Chapter 6

2160 Words
"We are glad to personally meet you, Lady Camilla Miranda. We were told before na ang isa sa mga anak nina Don Manuel at Donya Mariana ay nagtataglay ng kagandahang hindi basta-basta. Hindi naman sa ayaw naming maniwala noong una. In fact, your mother's beauty plus your father's too are unquestionable. But..wow, ngayong nasa harapan ka na namin...it's just too good to be true, you know? You're beauty is such priceless." "Is it true that you got the rarest pair of eyes, Lady Camilla?" "Can we see you with your eyeglass off, Miss Gonzalez?" Kaliwa't kanan ang mga press at paparazzi na naroroon sa pagtatanong. May kumukuha ng camera at video sa babae habang naglalakad ito papalabas ng VIP exit area ng airport. The woman looks exquisitily beautiful na aakalain mong isang beauty queen. Pero kung gaano ito kagalanteng tingnan, siya namang lumanay nito at down to earth. Alam iyon ng Creed kung kaya't simula kanina nang muli sila nitong magkita, he was really challenged of his capability to focus performing his job. Ang hirap pala na sa loob ng maraming taon na hindi mo nakita ang taong mahal mo, at wala kang ibang gustong gawin kundi ang yakapin ito at damhin, ni hindi ka man lang nito magawang tingnan. Oh how he castigated him self for letting his feeilings overulr him? Kailangan niyang unahin ang kaniyang misyon at ihiwalay ang personal na nararamdaman kung ayaw niyang mabulilyaso. Nang malaman niyang meron pa lang threat sa buhay ng babae, batid niyang kailangan muna niyang isantabi ang personal na intensyon niya dito. Her safety is the most important thing above all. Minsan na siyang nabigo na maprotektahan ito noon at hindi niya hahayaang mangyari ulit iyon. "Pwede niyo po bang tanggalin ang salamin niyo kahit mabilis lang po?" "She can't do that. Paumanhin po, but you must stay outide the cordon." Seryoso ang mukha ni Creed nang sinabi. Agad namang tumalima ang mga miyembro ng media. Mukhang nahinuha ang tigas sa boses ng SAF officer. Parang mga bubuyog na kaniya-kaniyang reklamo ang mga ito pero wala ding nagawa kundi ang sumunod. Nangunot ang noo ni Creed nang makita niyang huminto sa paglalakad ang babae. Saglit muna itong natigilan at tumingin sa kaniyang gawi bago ngumiti sa press. Nakita niya ang pagtaas ng kamay nito at akmang tatanggalin sana ang suot na salamin nang bigla niya itong pinigilan. "For your safety and security, I suggest na huwag mong tatanggalin ang suot mong eye glass, Lady Miranda. It's not safe." bigla'y nasa tabi na ni Miranda si Creed. She felt unfomfortable nang hindi sinasadya, bahagya pang nagdikit ang kanilang balat. Nawala ang ngiti sa labi ni Iran at napalitan ng iritasyon. "There's nothing wrong with me removing my eyeglass, Officer. " Pero hindi ito pinansin ng lalaki. Bagkus, humakbang ito ng kaunti sa harapan upang makalapit sa press. Nagtatakang napasunod dito ang tingin ni Iran at halos hndi makapaniwala sa narinig na sinabi. "Mga kaibigan, pasensiya na. Mukhang kailangan na po naming dumeretso ng sasakyan para makapagpahinga na po sa kaniyang tutuluyan ang ating bisita." Kaniya-kaniyang atrasan ang mga miyembro ng media. Nagsimula nang makaramdam ng inis ang babae. The way Creed impose those words, pamilyar sa kaniya iyon. Bossy ang lalaki at kung sa akala nito ay katulad pa rin siya ng dati, she needed to show to him na nagkakamali ito. Luminga si Iran para hanapin si Tiffany. Agad naman niya itong nakita habang ay kausap sa cell phone. Saktong natapos ang tawag nito nang makita nitong magkasalubong na ang mga kilay ng amo. "O, ganiyan na kaagad 'yang mukha mo?" "Tiff, ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?" hindi man ituro'y alam nitong mauunawaan ng kausap ang ibig niyang sabihin. "My lady, he's just doing his job. Hayaan mo lang siya." Napapikit-mata ang babae. Hindi pa man inaabot ng oras ang paglapag nila ng Pilipinas, mukhang heto't mai-stress na yata siya. Not to mention when she learned about Creed being his security aide while staying in the said country. "Please, pigilan mo siya. Ayokong magkaroon pa ng issue itong ginagawa niyang pangingialam," pabulong na sabi ni Iran kay Tiffany. "Let him. Tama naman ang ginagawa niya. Malamang, nasabi sa kaniya in a briefing na hindi mainam sa iyo ang naka-expose ang mga mata." Huminga ng malalim si Iran. Wala na siyang nagawa nang lumayo na sa kaniya si Tiffany para kausapin ang ilang press. The are still walking at mabagal ang kanilang mga hakbang dahil sa unti-unting dumarami ang mga nakiki-usyuso sa kaniyang pagdating. "Kayo po ba ang bodyguard ni Lady Miranda, Sir? Ano po ba'ng pangalan natin? Kabilang po kayo sa Special Action Force base sa suot po ninyong pang-ilalim na uniporme, hindi po ba?" Seryosong hinarap ni Creed ang may kapayatang lalaki na nagsalita. "SPO4 Creed Morales, a SAF officer from Camp Bagong Diwa. Close-in security aide ng VIP guest natin na si Lady Camila Miranda Gonzalez," may bigat ang pagbigkas sa huling apelyido ng babae. It should have been his own last name. Pagkuwa'y sinulyapan ni Creed si Iran. Napaiwas naman ito ng tingin. Nang sinabi kasi iyon ng lalaki'y buong-buo ang boses nito at talaga namang kahanga-hanga ang tikas nito. She knows too. Dama niyang nagtagis ang bagang ni Creed nang binanggit ang kaniyang apelyido. Wala siyang pakialam kaya minabuti na lamang niyang harapin ang mga tao. Muli'y kitang-kita niya kung paano magmando si Creed sa mga kasama nito. Hindi mayabang pero sakto lang para makita niyang intimidating ang dating nito sa mga kasama. Napansin niya lang ang isa sa mga kasamahan nito na mukhang masama ang tingin sa lalaki but she chose not to be nosy. "Tiffany, do something. Hindi siya dapat ang kumakausap sa kanila hindi ba? It's your job, please?" nakakaramdam na ng inis si Iran wala pa ngang isang oras nang lumanding sila. Hind niya nagustuhan kanina ang ginawang pagpigil sa kaniya ni Creed. She's about to remove her eye glass sana para mapagbigyan ang kahilingan ng isa sa mga nag-iinterview. Pero hindi na siya nakahuma nang seryoso siya nitong binalingan. "Ayusin mo 'yang mukha mo, my lady. Mas lalo kang gumaganda kapang nagtataray ka. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko dito at ma-irecord pa nila ang hindi dapat." Nakangisi nitong sabi sa babae na mas lalo pang ikina-irita nito. Napabuga ng hininga sa inis ang babae. Mukhang nakuha niya ang ibig sabihin nito pero hindi naman iyon necessary. Nasa Pilipinas naman sila ngayon at matagal na siyang nananahimik. Walang stalker na manggugulo. Besides, si Tiffany ang dapat nagsasalita doon! Bago pa man nakahuma si Iran, mabillis na itong tumalikod at tumabi ky Creed. "Meron po siyang press conference mamayang gabi sa Hyatt. Doon na lang po natin ipagpatuloy ang interview." Ngayon lang nila nalaman ni Pollux na all the while, si Paning pala ang PA ni Miranda. "Paning" ang pet name nila kay Tiffany sa grupo dahil ito ang nag-iisang babae sa kanilang apat at ito rin ang itinuturing nilang bunsong kapatid. Kung titingnan ni Creed sina Iran at Tiffany ngayon, masasabi niyang sobrang close ng dalawa. Kabaligtaran sa kung paano nga ito tratuhin noon ng kababata. Mukhang matagal nang magkasama ang dalawa. Tantiya ni Creed, mukhang nakalimutan na nga rin yata nito kung sino ang mas nauna nitong naging kaibigan sa kanila ni Iran. Mukhang nasa babae na kasi ang loyalty nito. Pasimpleng hinigit palayo ng babae si Creed. Hindi naman masyadong malayo but just enough for them to have a little privacy. Kasalukuyang nasa VIP table si Iran sa gitna ng media people. Sa kabila ng kagustuhan nitong makarating na kaagad sa hotel na tutuluyan, pinagbigyan pa rin nito ang mga reporters ng kalahating oras para sagutin ang ilang katanungan. Nasa isang VIP lounge sila ng airport at buong tiyagang nginingitian ni Iran ang mga press na nagtatanong. Abala ito at naka-focus sa mga tanong na ibinabato habang kinukunan ng mga litrato at video ng mga media men. "Grabe, kuys, sobrang bagay sayo 'yang uniform mo. Masaya ako at hindi mo ipinagpatuloy ang pagiging... you know?" medyo nagdalawang isip ang dalaga. "G*go? Nahiya ka pa, Paning. Ganun naman talaga ako noon." kaswal lang na sinabi ni Creed. Napangiwi naman ang isa. "Kung hindi ko lang nakita si Pollux kanina, at hindi ka rin ngumiti sa'kin, talagang hindi kita agad makikilala. Akala ko si Johannes Risler na ang kaharap ko." namimilog ang mga mata ni Tiffany. Halatang tuwang-tuwa talaga ito. "Sino naman 'yon?" kunot-noong ngumiwi ang lalaki. Bumalik sa binabantayang tao ang mga mata. Hindi pwedeng mawala sa kaniyang paningin si Iran. Kung maaari lamang na dito tumutok ang kaniyang mga mata sa bawat minuto ay ginawa na niya. Ibang-iba na talaga siya, he gasped. Nagmature na si Iran pero mas lalo lang itong gumanda dahil sa mataray nitong awra. But when she needed to smile, iyong ngiting nakalaan para sa ganitong mga pagkakataon, somehow kahit hindi iyon ang masasabing totoong ngiti ng babae, nagkasya na lamang siyang pagmasdan iyon. Nang ilang segundong wala siyang narinig mula sa kababata kaya naman binalingan niya ito. Agad niyang nakita ang nanunukso nitong mga tingin kasabay ng pagnguso nto sa babaeng tinititigan. "Nagulat ka, ano? Hindi mo ba inaasahang si Iran ang magiging bagong assignment mo?" humalikipkip ito at itinuon din ang pansin sa amo bago ibinalik sa kaniya. Creed rested both of his hands in his waist. Lumabas ang nag-iigtingan nitong mga ugat sa braso. With his 6'1 ft height, idagdag pang naka-bun ang buhok, he's surely a hot badass officer na halos maglambitin na ang mga kababaihan. Yes, he is being chased to pero hindi siya kailanman nagkaroon ng pormal na ka-relasyon pagkatapos kay Iran. Imbes na sagutin iyon, ibang tanong ang namutawi sa kaniyang bibig. "Kailan pa kayo magkasama, Paning? Ilang taon ka ring nawala bago tumahimik ang nanay at kuya mo sa paghahanap sa'yo, tapos makikita kitang kasama mo pala siya? Hindi ba nakarating sa iyo ang balitang hinanap ko siya pagkatapos ng gabing iyon?" tila sarili lamang ang kausap ni Creed nang sinabi iyon. Tiningala siya ng babae at tinitigang mabuti bago seryosong sinagot. Hindi naman nito masisisi ang kaibigan kung magagalit ito sa kaniya dahil mahigpit din kasing ibinilin ng dalaga na walang sasabihin ang mga ito ay Creed. Alam din ng mga magulang ni Tiffany kung ano ang nangyari sa dalawa. Her parents and Creed's are the closest amongst elders sa kanilang lugar. "Isang taon lang naman akong nawala sa bahay at nalaman din nila nanay kung nasaan ako. Alam din nilang si Iran ang kasama ko." tumikhim si Tiffany. It was actually a revelation at inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ng binata. At hindi nga siya nagkamali. Napalingon sa kaniya si Creed. Nag-iba ang timplada ng mukha nito at sumeryoso. "So, all the while, naglihim ka sa akin? Talagang sinadya mong huwag akong kontakin kahit alam mo kung gaano ko kagusto ang makausap siya?" batid ng kababata ang hinanakit sa kaniyang boses. Pero tila hindi ito nabahala. Oo, mas nauna nitong naging kaibigan si Creed kesa kay Iran pero dahil sa ginawa ng lalaki sa dalaga, nauwi sa huli ang kaniyang simpatiya. "Pasensiya ka na, Credo. Kung hindi ka naman ba kasi sangkaterbang g*go, e di sana, di ba?" Napailing ang binata sa bunganga ng kaibigan. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Hindi pala dinaig ng class at pag-uugali sa lugar na pinanggalingan nito ang bulgar nitong bunganga. "Just so you know, siya mismo ang nakiusap sa akin na huwag magbanggit ng tungkol sa'yo. Nasaktan siya at alam mo 'yon? Ni ang lumitaw ka nga sa kaniyang balintataw ay ayaw niyang manyari, kausapin mo pa kaya?" nang-aasar ang boses ni Tiffany. Matalim niya itong sinulyapan pero hindi rin naman siya nakaimik. Bumigat ang puso niya sa nalaman. Now he is sure, hindi pa rin siya napapatawad ng dalaga. Mukhang mahihirapan nga siya dahil mula pa kanina ito umiiwas at umiirap sa kaniya. Ang taray, sobra. Pero wala sa kaniya iyon. In fact, he finds her really beautiful and enchanting. Talagang napakaganda ng kaniyang irog. "Naku, kung ako sa'yo, planuhin mo ng maayos kung paano kayo magkakaayos. Ligawan mo, kuys. Tatlong linggo lang kmi dito. Babalik din kami ng Segovia. Kung anuman ang pinaplano mo, huwag kang pa-petiks-petiks diyan. Simulan muna. Hindi mo man sabihin, alam ko na 'yang mga tinginan mong 'yan." tumatalak na naman ang assistant ng asawa. Napabuntonghininga ang lalaki. Pinilit niyang ibaling buong atensyon sa kaniyang misyon hanggang sa muli niyang narinig na nagsalita si Tiffany. "May tamang pagkakataon para diyan, Paning. Ayokong bigyan siya ng alalahanin sa ngayon. Kaligtasaan niya lang ang mahalaga sa ngayon." "Pero kuys, may kailangan kang malaman kay Iran." Pero hindi pa rin natinag ang lalaki. Seryoso ang mukha nitong hinakbang ang kinaroroonan ng sasakyan kung saan ay nauna nang pumasok si Miranda kasama si Ismael. "Aba't-. bahala ka na nga diyan! Ikakasal na si Iran, kuys. At kung ganiyang wala ka pang planong kumilos, good luck na lang sa'yo. Hmp, kahit kailan talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD