Miranda. At nang makita ay literal siyang namingi dahil sa malakas na nagkabog ng kaniyang dibdib. Walking gracefully, yet without smiling is the woman he's longing to see. Her high-ponytailed long black hair made her look like those in the pageant dahil sa tuwid nitong paglalakad. She's wearing a black sun glass. She looked fabuluos and elegant on her tight white skinny jeans paired with a five-inches stilleto habang ang pang-itaas naman nitong suot ay isang Dolce Gabana red long-sleeves. Napalunok si Creed nang makita kung gaano kalaki ang ipinagbago nito mula sa hubog ng katawan, pananamit hanggang sa kung paano magsalubong ang dalawang kilay nito sa likod ng suot nitong salamin. And then when she was in front of him, napahinga siya ng malalim dahil sa pamilyar nitong bango na agad umatake sa buo niyang sistema. Umatake ang nakaraan sa kaniya at halos bumaon na ang kaniyang mga paa sa pagpipigil na huwag itong mahablot at yakapin ng mahigpit. It did hit hard to him. Iyong tigas at lamig ng boses ni Iran. Basang-basa niya na hindi magiging madali sa kaniya ang makuha ang pagpapatawad nito. Ngayon lamang niya nakita ang ganitong side ng babae. Nasanay siyang malambot ito at laging sinusunod ang kaniyang gusto pero sino ba ang lolokohin niya? Ikaw ba naman ang manakit ng damdamin dito at isiping siya ang may pakana kung bakit nasira ang tiwala nito, sa tingin mo ay magiging maayos pa ang lahat? And so, their prodigal friend is back. Kasama pala ito ni Iran. Halos mabaliw ang nanay nito sa kahahanap noong unang taon na nawala ito, iyon pala'y kasama ng kaniyang asawa? Konswelo na lamang niya ang isiping ito ang entrusted employee ng babae. He mentally noted to talk to Tiffany o Paning as what they call her in their street. Kailangan niyang malaman kung ano ang mga nangyari sa nawala niyang asawa matapos ang araw na iyon. "Credo? Kuys? Ikaw nga!" Malakas na boses ng babaeng may tsinitang mga mata ang saglit na umagaw ng atensiyon ni Creed. Mabilis itong nakalapit sa kaniya at pabirong sinuntok ang kaniyang braso. "Hala ka, isa kang SAF!" ang lawak ng pagkakangiti ni Tiffany. "O, o, o. 'yang kamay mong bakal kahit kelan talaga." iiling-iling na niyakap niya saglit ang babae. Katulad ni Pollux, si Tiffany ay kababata din niya at kasabayang lumaki. Silang apat actually, kasama pa ang isang kaibigan na nasa ibang bansa, ang talagang tropa sa kanila kanto. Maliit man ito, aminado ang binatang parang bakal nga ang mga kamay ng kaibigan. She was once a boyish girl na akala nila'y tomboy pero nalaman na lang nilang pinaiyak ito ng dati nitong boyfriend. Niresbakan talaga nila ang gunggong na iyon na meron pa palang reserbang babae, kaya naman umuwi ito ng bugbog sarado ang mukha. Talagang parang magkakapatid na ang turingan nilang apat kung kaya't bumalik na naman sa isipan ni Creed ang sumbatan sana ito. Kung hindi niya lang inaalala ang kasalukuyang sitwasyon. Hinuli ni Creed ang ulo nito para guluhin ang buhok. Todo ilag naman ang babae na agad sumimangot. "Aba siya! Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko, kuys. Ang mahal mahal ng maintenance ko diyan!" Ngumisi lang ang binata saka ibinalik ang sulyap sa binabantayan. Nakita niyang nagawi sa kanila ang mga mata ni Iran na agad ding nag iwas ng tingin nang makita siyang nakatiitg dito. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa ilang media. Mabilis siyang lumapit dito at tinapik sa balikat si Damires. Sumenyas siya dito na agad din namang naunawaan ng isa ang ibig sabihin. Nang tumabi siya kay Iran at protektahan ito sa ilang media men, naramdaman niya pa ang paninigas ng katawan nito. Tensyonado ang katawan nito but her face is straight and void of emotion. Sing-lamig man ng yelo ang pakikitungo sa kaniya ng babae, kailangan niya pa ring bantayan at protektahan ito all cost. Saka na lamang niya iisipin kung paano ito makakausap ng masinsinan. Basta't ang alam niya, he'll do everything to win her back. Pasimple niyang tinanguan ang ibang kasama. Unti-unti nang nagsisilapitan ang ilang media members na bagama't hindi announced amg pagdating ng VIP, nagawa pa ring matunugan ang pagdating ng anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Espanya. Sandali silang nagkausap ni Ismael at ibinilin sa kaniya ang ilang mahahalagang bagay. Habang ginagawa iyo'y hindi maalis-alis kay Iran ang kaniyang tingin. Nagtama ang kanilang mga mata. And all he can see is just a cold soul. Napahugot ng malalim na paghinga si Creed nang makita kung gaano nito kagusto ang huwag madikit sa kaniya. However, I am sorry, Iran. Dahil hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD