Chapter 50

2375 Words

"Ikaw pala ang bunsong anak nina Don Manuel at Donya Marianna. My name is Lino Gorricetta, my lady. Ikinagagalak kitang makilala." Inabot ng lalaki ang kaniyang kanang kamay. Nagulat si Miranda nang mabilis na kinuha ng anak ng mayor ng Glan, Sarangani ang kamay nito at akmang hahalikan sana sa likuran ng palad nito nang walang anu-ano'y isang malakas na pagtikhim ang umagaw ng kanilang pansin. Nakatutok na pala sa lalaking pangahas ang matatalim na mga mata ni Creed. Umangat ang isang kilay ni Miranda nang makitang nginisihan lang ito ng anak ng alkalde pagkatapos ay binitiwan nito ang kaniyang palad saka natatawang nag-angat ng dalawang kamay palatandaang hindi ito lalaban. Umirap si Creed at hindi naitago ni Miranda ang mapangiti. Kung bakit ba namang sa tuwing magsusuplado o sisiman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD